Chapter 29 Minia's POV : Halos utusan ko na si Arvy na paliparin ang sasakyan niya kung posible lang iyon. Abot langit ang kaba ko dahil sa sinabi ni mommy at hindi ako mapakali rito sa kinauupuan ko lalo pa't natraffic pa kami ngayon at parang hindi na umuusad. "s**t, this is hopeless." Bakas ang matinding frustration sa mukha ni Arvy kasunod ng naiinis niyang sunod-sunod na pagbusina. Maging ako ay naririndi na sa ingay ng busina sa paligid, isama pa na halos sampung minuto na ata kaming nakahinto lang. It's a matter of life and death! Napakaimportante ng oras sa mga panahong gaya nito at hindi ko na kaya pa na maupo na lang rito. Every second counts for goodness sake! "Magkita na lang tayo sa ospital." Mabilis kong binuksan ang pinto at nagmamadaling nagtungo sa sidewalk para magt

