Chapter 23 Minia's POV : Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko namang prenteng-prente sa pagkakaupo sa sofa si Arvy na animo'y pagmamay-ari niya ang buong mundo. Nakadekwatro siya at kunot ang noo habang may kung anong kinakalikot sa cellphone niya. Inilagay ko ang isang kahon na bitbit ko sa fridge dahil baka matunaw ang icing at pumangit, edi sayang naman ang effort kong magdisenyo. Habang ang isa naman ay inilapag ko sa mini table na nasa harapan ng sofa. Doon lang ako namansin ng loko at nagliliwanag ang mukha niya ng makita ang kahon sa lamesa kung saan may nakalapag na mga tupperware ng mga pagkain na kinain niya noong nagkasakit ako at take out mula sa Jollibee. Fulfilling two promises at a time? Grabe! Masyado na niyang minamaster ang multitasking. "Ang tagal mo! Akala ko ay

