Chapter 37 Minia's POV : Nakangiting napayakap ako sa sarili ko ng makaramdam ng bahagyang pagkalamig. Buwan na ng sityembre at halos ilang buwan na lang ang bibilangin at pasko na. Halos dalawang buwan na rin pala simula noong maging kami ni Harvest pero ni isang beses sa mga araw na iyon ay never akong sumaya. Akala ko kaya kong tanggalin si Lauren sa sistema niya pero hindi pala. Balita ko ay ipinapahanap pa rin niya ang babae hanggang ngayon. Pero hindi iyon ang labis na nakapagpapasakit ng damdamin ko, ang talagng dumudurog sa akin ay ang katotohanang ang lapit-lapit nga niya pero parang ang layo pa rin dahil mas gusto niya pang magpakasubsob sa trabaho kaysa ang makita ako. Sa loob ng halos dalawang buwan naming relasyon ay nasa limang beses lang niya akong inaya lumabas. Usuall

