Chapter 48 Minia's POV : "Di kita sasaktan basta ibaba mo lahat ng gamit mo, wag na wag kang magkakamaling sumigaw kung hindi sasamain ka sakin! Dapa!" Nakakatakot na sigaw ng isang lalaking prenteng nakaupo sa pang-isahang couch sa sala nila Fiona at ate Mica. He looks familiar pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita, I have no time na rin naman to think dahil this is a freaking life and death situation. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang ilabas niya ang swiss knife niya at sinimulang paglaruan iyon. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko sa kaba, tila saglit kong nakalimutan kung paano huminga. Napakatalim ng tingin niya sakin dahilan para makaramdam ako ng matinding takot at kaba. "Dapa sabi eh!" Malakas at nakakatakot niyang sigaw, akmang dadapa na ako para magcomply

