Chapter 20: The Attacked

1159 Words

Umatras si Zhoey mula sa kanyang pagkakaupo, nag-aalalang baka makita siya ng dalawa. Dahan-dahan siyang sumandal sa pinakasulok ng pader, pilit na nagtatago. Hindi pa tapos ang dalawa sa kanilang ginagawa—patuloy pa rin ang mahihinang ungol na nagmumula sa kanila. Maya-maya, narinig ni Zhoey na nag-uusap na ang dalawa. Mukhang tapos na sila. Ngunit halos manigas siya sa tanong ng lalaki, na nagpatayo ng balahibo niya: "Sigurado ka bang matitigok 'yon, my luvs?" tanong ng lalaki sa flight attendant na karelasyon pala nito. "Oo, sigurado ako, my luvs," sagot ng flight attendant, kumpiyansang-kumpiyansa. "Kapag nasobrahan siya sa paglanghap ng amoy, unti-unting manghihina ang sistema niya hanggang sa matigok siya. Pag natigok na siya at ino-autopsy ang bangkay niya, ang resulta nito ay ei

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD