Nanlaki ang mga mata ni Zhoey nang makita niyang bumunot ng patalim ang lalaki. Agad itong sumugod sa kanya, handang saksakin siya. Ngunit mabilis siyang kumilos. Malakas niyang hinila sa kamay ang flight attendant papunta sa kanya, ginawang panangga ang katawan nito sa katawan niya, at inilock ang leeg nito sa kanyang braso bilang hostage. Napasinghap nang malakas ang flight attendant, nanlaki ang mga mata nito sa di inaasahang pangyayari. Tumingin ito sa karelasyon, halatang hindi makapaniwala sa nangyari. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tingin sa patalim na tumama nang diretso sa kanyang tiyan. Nagulat din si Zhoey. Hindi niya inakala na dumeretso talaga ang strike ng lalaki. Akala niya, titigil ito kapag ginamit niya ang flight attendant bilang panangga. Pero ang bilis ng pangyayari.

