Zhoey Mabigat ang puso ko habang lumalabas ng bahay nila Nimrod. Wala na akong magagawa—isa lang pala akong pampalipas-oras sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin niya, iyon pa rin ang maaring itatawag sa sarili ko. Hindi man lang niya sinabi sa akin na may fiancée na siya, kaya habang maaga pa, kailangan ko nang lumayo. Para na rin sa kaligtasan ko at kaligtasan ng aking puso. Pagdating namin sa airport ni Manong Samson, sakto lang ang aming oras. "Manong Samson, maraming salamat po sa paghatid sa akin. Pasensya na po at naabala ko pa kayo," sabi ko sa kanya, na may bahid ng lungkot sa aking boses. "Nako, hija, huwag kang humingi ng pasensya. Trabaho ko ito, at utos ito ni Sir Conrado," sagot niya, may ngiti sa kanyang mukha. Nagpaalam na ako sa kanya at kumaway. "Mauna na po ako, Manong

