Chapter 36 Arvy's POV : Nang biglang sumulpot si Harvest sa garden at tinangay si Minia ay agad ko silang sinundan pero hindi ako nagpakita agad. Pinakinggan ko muna ang mga pinag-usapan nila kaya hindi ko maiwasang masaktan. Ang kasalanan ng parents ko at ang kinahantungan nila ay sensitibong bagay pa rin pala talaga para sa akin, kaya habang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila ay hindi ko maiwasang masaktan. Para kasing pinigaan ng calamansi ang nakabuka ko pang sugat. Ilang taon na ang nakalipas pero kakaibang piga pa rin ang ginagawa no'n sa puso ko. Nang umalis na si Minia ng garahe at pumasok sa loob ay hindi ko maiwasang mapangiti, parang may isang mabigat na bagay ang inialis sa balikat ko sa isiping pinahahalagahan niya ako at ang pagkakaibigang meron kami. It means a lot, dah

