Kahit nagdalawang-isip si Mariz kung sasabihin ba ang katotohanan o hindi, alam niyang kailangang gawin ang tama. Natatakot siya sa maaaring reaksyon ni Marieng kapag nalaman nito ang masamang balita. Ngunit sa huli, nagpasya siyang sabihin ang totoo. "Sumabog ang sinakyan niyang eroplano, Marieng. Walang sinuman ang nakaligtas." Nanginginig ang boses ni Mariz habang binibigkas ang mga salitang iyon. Pagkarinig nito, napasinghap si Marieng. Parang dinurog ng pinong-pino ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala. "Sumabog?" Tanong niya, halos pabulong. Nang tumango si Mariz, paulit-ulit niyang binibigkas ang salitang iyon, "Sumabog? Sumabog." Para siyang tuliro. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang sumigaw nang malakas, maglupasay, at umiyak nang todo. Ngunit wala siyang nagawa ni i

