THEA Tahimik si Aiden buong biyahe. Ako naman ay ginalang ang pananahimik niya dahil baka gusto lang muna niyang kumalma kaya siya tahimik. Malapit na kami sa condominium nang balingan ko siya. “Dumiretso ka sa parking. Gagamutin ko muna ang sugat mo,” utos ko. Sinunod niya ako. Kahit sa elevator ay tahimik siya. Hawak lang niya ang kamay ko at blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pagdating sa condo ko, pinaupo ko muna siya sa sofa bago ko kinuha ang medicine kit. Pagbalik ko sa kanya, tahimik kong ginamot ang sugat niya. Kahit nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ko, hindi ko maiwasan na tingnan siya. Kapag ginagawa ko iyon, laging nagtatagpo ang aming mga mata. Simula nang gamutin ko siya, nakatitig lang siya sa akin. Kahit naiilang, ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Pa

