Chapter 14
Minia's POV :
Last night was fun! Kahit pa nga sabihing simpleng kwentuhan lang naman ang ginawa namin ng parents ko ay maligayang-maligaya na ang puso ko dahil doon, simula kasi ng tumanda at magkaisip na ako ay bibihira na lang iyong mangyari. Gumagawa man sila ng paraan para magkaroon kami ng quality time as a family ay kulang na kulang talaga.
I never realized that as I grow up, we also grow apart. Ngayon ko nga lang iyon napagtanto, ni hindi ko na nga magawang i-share sa kanila lahat ng nangyayari sa buhay ko gaya noong bata pa lang ako. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila, it's just that nahihiya na akong magsabi sa kanila. Alam ko naman mali na mahiya at mailang sa magulang pero wala akong magagawa, nasanay na kasi akong bibihira lang kaming masinsinang nag-uusap. Parang nagkaroon na ng gap sa pagitan namin dahil sa madalang naming pagsasama-sama.
Nang bumangon ako ay inakala kong maaga akong nagising dahil alasais pa lang naman sa wall clock ko, pero pagtingin ko sa cellphone ko ay alas otso na pala ng umaga. Doon ko lang napagtanto na wala na pa lang baterya ang relong iyon dahil di naman na gumagalaw ang mga kamay nito.
Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako naghilamos o maski nagsuklay man lang, dire-diretso na lang akong tumayo sa kama at dumiretso sa pinto para sana lumabas kaya lang ay napahinto ako nang makita ang isang puting sticky note na nakapakat doon mismo sa itaas ng door knob.
'Good morning my princess! Aalis na si daddy kaya mag-iingat kayo ni mommy anak. Don't worry sama-sama tayong mag-cecelebrate ng New Year at Christmas, I promise, wala namang promise si daddy na hindi niya tinupad 'di ba? And alam ko namang mabait kang anak so take care of mommy for me. Tell her where you're going kapag aalis ka para hindi na siya nag-aalala. Bye and I love you both so much...'
Sa halip na matuwa ay napabusangot na lang ako sa nabasa ko, umalis na agad si dad? Well, there's only one possible way to find out. Mabilis kong binuksan ang pinto ng silid ko at nagtuloy-tuloy sa kwarto kung nasaan ni mommy para kumpirmahin.
"Good morning mom." Abot tenga ang ngiting lumapit ako kay mommy at nanlalambing na yumakap sa kaniya. Nakaramdam ako ng lungkot ng mapansin na wala na ni isang bakas ni daddy sa loon ng silid.
Humigpit ang pagkakayakap ko kay mommy ng makaramdam ako ng kakaibang pangungulila sa kaniya, kasama ko lang siya kagabi pero matindi ang pag-kamiss na nararamdaman ko para sa kanila ni dad. I just can't get enough of their presence, napaka-kumportable kasi sa pakiramdam.
"Oh anak? Para namang mawawala na ako sayo sa higpit ng pagkakayakap mo." Natatawang bulalas ni mommy kaya naman kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya para itanong ang pakay ko na alam ko naman na kung ano ang sagot.
"Mom, anong oras po ba umalis si daddy? Hindi man lang po kasi siya nagpaalam sa akin." Nakangusong reklamo ko, halatang-halata pa sa boses ko ang nararamdaman kong pagtatampo. Sana ay ginising man lang kasi ako para nayakap ko sana siya bago umalis, alam ko kasing matagal na naman ang magiging pagkikita namin uli. Lagi naman kasing gano'n simula pagkabata ko eh.
"Kani-kanina lang anak. Hindi ka na ginising ng daddy mo para magpaalam kasi nga masyado ka ng late natulog tapos ang sarap pa ng tulog mo kanina. Sabi niya mag-iiwan daw siya ng note ah? Hindi mo ba nabasa?" Hindi ko na sinagot si mommy at nagtatampong umiwas ng tingin, naiintindihan ko naman iyon pero kahit na! Nakakainis pa rin kasi talaga ang katotohanan na hindi ko man lang nayakap ulit si daddy bago siya umalis.
Napagawi ang tingin ko sa bintana at hindi ko maiwasang mabigla sa bumungad sa akin, hindi gano'n karami pero may mangilan-ngilan pa ring gwardiya sa ibaba ang nakabantay sa bahay ko! Bagay na talagang halos ikaluwa na ng mata ko. Jusko! Sana naman ay hindi iniwan ni daddy ang mga ito dahil hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Mom." Hindi makapaniwalang naiusal ko. "Akala ko ba isasama ni dad pauwi 'yung mga body guards niya? Ano 'yang mga iyan?" Hindi makapaniwalang itinuro ko pa ang ibaba kaya napatigil si mommy sa paglalagay ng make-up at sinilip kung ano ba ang tinutukoy ko.
"Anak, alam mo naman ang daddy mo natural na ang pagiging over protective niya, kaya pumayag na akong iwan niya rito ang ilang mga tao niya para naman hindi siya mamatay sa pag-oover think at pag-aalala sa atin. Alam kong hindi 'yun makakampante hanggat hindi siya nakakagawa ng paraan para masigurong ligtas tayo." Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko namang tama si mommy sa bagay na iyon, kaya lang humirit pa siya eh.
"Ang sweet talaga ng daddy mo, halatang patay na patay sa akin." Kinikilig na bulalas ni mommy parang bata pa siyang bumungisngis kaya napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang puno ng kagalakan ang mga mata habang paulit-ulit pa atang binabasa ang post it note na ipinakat ni daddy sa salamin para sa kaniya.
Ang mommy ko talaga ay feeling bagets pa rin, kaya nga halos lahat ng kaibigan ko ay malapit na malapit din sa kaniya. Lalong-lalo na ang magpinsan na si Fiona at ate Mica, halos hindi ko na nga sila mapaghiwalay na tatlo pag magkakasama, ako pa mismo ang tila ampon sa pamilya.
"Kain na po tayo sa baba mom?" Pag-aaya ko kay mommy at naupo sa kama niya habang hinihintay siyang matapos mag-ayos ng kaniyang sarili.
The thing about mom is she knows how to take care of herself properly way better than me, kung tutuusin ay para lang kaming magkapatid kapag magkasama. Kahit nasa bahay lang siya ay hindi ko nakikitang hindi siya nakaayos at never ko siya nakitang nagmukhang losyang.
Hindi gaya ko na wala pa ngang boyfriend mas madalas pang haggard kaysa mukhang tao. Ewan, maaga akong pinapatanda ng negosyo. Feeling ko ay hindi talaga ako cut para sa ganoon pero wala naman akong ibang choice.
"Sumabay na akong kumain kanina sa daddy mo anak, kaya nga nakaligo at nakabihis na ko oh. You know, para fresh tignan." Kibit-balikat na tugon niya habang abala sa pagkakabit ng hikaw niyang pagkalaki-laki.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan si mommy para tulungan, nakakabother kasing panoorin, pati ako ay nahihirapan eh.
"Hay mommy, naghihikaw ka naman po na sana since birth, pero bakit hindi mo pa rin maikabit ng maayos. How could it be possible?" Naiiling na bulalas ko matapos maikabit ang kapares ng hikaw niya.
"Ang daddy mo kasi anak, sinanay ako na siya lagi ang nagkakabit no'n para sa akin. Minsan nga hindi ko alam kung kikiligin ba ako kasi ang sweet niya o maiinis dahil parang tinatrato niya akong imbalido." Nakangusong reklamo ni mommy sa akin.
"Kiligin ka na lang mom." I giggled ng maikabit na ng maayos ang hikaw sa kaniya, "bababa na po ako, nagugutom na ko eh." Humalik muna ako sa pisngi niya bago tuliyang tumungo sa dining room.
Nang makababa ay nagniningning ang mga mata kong lumapit sa mesa na punong-puno. Natuwa at nabusog ang mga mata ko sa nakahain dahil pare-parehong mga paborito naming pagkain ni daddy, hindi ko maitatangging nagkakasundo ang dila at sikmura namin pagdating sa pagkain.
"Good morning miss." Nakangiting bati sa akin ng katulong ko na nagwawalis sa may sulok. Dahil nagood mood ako sa mga nakahain ay ngiting-ngiti ko siyang binati pabalik at umupo na sa mesa.
"Oh gising ka na pala Minia, sige at umupo ka lang diyan ako na ang maghahain para sayo. Kumain ka ng marami dahil pinasadyang ipaluto ng daddy mo ang mga iyan para sayo." Napatulala lang ako kay manang habang naghahain siya. Sa lahat kasi ng kasama ko rito sa bahay ay pagbati ni manang ang una kong inaasahan sa umaga.
"Saka kung posible ay mag-istay ka na muna rito ng madalas dahil baka mainip ang mommy mo kung wala siyang makakausap, alam mo na baka mas lalo siyang mainip kung puro ako lang ang magiging kakwentuhan niya lagi," sambit ni manang at nilagyan ako ng kaunting kanin sa plato.
"Okay po." Nanlulumong tugon ko. Paapano'y dumating lang ang una niyang alaga na si mommy ay nakalimutan na niya akong batiin gaya ng lagi niyang ginagawa.
Mukhang nahalaya naman niya ang katamlayan sa boses ko kaya natatawa siyang nagsasalin ng juice sa baso ko. "Good morning, to my cutest and prettiest alaga."
Pinigilan kong sumilay ang nagbabadyang ngiti sa labi ko at umaktong nagtatampo pa rin, "Finally! Ikaw kasi manang dumating lang si mommy kinakalimutan mo na po ako." Nakangusong reklamo ko, hindi talaga kasi mabubuo ang araw ko kung hindi niya ako babatiin sa umaga.
"Naku, nagselos pa ang baby ko sa akin." Tatawa-tawang bulalas ni mommy na natatanaw kong pababa mula sa hagdan.
Nginitian ko lang siya at nang makarating na siya rito sa hapag ay umupo siya sa harap ko para lang makipagkulitan kay manang, natapos na akong kumain pero sila ay hindi pa rin tapos sa pag-aasaran at pagbabalik tanaw. Panaka-naka pa nga nila akong sinasali sa kulitan nila kaya hindj ko maiwasang mapatawa sa kanila.
"At alam mo ba Minia itong mommy mo? Hindi ko talaga inakalang may papatol diyan, lahat ng lalaki ay takot lumapit sa kaniya noon dahil sa kasungitan niya. Naalala ko pa nga noong sinundo ko siya noon sa eskwelahan ay may napaiyak pa siyang kaklase dahil lang nakipagtitigan siya pabalik." Pati ako ay napabulanghit ng tawa sa kwento ni manang na halos maihi na sa dami ng naikwentong kahihiyan ni mommy noong bata siya.
Dahil kay manang ay mas lalo kong nakikilala si mommy, feeling ko nga ay nagiging parte na ako ng kabataan niya dahil sa mga kwento ni manang.
"At naku! Grabe 'yan kung magtaray at magpakipot noon sa daddy mo! Ayaw na ayaw niyang nilalapitan ng mga babae, palihim pa nga niya pang inaaway ang mga lumalapit sa daddy mo noon sa halip na sagutin na lang. Pinaabot pa niya ng dalawang taon ang panliligaw ng daddy mo." Kibit-balikat na tugon ni manang. Natatawang tumango naman ako sa kinuwentong iyon ni manang, ngayon ay alam ko na kung kanino ako nagmana!
"Ni hindi ko nga naisip na magkakatuluyan silang dalawa, ang daddy mo ang kaklaseng napaiyak ng mommy mo noon kaya ayaw niyang sagutin dahil mahina raw ang loob. Pero tignan mo nga naman ang tadhana, sa kaniya pa rin ang bagsak nitong si Tanya." Dagdag pa ni manang.
Hindi ko tuloy maiwasang kiligin at mapaisip kung ganito rin kaya ako kasaya sa hinaharap kapag ikukwento ko sa magiging anak ko ang love story namin ng kaniyang ama.
"Naku nay, kung sinagot ko agad noon si Michael ay maaga kang nawalan ng supply ng chocolates." Nakapamewang na dipensa naman ni mommy sa kaniyang sarili.
"Alam mo ba anak, si manang ang tagakain ng halos lahat ng chocolates na binibigay sa akin ng daddy mo. Kaya ayan tignan mo, iilan na nga lang ang ipin ni manang ngayon pustiso pa ang karamihan." Nang-aasar na tumingin si mommy kay manang na nginisihan lang siya.
"Naku Tanya, kung ikaw ang kumain no'n lahat edi ikaw sa atin ang may ganitong ngipin ngayon?" Natatawang pagbawi ni manang kay mommy na ikanatawa ko rin, may punto nga naman siya roon.
"Hay, namimiss ko na tuloy agad ang daddy mo." Puno ng kasiyahan at pagmamahal ang mga mata ni mommy kaya napangiti na rin ako.
Ako kaya? Darating pa kaya ang araw na kasing saya ako ni mommy sa tuwing pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko si Harvest? Kasing inlove nga ako ni mommy pero hindi naman kasing saya niya.
Kapag ikinukwento ko siya sa mga kaibigan ko ay hindi ganito kagaan sa pakiramdam, hindi ganito kasing saya alalahanin. Kung hindi kasi ako nasasaktan, umiiyak ay masama naman ang loob ko sa kaniya kapag pinagkukwentuhan namin siya. Sana naman dumating din 'yung araw na tulad ni mommy ay maging masaya rin ako sa piling ng taong mahal ko, iyon ay sa piling ng isang Harvest Kaye Villanueva.