Chapter 24 Harvest Kaye's POV : Sobrang lutang ako sa mga pangyayaring nangyayari sa buhay ko, sobrang daming bagay ang gumugulo sa isip ko habang nakatulala lang ako sa puting kisame. Mag-isa lang ako ngayon dahil umuwi si mommy para kumuha ng damit niya. Hindi ko magawang matulog ng maayos dahil hanggang sa panaginip ko ay problema pa rin ang sumasalubong sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung bakit niya ako nagawang lokohin at pagsinungalingan. Sa lahat ng babae ay si Lauren lang ang sineryoso't minahal ko ng totoo, madami ang naghahabol sa akin pero siya lang ang hinabol ko. Nahuli ko siyang may kahalikang iba just a few days ago and I can stop to ask my self worth, binigay ko naman lahat sa kaniya pero bakit hindi pa rin sapat? And I can't really underst

