Chapter 13

2205 Words
Chapter 13 Arvy's POV : I'm inlove with her, noon pa man ay alam na ng puso ko kung sino ang nagmamay-ari sa kaniya, noon pa man ay sigurado na ako pero hindi ko magawang umamin dahil natatakot ako. Nahahalata man niya o hindi pa ay wala pa rin akong planong umamin, sapat na sa akin ang pagkakaibigan at closeness na meron kami ngayon. Natatakot ako na baka mas mapalayo siya sa'kin or worse iwan na niya ako. Masakit pero alam kong hindi niya kayang tanggapin at suklian ang pagmamahal ko so it's not worth to risk what we have now. Isa pa ay paulit-ulit na bumabalik sa balintataw ko ang ginawa sa kaniya ng sarili kong magulang kaya pakiramdam ko ay wala akong karapatan sa kaniya. Bayad na ang magulang ko sa kasalanan nila pero hanggang ngayon ay parang buhat-buhat ko pa rin ang bigat niyon. Naalala ko tuloy ang tanong niya kanina sa akin, tinatanong niya kung ano siya sa buhay ko. Andami kong gustong sabihin sa kaniya, mabuti na nga lang at napigilan ko ang sarili ko kasi hindi naman ako ang kailangan niya. Masakit sa ego at sa damdadamin na ako 'yung kasama niya pero iba ang hinahanap niya. Puro na lang ang gagong si Harvest ang bukambibig niya pero ano bang magagawa ko sa bagay na iyon? Mahal niya 'yung tao at hindi ko hawak 'yung nararamdaman niya. "Hoy! Tulala ka na naman diyan, eto na kako 'yung tubig mo." Salubong ang kilay na inilahad niya sa harap ko ang isang basong tubig, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ang cute niya kasi kapag naiinis, awtomatikong lumolobo ang pisngi niya at nagsasalubong ang dalawang kilay. "Salamat panget." Taas-baba ang kilay na pang-aasar ko na ikinaikot ng mata niya. "Mas panget ka." Magkakrus ang brasong sambit niya, "tara nga sa garden, kwentuhan tayo gaya ng dati." Hindi na ko naka-angal pa nang hilahin niya ang pulso ko at kinaladkad ako, kita mo 'tong babaeng 'to parang hindi kagagaling sa sakit sa asta niya. "Oh God!" Namomroblemang bulalas niya ng bumungad sa amin ang sandamakmak na bodyguards na nakapalibot sa bawat sulok ng bahay niya. Para na siyang sinagasaan ng ten wheeler truck sa itsura niya ngayon. "Uy Minia?" Kinalabit ko ang balikat niga dahil natulala na siya sa mga gwardya sa hindi ko malaman na dahilan. Napakislot siya sa kinatatayuan niya at mabilis na inatake ng hampas ang matipunong braso ko. Ewan ko ba kung bakit napakamagugulatin siya, nasosobrahan na ata siya sa kakainom ng mga paninda niyang kape. "Ang lakas talaga ng tama mo, lagi ka na lang nanggugulat. Magkakasakit ako nito sa puso dahil sayo." And here she goes, ako pa ang may kasalanan sa pagiging magugulatin niya, she's unbelievable! Minsan talaga ay nakakabobong intintidihin ang takbo ng utak ng mga babae. "Natulala ka na kasi diyan eh, iniisip mo na naman kung paano mo matatakasan mga 'yan no?" Mabilis siyang napaiwas ng tingin at nanghila na naman, kapag ganito ang nagiging reaksyon niya ay alam ko agad na tama ang hinala ko eh. Ayaw niya kasi 'yung may sunod ng sunod sa kaniya. Kahit ako naman mismo ay hindi pabor sa ideyang iyon pero no choice siya dahil para rin naman sa kaligtasan niya 'yun, kung hindi sana siya tamad mag-aral ng self defense ay may tyansa pa na apat o lima lang ang bantay niya. "Arvy?" Napalingon ako sa kaniya ng tawagin niya ako, "sa tingin mo masaya maging mahirap lang?" Nagtatanong ang mga mata niya, mukha siya ngayong isang batang naghahanap ng kasagutan sa isang bagay na mahirap sagutin. Napatitig na naman tuloy ako sa mukha niya, hindi ko talaga maiwasan. Magkahalong facial features ni tita Tanya at tito Michael ang nakuha niya. She has this long black hair, small pointed nose, thin pinkish lips and a morena skin complexion that makes her look glowing whenever the sun shines on her. In short, pilipinang-pilipina ang ganda niya. "Ano na naman ba ang iniisip mo at naitanong mo iyan? Syempre hindi ko alam, hindi ko pa naman nararanasan. But I think masaya naman but at some point in their lives alam kong gaya natin napapaisip din sila kung anong pakiramdam maging gaya natin," sinabi ko kung ano ang unang lumabas sa bibig ko, bahala na siya kung sang-ayon ba siya o hindi dahil iba-iba naman ang opiniyon ng mga tao ukol sa isang bagay. "On point, so minsan ba sumagi sa isip mo na maging mahirap na lang? You know simpler life, lesser responsibilities. Saka hindi mo na kailangang matakot para sa buhay mo." Unti-unting humina ang boses niya sa huling sinabi niya. "Hindi kasi alam kong mahirap. Pero hindi naman kita pipigilan kung gusto mong subukan edi go. Secret lang natin sa parents mo." Idinaan ko na lang sa tawa ang sagot ko dahil ramdam kong medyo bumigat ang atmosphere sa paligid namin. Napasimangot siya sa akin at ibinalibag sa akin ang unang bagay na nadampot niya buti na nga lang at bihasa na ko sa pag-ilag kung hindi ay sapul ang ilong ko. "Sige biro pa, ang seryoso ng tanong ko sayo tapos puro ka kalokohan." Bakas ang iritasyon sa mukha niya kaya itinigil ko na ang pagtawa, mukhang malapit na siyang sumabog eh. "But seriously who says that they have lesser responsibilities? Kakaltukan ko lang. Listen, lahat tayo may kaniya-kaniyang mabibigat na responsibilidad, lahat tayo may kinatatakutan. Isipin mo na lang sila na hindi mabili lahat ng pangangailangan at gusto nila kahit magpakamatay na sila kakatrabaho, isipin mo na lang kung gaano sila nababaon sa utang kapag may naoospital silang kapamilya. Hindi mo maibabase sa estado sa buhay kung magiging masaya ka o hindi." I shrugged, halos hingalin pa ako sa haba ng sinabi ko. "Naks, pang miss universe ang sagot." Tinawanan ko siya at nagsimula na naman kaming magkwentuhan ng mga walang kwentang bagay, kung ano lang ang maisip namin ay sasabihin namin. Bumaba ang tingin ko sa suot kong wristwatch at napangiwi nang makitang masyado na palang gabi. Kapag talaga kasama ko siya ay masiyado akong nalilibang at nakakalimutan ko na ang oras. "Late na pala oh, kailangan mo ng matulog. Uuwi na ako, 'wag ka ng nagpupuyat." Napakamot pa ako sa batok ko dahil pinutol ko ang sana'y sasabihin niya. Ayoko pa naman talagang umuwi pero no choice, kakagaling lang niya sa sakit tapos pupuyatin ko na agad? Napalinga-linga siya sa paligid at sinilip ang oras sa relo ko bago siya napangiwi, as usual, gaya ko ay hindi niya rin napansin ang oras dahil napalalim na naman ang kwentuhan namin. "Oo nga late na masyado, tara hatid na kita sa gate." Tumayo siya sa pagkakaupo kaya ganoon din ang ginawa ko, pasimple pa nga akong umakbay sa kaniya habang naglalakad kami palapit sa gate ng bahay niya. Nang makalabas kami ay halatang nagulat siya sa bumungad sa amin, mas maraming guards kumpara sa nasa loob. "Naku buhay prinsesa ka na naman niyan. Hindi ka na ulit pwedeng umalis na walang kasama ni isa sa mga 'yan. Natapos na ang maliligayang araw mo." Natatawang pang-aasar ko na ikinatalim ng tingin niya sa akin at kinaltukan pa ako, hindi naman masakit pero matunog. "Naalog na utak ko sayo." Nakabusangot na ang mukha ko ng sabihin iyon. Napakahaba na tuloy ng nguso ko habang nagmamaneho. "Byeeeee!" Rinig kong sigaw niya bago ko pa maisara ang pinto ng sasakyan ko, natanaw ko pa mula sa rearview mirror na para siyang batang kumakaway sa papalayo kong sasakyan. Iiling-iling ako habang nagmamaneho ng walang tiyak na direksyon, kaya eto ako ngayon, sa sobrang lutang ko ay nakakunot-noo ako habang nakaparada sa harap ng Heart Café--- Café na pagmamay-ari ni Minia. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero parang may sariling isip ang katawan ko na nagmaneho papunta rito. Dahil nandinto na rin naman ako ay naisipan kong pumasok sa loob at bumili ng personal favorite ko, iyon ang timpla ng kape na si Minia mismo ang nag-imbento at ako ang unang taong pinatikim niya. Sa halip na inumin ay tinitigan ko lang iyon na para bang masasagot no'n lahat ng problema ko sa buhay. Katulad ng laging nangyayari kapag mag-isa ako ay unti-unti na namang nag-paflash sa isip ko ang mga ala-alang matagal ko ng ibinaon sa limot. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, kahit anong gawin kong pagkalimot ay kusang ipinapaalala iyon ng utak ko sa akin na para bang sirang plaka, na para bang ayaw akong patakasin ng sarili kong isipan mula sa multo ng nakaraan. I only feel at ease when I'm with Minia Ann, kaya nga mas gusto ko pa na palagi siyang kasama dahil bukod sa trabaho siya lang ang kayang makapagbigay ng kapayapaan sa isip at puso ko. Nang mapagtanto kong masiyado ng late ay napagdesisyunan kong umuwi na. Wala naman akong pamilyang naghihintay sa akin sa bahay pero pakiramdam ko ay hindi na naman nabasa ni manang ang text ko sa kaniya at nag-aalala na naman siya sa akin. Ayokong pag-isipin siya masyado dahil matanda na siya at siya na lang din ang natitirang pamilya ko, hindi ko man siya tunay na kadugo, alam ko namang mahal niya ako higit pa sa pagmamahal sa akin ng sarili kong magulang. Ramdam ko iyon. "Gabi na masyado, saan ka ba galing na bata ka? Buti naman at nakauwi kang ligtas." Nginitian ko si manang at nagmano muna sa kaniya bago yumakap, sabi ko na nga ba't gising pa siya at hinintay na naman niya ako. "Nagkasakit po kasi si Minia kaya inalagaan ko muna maghapon, nakipagkwentuhan na rin po." Biglang napangiti si Manang sa narinig mula sa akin kaya maging ako ay napangiti na rin, nakakahawa naman kasi. "Naku, hindi na talaga bata ang alaga ko. Inlove na! Sige at galingan mo ang panliligaw mo, aba't ilang dekada na ang lumipas pero siya pa rin pala ang mahal mo? Ayos lang mabait na bata naman iyon." Pakiramdam ko ay umakyat na lahat ng dugo ko sa tenga ko sa sinabi ni manang na kahit matanda na ay matalas pa rin ang memorya, tila kinikilig pa siya. "Nako manang hindi ko po nililigawan si Minia, gabing-gabi na po oh. Matulog na po kayo at baka ikaw naman ang sunod na magkasakit niyan." Inalalayan ko siya hanggang sa kwarto niya na nandito lang sa unang palapag matapos no'n ay umakyat na ako at pumasok sa sarili kong silid para magpahinga na rin. Minia's POV : Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Arvy ay pumasok na ako sa loob, medyo mahamog at malamig na rin kasi para tumambay pa roon. Nagulat talaga ako sa nakita ko sa labas na mas marami pang gwardiya. Paniguradong napaka-agaw pansin na naman ng bahay ko sa mga chismosa kong kapit bahay. Kailangan ko na atang kausapin si mommy. Kumatok muna ako sa guestroom kung saan matutulog sila mommy at daddy ngayon. Baka kasi tulog na sila o may ginagawa pang bagay na pangmag-asawa lang, who knows? Ang bastos ko namang anak kung bigla na lang akong papasok at istorbohin sila. "Pasok." Pumasok na ako sa loob ng marinig ang malamyos na tinig na iyon, sigurado akong si mommy iyon. "Yes sweetie? May kailangan ka?" Pambungad na tanong ni mommy ng makapasok ako sa loob, inilibot ko ang paningin sa paligid at napanguso ng makitang wala si daddy. Malamang ay nasa home office ko iyon nakapwesto ngayon at nagtatrabaho pa rin kahit gabi na. "Mom, bakit parang anak na naman ako ng prisidente ng pilipinas sa dami ng bodyguards sa labas?" Nakangiwing tanong ko at naupo sa kama katabi niya. "Si daddy talaga." Mahinhin na napatawa si mommy sa tinuran ko at nanlalambing na hinaplos ang buhok ko. "Alam kong naiintindihan mo naman anak kung bakit, para rin naman iyon sa kaligtasan natin kaya hindi natin pwedeng kontrahin and daddy mo sa bagay na iyan." Nagkanda haba-haba ang nguso ko sa sinabi ni mommy dahil alam kong tama siya sa bagay na iyon. "Bakit naman kasi gano'n sila kadami mom? Parang sobra naman na? Hindi ba pwedeng bawasan?" Yumakap na ako kay mommy bilang paglalambing, lumalabas na naman ang childish side ko. Naiintindihan ko naman pero may mga instances talaga gaya nito na ipinipilit ko sa kanila ang gusto ko. "Ngayong gabi lang 'yan anak. Aalis din naman sila bukas ng umaga kasama ng daddy mo, wala naman kasi talaga sa plano na kasama ko siya rito kaya lang makulit, gusto ka raw makita." Nalungkot ako sa narinig ko gabi na nga sila naabutan tapos aalis pa pala ng maaga si daddy, sana pala hindi muna ako nakipagkwentuhan kay Arvy kanina at si dad na lang ang chinika ko. "I see, pero bibisita pa rin naman siya ulit ng mas matagal mom, right?" Nanlulumong tanong ko. Kahit kasi nag-iisang anak lang ako ay may kaagaw pa rin ako sa atensyon ng magulang ko, iyon ay walang iba kundi ang kumpanya. "Of course sweetie, he promised na sama-sama tayong mag-cecelebrate ng Christmas at New Year 'di ba?" I smiled, kahut na malayo pa ay nakakaramdam na agad ako ng excitement. "Let's go mom." Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at inilahad ang kamay ko sa harapan ni mom. "Puntahan natin si daddy, family time muna dapat tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD