Chapter 47 Minia's POV : I'm back to freaking square one kung saan ang buhay ko ay umiikot na lang sa mga boring at paulit-ulit na mga bagay. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako pero parang wala na lang sa akin, mas napagtutuunan ko pa nga ng pansin ang pagiging bored ko kaysa sa ginawa niya sa akin. Maybe I am just too used to it. Hindi naman ako totally namanhid na pero parang wala na lang akong pakialam, iyon bang sobrang sanay na ko at expected ko na to kaya 'di na ko masiyadong nabigla sa nangyari. Kung may maganda mang nangyari sa pagpapalaya ko sa kaniya, iyon ay yung katotohanang kahit na papaano ay napagtanto ko na kaya ko pala mabuhay ng wala siya, na nag-iinarte lang pala talaga ako. Three months pa lang naman ang lumipas kaya hindi pa ko lubusang nakakaget-over sa pagma

