Chapter 40 Safe In His Arms

2412 Words

THEA Binabaybay ko ang daan pabalik. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang tigil na pagdaloy ng luha. Hindi ko rin maaninag ang daan, sabayan pa ng malakas na buhos ng ulan. Kagat ang ibabang labi, binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Gusto ko nang makarating agad sa condo ko at doon ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib ko. Madulas ang daan dahil sa ulan, kaya hindi ko napigilan ang paglihis ng sasakyan ko sa daan. Napunta ako sa kabilang lane. Hanggang sa namilog ang mata ko at napatili nang may nakasalubong akong malaking truck. Sa lakas ng busina nito, nag-panic ako. Nasilaw rin ako sa headlight nito. Sa sobrang taranta ko, nadiinan ko ang silinyador. Hindi ko nakontrol ang paglipat ng sasakyan ko sa kabilang gilid ng daan. Muntik na akong masubsob sa manibela nang b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD