Chapter 28 Minia's POV : Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng makalabas si Harvest sa ospital, hindi ko alam kung dapat ba akong sumaya o magdalamhati dahil maayos na ang lagay niya pero simula naman nang tumapak kami palabas ng ospital ay bumalik na ang lahat sa normal. Iyong normal na para bang hangin lang ako sa paningin niya, iyong normal na parang hindi na naman niya ako kilala. Masakit kasi akala ko ayos na kami uli pero magaling lang pala siya mamplastic. Kaya lang kanina ay naalala ko ang huling naging pag-uusap namin ni tita Luisa, ang pakiusap niya sa akin. Naisip ko na hindi ko siya dapat isuko ngayon, hindi sa babaeng iyon. I've already went this far siguro ay dapat sagarin ko na ng todo ang limitasyon ko bago ako tuluyang sumuko. Kaya eto ako ngayon, kabadong-kaba

