"Baka hindi ito gumana dahil nasa likod ako, nakapatong pa sa backpack. Naku, paano ba ito? Huhu, hindi ko talaga alam ang gagawin. Matitigok na yata ako nito nang tuluyan. Diyos ko po, tulungan Niyo po ako." Habang iniisip niya kung paano gumana ang parachute, bahagya siyang umusod paharap, kumapit siyang mabuti sa leeg ng lalaki para hindi mahuhulog. Halos nagmarka ang kanyang pagkakahawak, ngunit bahala na, sa isip niya—wala naman itong malay. Gayundin, wala ring malay ang flight attendant. Sa gitna ng kanyang paggalaw paharap, bigla na lang bumuka ang parachute. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, subalit agad itong napalitan ng labis na tuwa at pasasalamat na bumalot sa kanyang puso. Napagtanto niya ang parachute pala ay mayroong automatic activation device kaya bumukhad ito. Da

