Chapter 30 Minia's POV : Naging mabagal ang paglipas ng oras para sa akin dahil sa sunod-sunod na pangyayari kahapon. Isang araw lang iyon pero masyadong mabigat ang problema ang dinala sa akin. Ngayon tuloy ay nahahati na sa maraming bagay ang utak ko, ni hindi na nga ako natulog kagabi dahil pinanatili akong dilat ng mga iniisip ko. Kagabi pa ko nag-iisip ng mga paraan kung paano makakatulong kay daddy at sa company kaya lang ay wala naman akong ibang maisip, puro paggastos na lang ata ng pera ang alam kong gawin sa buhay ko. Nakakaimbyerna rin pala maging walang silbe. Nang makalabas mula sa banyo ay agad kong tinakpan ang ebidensya ng pagpupuyat ko gamit ang concealer. Dahil sa nangyari kay daddy kagabi ay ako na ang muna pansamantala ang mamahala sa kumpanya, kahit pa sinabi naman

