Chapter 15
Minia's POV :
Dahil ito ang unang araw ng bakasyon ni mommy dito sa bahay ay nagdesisyon akong huwag munang pumasok sa café, tutal ay aandar pa rin naman ang negosyo ko kahit pa hindi ako pumasok araw-araw. Alam naman na ng mga managers ko kung ano ang dapat nilang gawin.
Pero syempre ay kailangan ko pa ring panatilihing bukas ang linya ng telepono ko para malaman ko agad kung may problema sa isa sa mga tatlong branches ko.
Habang naglilibot ako sa sarili kong bahay ay hindi ko maiwasang mamangha lalo na nang mapagmasdan ang hardin ko. I'm so thankful na hindi nagmukhang gubat ang backyard ko kahit, ang taas ng mga shrubs ay kasing taas pa rin ng huli kong naalala ang bagay na ikinatutuwa ng mata ko ay ang katotohanang nakabukadkad na lahat ng bulaklak sa paligid.
Nakasentro ang outdoor patio sa may hardin ko na napapalibutan ng mga ornamental plants na sinuggest ng interior designer ko kung anong uri at saan magandang ipwesto and I could tell that she outdone herself. Mas masarap na tuloy tumambay dito.
Simula kasi nang maipatayo ko ang bahay ko ay puro negosyo na lang ang naatupag ko. Kaya eto, ngayon ko lang naapreciate ang ganda ng pagkakagawa at pagkakadisenyo ng paligid.
Naisip ko ngang ilibot si mommy sa branch ng café ko rito sa Luzon, kaya lang ay saka na lang daw. Nag-eenjoy pa kasi siyang makipagkwentuhan kay manang dahil matagal-tagal na rin simula noong huli nilang pagkikita, hindi ko na pinilit ang gusto ko lalo na kung hindi naman sasaya si mommy do'n.
Napakurapkurap ako mula sa pagkakatulala namg maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone na nasa bulsa ko. Nagmamadali pa akong inilabas iyon sa pag-aakalang isa iyon sa mga manager ko pero si ate Mica lang pala.
"Hello, anong kailangan mo sa akin ate?" Pambungad na tanong ko sa kaniya habang tinititigan ang kuko ko sa kamay, nagpaplano kasi akong magpapedicure at nag-iisip ako kung anong kulay ang babagay sa akin.
"Hoy babae! Waa ka bang plano na dumalaw ulit kay Harvest?" Apuradong tanong niya na akala mo ay may importanteng lakad.
Napabusangot ako sa sinabi niya, maganda na sana ang mood ko kaya lang ay tumawag pa siya at pinaalala ang problema ko sa buhay. Kung nalaman siguro niya ang ginawa ni Harvest sa akin sa ospital ay hindi na ko nito tatanungin, baka nga sinipa na niya ang tahi no'n sa hita dahil sa inis. Lagi namang siya ang lumalaban para sa amin ni Fiona kapag naagrabyado kami, kahit pa ibig sabihin no'n ay siya ang mapapatrouble.
"Nope, hindi ako makakapunta marami akong ginagawa. Saka plano ko na maglagi na muna dito sa bahay ng mga ilang araw man lang." Bumalik ako sa pagtingin sa kuko ko na para bang iyon na ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo, pero biruin mo nga naman mukha na ni Harvest ang nakikita ko ro'n!
Nabanggit lang ang pangalan niya, nawawala na naman agad sa katinuan ang buong sistema ko, para siyang lason na mabilis kumalat. Pero kung tutuusin ay siya naman 'yung tipo ng lason na walang pag-aalinlangan at paulit-ulit kong lalagukin.
"Hello? Andiyan ka pa ba?" Napakunot-noo na ako ng ilang minuto na ang lumilipas na hindi siya nagsalita man lang, kung hindi ko nga lang naririnig ang maingay na bunganga ni Fiona sa background ay iisipin kong wala na akong kausap.
"Yes, nagulat lang ako. Parang ibang Minia Ann Torres Anrada ang kausap ko." Napairap ako ng buuin niga pa ang pagkakasabi ng pangalan ko at halatang hindi nga makapaniwala.
"Saang pader ka naman nauntog? Anong nakain mo? Sa wakas ay mukhang magandang hangin na ang nalanghap mo, for the very first time simula ng maging kaibigan kita ngayon lang nangyari na hindi mo gaanong inaalala ang lalaking iyon!" Masayang sambit niya na para bang nanalo siya ng sampung milyon sa lotto.
Masyado kasi akong nasaktan sa sinabi ni Harvest, alam na niyang bata pa lang ay balat sibuyas na ako. Hindi porket medyo kumakapal na ang balat ko sa tabas ng dila niya ay hindi na ako nasasaktan at bumababa ang tingin sa sarili. Sa totoo lang ay akyoko naman na talagang ipilit ang sarili ko sa kaniya pero hindi ko talaga siya makalimutan.
Ewan ko ba, siya na nga ang inaalala ko grabe pa magpaalis. Kung gaano kabait si tita Luisa ay ganoon naman kagaspang ang ugali niya ngayong malalaki na kami, wala na iyong mabait at patpating bata dati na iyakin din gaya ko.
"Mabubuhay naman siya kahit wala ako, hindi naman ako ang doctor niya para kailangan ay nanduon ako lagi sa tabi niya." Mapait ang tinig na bulalas ko.
"Ano naman ang gagawin ko ro'n 'di ba? Saka trabaho muna dapat bago kalandian. Hindi ko pa nagagawa 'yung computerized accounting at payroll ng café ko, baka mamaya ay nalulugi na pala ako pero di ko pa alam. Saka andami ko pang nakatambak na mga papeles na kailangang pirmahan dahil hindi naman ako kasing sipag niyo." Pilit ang tawang dagdag ko pa, sa totoo lang ngayong naalala ko ang mga dapat gawin ay parang gusto ko na lang mag-hire ng secretary at ipagawa sa kaniya lahat ng dapat kong gawin kaso hindi naman pwede.
"That's the spirit! Sana noon mo pa pinatigas ng ganiyan ang puso mo at hindi 'yung ulo mo. By the way I called you kasi naghahanap ako ng kasamang bumisita ngayon sa ospital pero naisip ko na mas mabuti na mag-isa na lang pala pumunta baka rumupok ka na naman." Natatawang pang-uuyam niya sa akin na ikinalukot ng mukha ko.
"Oo na lang ate Mica, parang ako lang ang marupok ah? Ang ganda-ganda na ng araw ko pinapapangit mo pa." Naiinis na reklamo ko sa kaniya.
"Magandang araw? So may iba na pa lang nagpapaganda ng araw mo na hindi mo man lang sinasabi sa amin? sa akin? Sino naman iyan gwapo ba? Wait si Arvy ba?" Kinikilig na pang-uusisa niya. Kita mo 'tong babaeng 'to, napakalayo na naman ng narating ng utak niya.
"Hindi noh! Wala akong isini---" hindi pa man ako natatapos magsalita ay inunahan na niya ako.
"Anong wala ka diyan? Sasabihin mo o bibigwasan kita kapag nagkita tayo?" Napangiwi naman ako sa pananakot niya, ito naman hindi muna kasi ako pinapatapos.
"Kumalma ka nga, nanakot ka na agad eh hindi mo man lamg ako pinatapos magsalita. Sasabihin ko naman eh sumingit ka lang." Kalmadong sambit ko sa kaniya at marahas na napabuga na lang ng hangin.
"Andami mo pa kasing segue eh manong direct to the point agad." Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya, pagdating talaga sa chismis ay ayaw niyang hinihintay 'yung highlight.
"Eto na nga, sasabihin na nga eh. Si mommy lang 'yun okay? Dito kasi muna mag-iistay sa bahay ko si mom." Saglit lang siyang natahimik at maya-maya lang ay nagtitili na siya sa kabilang linya.
"Oh my goodness gracious! Andiyan si tita Tanya ngayon?" Napairap ako sa hangin dahil sa narinig, kakasabi ko lnag inulit pa. "Oh my gee! I'm on my way there, bye." Mabilis na naputol ang linya matapos no'n kaya alam kong hindi siya nagbibiro. Paniguradong maya-maya lang ay nandito na iyon, baka nga pinalipad na niya ang kotse niya mapabilis lang.
Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nanatili munang nakaupo lang sa hammock na nasa patio para magmuni-muni at pagmasdan ang buong garden ko. I'm so thankful na garden ang nandito at hindi swimming pool na una kong naisip ipalagay. Pabago-bago kasi ang isip ko, kung ano ang gusto ko, gusto ko. Alam ko naman na medyo spoiled ako na kahit sila mommy ay nahihirapan akong pigilan. Nasanay na kasi akong sinusunod ang gusto ko o kaya naman ay ako mismo ang gagawa ng paraan paga gawin iyon.
"Miss eto na po 'yung gatas niyo. Pinabibigay po ng mommy noyo kasi hindi raw po kayo nakainom kagabi." I smiled at ate Maya, one of my promdi maid. Halos matanda lang siya ng limang taon sa akin at walamg asawa pero may dalawang anak na naiwan sa nanay niya sa probinsya nila.
Looking at her narealize ko na dapat kong taasan ang sweldo niya, sa labahin at paglilinis siya nakaassign pero ayon kay Manang ay siya mismo ang nagpapanatili ng ganda nitong garden ko kahit hindi naman niya iyon tabaho. She water the plants, trims the shrubs weekly at inaalis pa ang mga patay na bulaklak. Tama, dapat ko ngang dagdagan ang sweldo niya para naman malaki ang maipadala miya sa mga anak niya.
"Thank you," maikling tugon ko bago kinuha ang baso mula sa pagkakawak niya, nandito na si mommy kaya less coffee, more milk na muna ako. Ilang taon na ako at kung tutuusin ay kaya ko ng gumawa ng bata pero ang parents ko binebaby pa rin ako.
"Uy." Kamuntikan ko ng naibuga ang gatas ng may humawak sa balikat ko matapos ang ilang minuto kong pagkakatulala.
Lumingon ako sa likuran ko at ang mukha ni ate Mica ang sumalubong sa akin. Mukhang nahawa na ata siya sa pagiging kabuti ni Arvy ah? Sabi na nga ba at mabilis makakarating 'to dito eh.
"Where's tita Tanya?" Parang batang sabik sa pasalubong na tanong niya sa akin. Grabe ha! Hindi man lang niya ako naisip na kumustahin? Hindi man lang nagtanong kung magaling na ba talag ako o kung totoo bang nagkasakit ako? Nakakahurt ha, parang 'di kaibigan.
"I was just fooling around, wala naman talaga si mommy dito. Nasa America pa rin kasama ni dad." Natatawang pagbibiro ko sa kaniya para bumawi sa pagkalimot niyang bumati sa akin. She's just gullible as I am kaya ayan, nanlulumo na siya ngayon at paniwalang-paniwala.
"What? Halos paliparin na namin ni Fiona ang sasakyan tapos wala pala ang sadya namin dito?" Halata sa mukha niya na gigil na gigil na siya at para ngang gusto na niya akong pisain.
"Dapat kasi inaalam mo muna kung totoo bago ka naniniwala, kabilis mo kasing pinatay ang tawag kaya ayan 'di ko na nasabi na niloloko lang kita." Ngingisi-ngisi pa ako sa kaniya kaya lang ay mabubuking din pala ako agad, natatanaw ko na kasi si mommy na lumabas mula sa backdoor palapit dito. Nakatalikot naman si ate Mica room kaya 'di niya agad napapansin.
"What's happening here?" Kunot-noong tanong ni mommy kaya napalingon na sa gawi niya si ate Mica.
"Tita!" Matinis ang boses na sigaw ni ate Mica at nagtatakbo para dambahin ng yakap si mommy. Wow! Just wow ha! Nahiya naman ako bigla, kabog pa ng reasyon niya ang anak ha.
"Bakit mukha na kayong magsasabong kanina?" Natatawang tanong ni mommy na niyakap pabalik si ate Mica na kulang na lang ay sumiksik na sa kili-kili niya.
"Si Minia kasi tita, pinagtitripan na naman akong lokohin." Nagpapabebeng sumbong niya sa mommy ko.
Napapangiti na lang ako habang pinapanood sila ni mommy. Sa aming tatlo nila ate Mica at Fionna ay ako lang ang blessed na nagkaroon ng mapagmahal na magulang. 'Yung tipong always ready makisabay sa trip namin. Nagseselos ba ako sa pagiging close ng mga kaibigan ko sa magulang ko? Aaminin ko na minsan oo pero at the end of the day naiisip kong mali dahil nga kaibigan ko sila, sila langa ng bukod tanging mga taong tumanggap at nakatagal sa pag-uugali ko. Natural na maldita kasi ako noon kapag hindi ko gaanong kakilala ang isang tao kaya mahirap akong i-approach, mabuti nga at medyo nagbabago na ko ngayon kahit papaani eh.
"Ikaw talaga anak, bakit naman kasi pinagtitripan itong si Mica?" Napanguso na lanv ako sa sinabi ni mommy.
She's really fond of my friends dahil hindi nila ako kinukunsinti sa mga kagagahan ko sa buhay. Talagang nirereport nila kay mommy laht ng pinaggagagawa kong katarantaduhan sa buhay.
"Titaaaaa!" Napangiwi ako ng marinig ang isa pang tili na galing naman kay Fiona, ni hindi mo nga aakalaing siya iyong tumili na may matinis na boses dahil sa outfitan niya na as usual wala na naman sa hulog. Akala ko pa naman magbabago na siya dahil nakita kong nakikipagdate siya sa gwapo nung nakaraan.
"Kumusta na po kayo tita? Sampung buwan na rin po simula nung huli niyong uwi rito sa pilipinas, namiss ko po kayo." Nanlalambing na yumakap pa siya kay mommy.
Ang dalawang ito ay parehong sabik sa magulang kaya ayan, dalawa na sila ngayong paramg Tarsier na nakakapit kay mommy, ako tuloy ang nahihirapan sa itsura niya eh.
"Minia." Pagtawag ni mommy sa pangalan ko at nakangiting nakipagtitigan, wala na siyang kasunod na sinabi pero nakuha ko na agad ang nais niyang sabihin. Group hug!