Nang matapos silang kumain, tahimik silang nagtungo sa opisina ni Conrad kasama si Nimrod. Panay ang pahid ni Zhoey sa kanyang mga luha, ngunit tila walang katapusan ang pag-agos ng mga ito. Ang bigat ng kanyang dibdib ay parang bigat ng bakal. Sa kanyang isipan, paulit-ulit niyang iniisip ang Nanay niya at ang mga nangyari noon. Ano kayang hirap ang dinanas ng nanay niya sa mga kamay ng salbaheng Bruno Alquizar na iyon? Sinaktan ba siya nito nang pisikal bago pa inabuso? Ang mga tanong na ito ay parang mga tinik na lalong bumabaon sa kanyang puso. Patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kailangan niyang ipaghiganti ang Nanay niya—mula sa sarili niyang ama na halang ang kaluluwa. Pagpasok nilang tatlo sa opisina, may kinuha si Conrad mula sa kanyang drawer—isang lumang larawan. Ipinakita

