Chapter 8

2472 Words
Chapter 8: Minia's POV : Nang makapagbihis na ako ay nag-desisyon na akong bumaba para sana makaalis na, nagulat pa nga ako ng makita si Arvy na kumakain sa living room. Sa pagiging lutang ay nakalimutan ko pang nandito nga pala siya. "Oh, aalis ka? Saan ka naman pupunta at ganiyan ang suot mo?" Kunot-noong tanong ni Arvy nang makita akong pababa sa hagdan. Simpleng puting sweater, black skinny jeans at puting studded flat shoes lang naman ang suot ko pero alam kong sapat na iyon para bigyan siya ng ideya na aalis ako. Lalo pa at may dala akong beige na sling bag kung saan basta ko na lang isinuksok lahat ng bagay na sa tingin ko ay kakailanganin ko. "Dito ka muna at magpahinga, may pupuntahan lang akong importante. Pasama ka na lang kay manang sa guest room." Nagmamadaling tugon ko at nilampasan ang kinauupuan niya, kaya lang ay hindi pa nga ako nakakahawak sa door knob ng front door ay pinigilan na niya ako. Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko kaya wala na akong ibang pagpipilian kung 'di ang lumingon sa kaniya. "Sandali nga Minia." Tumingin siya sa suot niyang wristwatch at mas napakunot-noo pa. "Saan ka naman pupunta ng alas-dos ng madaling araw? eh halos kauuwi mo pa lang ah? Dapat ay nagpapahinga ka na ng ganitong oras. Gusto mo atang ibalik ni tito ang bodyguards mo sa oras na malaman nila 'to." Magkakrus na ang braso niya sa kaniyang dibdib ng sabihin niya iyon, may pagbabanta pa sa boses ng loko. "Sa ospital ako pupunta," pag-amin ko sa kaniya at napanguso pagkatapos niyon. "Ha? Ospital? Halos limang araw lang akong nawala ah? Mag-papacheck up ka ba? May masakit ba sayo?" Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat at matinding pag-aalala sa'kin. I smiled weakly, minsan ay naiisip kong bakit kaya hindi na lang siya ang minahal ko? Buti pa 'tong lalaking 'to, kahit na lagi kong inaaway ay may pakialam pa rin sa akin. "O.A. mo na naman." Inikutan ko muna siya ng mata bago muling nagsalita, "as you can see wala namang masamang nangyari sa'kin, bibisitahin ko lang si Harvest." Kibit-balikat kong sambit sa kaniya at tumalikod na para umalis kaya lang ay pinigilan na naman ako ng loko. "Ihahatid na kita." Nauna pa siyang lumabas sa akin kaya nakauwang ang labi na napatitig ako sa papalayo niyang bulto, kagagaling niya lang mula sa isang mahabang biyahe. Kaya pa ba niya? "Hoy, ano, Arvy. Kaya ko naman pumunta ro'n ng mag-isa. Alam kong pagod ka, pahinga ka kaya muna?" Nag-aalalang suhestiyon ko habang naglalakad kasunod niya. Tumingin siya sa'kin, seryoso ang mukha at salubong na salubong ang kilay. "I wanted to make sure na safe kang makakarating do'n, 'wag ka ng makulit, ihahatid na nga sabi kita eh." Masungit niyang sambit na tila isang amang nagsisimula ng mainis sa kaniyang anak. Alam ko sa sarili kong wala na akong magagawa kapag ganiyan na ang itsura niya, wala batas siya eh. Siguraduhin lang niyang hindi siya magfafaint sa kalsada dahil sa pagod, naku talaga, kapag kami naman ang naaksidente at siya lang ang nabuhay ay talagang mumultuhin ko siya! "Opo tatay." Natatawang sumaludo ako sa kaniya at akmang papasok na sa sasakyan ko ng pigilan niya ako. "Ako ang maghahatid sayo, ibig sabihin ipagdadrive kita kaya sasakyan ko ang gagamitin natin." I rolled my eyes upwards, parang ayaw na akong paalisin, tutuhurin ko na 'tong lalaking 'to eh. "Ipapasok ko lang po ang kotse ko sa garahe 'tay. Nakaharang kasi sa daan." Sarkastikong sambit ko, naisip niya bang iiwan ko na lang ito rito at hahayaang makaabala sa mga kapit bahay ko? After almost an hour ay nakarating rin kami ospital sa wakas. Nasa loob na nga kami ng elvator ng maalala kong hindi ko pala alam kung saang kwarto dinala si Harvest, kinailangan pa tuloy naming bumalik sa front desk para magtanong. Seventh floor, room number 21 daw ang pinagdalhan sa kaniya. Nang makapasok na kami sa elevator ay nagsimula na naman si Harvest sa pag-iinterogate niya sa akin na akala ko pa naman kanina ay tapos na. "Tumawag ka raw kay kuya Ian?" tanong niya na ang mga mata ay nasa numerong nag-iindicate kung nasaang floor na kami. Napanguso ako dahil sa tanong niya at bahagyang umusog palapit sa kaniya dahil ay pumasok na nurse na may kasamang pasyente na naka-wheel chair. "Yup, ikaw kasi hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka. Nag-alala tuloy ako." Nakabusangot kong tugon sa kaniya na ikinalingon niya sa'kin. "Ah oo, nalala mo ba nung pumunta ako sa Café mo nung Friday? Sasabihin ko naman talaga dapat ako sayo nu'n, kaso pinaalis mo agad ako hindi ko na tuloy nasabi sayo." Naka gusong reklamo niya. Sabay kaming napalingon sa pinto ng elevator ng bumukas iyon at saktong nasa seventh floor na kami. Nang makalabas ay binatukan ko siya dahil sa panggigigil at bilang pambawi na rin sa pag-aalala ko sa kaniya para sa wala. Napa-aray lang siya pero hindi naman gumanti. Sabay pa kaming napatulala sa pinto ng makita na namin iyon, nagkatinginan pa kami bago niya ako nakapamulsang tinanguan. "Uuwi na muna ako, mag-iingat ka. Tawagan mo na lang ako kapag uuwi ka na para masundo kita." Ngumiti siya sa akin dahilan para lumabas ang magkabilang biloy niya, boy next door na naman ang datingan niya sa paningin ko ngayon. "Sige mag-iingat ka sa pag-dadrive, magpahinga ka naman kapag nakauwi ka na ha?" Tumango lang siya sa sinabi ko. Napanguso ako ng guluhin niya ang nakalugay kong buhok. Tumalikod na siya at pinanood ko lang kung papaano unti-unting nawala sa paningin ko ang bulto ng likuran niya. Alam kong ayaw niyang pumasok sa loob dahil ayaw niyang makita si Harvest dahil masama pa rin ang loob niya rito sa ginagawa nitong pag-iwas sa'min. Kahit naman ako ay masama rin ang loob sa kaniya at nasasaktan din sa ginawa niya, it just felt like basta na lang niyang itinapon at hindi pinahalagahan ang ilang taong pagkakaibigan namin. Pero ewan ko ba kung bakit kahit gano'n na ang ginawa niya ay hindi ko pa rin siya kayang layuan gaya ng gusto niya. The three of us grew up together, nagkaroon nga lang ng malaking problema kaya dinala si Arvy ng tita niya sa ibang bansa. Bumalik siya nung kolehiyo na kami, swerte ngang magkaklase kami sa lahat ng subject dahil pareho kami ng kurso. Kaklase rin naman sana namin si Harvest pero after ng first semester ay lumipat na ito sa kalapit na unibersidad. It was his own silent way of saying, 'f**k off!' We used to approach him back then dahil nga kababata at kaibigan namin siya, kaya lang ay palagi niyang dinidistansiya ang sarili niya sa amin. I understand why he was doing that to me, but towards Arvy? Kailanman ay hindi ko maiintindihan. The only reason I could think of, was because Arvy left back then without even saying a word. But we both now the reason behind it, alam kong gaya ko ay naiintindihan niyang iyon ang tama. Kung tama man ang hinala ko na iyon ang dahilan niya kahit mahal ko siya ay masasabi kong napaka kitid ng utak niya. Bumuntong hininga muna ako buksan ang pinto at pumasok, bumungad sa'kin si Fiona at ate Mica na kapwa kumakain. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko sa nakita, ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nagdidinner. Napalunok ako at itinuon na lang ang atensyon kay Harvest na payapang natutulog pa rin sa hospital bed. I raised a brow because of that. "Oh? Akala ko ba gising na 'to?" Itinuro ko pa si Harvest na ikinalingon naman sa'kin ng dalawa na sabay pang napairap. "Kanina gising na 'yan, pero syempre natulog ulit para magpahinga." Kontrolado ni ate Mica ang boses na pinilosopo pa ako. Sabi ko nga 'di na lang ako mag-tatalk! "Alam kong gutom ka na rin, sabayan mo na kaming kumain dito." Hindi ko na tinanggihan pa ang paanyayang iyong ni Fiona. Sabay-sabay kaming kumain at ito yata ang unag pagkakataon na magkakasama kaming tatlo sa iisang lugar na pare-parehong tahimik lang. Ilang minuto lang matapos naming magsikain ay natulog na ang dalawa do'n sa sofa, hindi na nila kinaya ang antok at pagod kaya bumagsak na. Ewan ko ba, kahit na pare-pareho naman kaming wala ang tulog ay hindi man lang ako dinadalaw ng salitang antok. Dilat na dilat pa rin ako at full ang energy sa katawan. Kaming tatlo muna ang bantay ni Harvest dahil umuwi raw muna si tita Luisa para magpalit at kumuha ng mga gamit nitong anak niyang kaskasero. Lumapit ako sa gawi niya at naupo sa upuang nandoon. Sasamantalahin ko ng titigan siya habang tulog pa siya dahil alam kong hindi ko na magagawa iyon kapag nagising na siya, baka nga hindi ko na siya malapitan ng ganito kalapit eh. I traced his face using my finger tips, he's undeniably handsome, ewan ko ba kung bakit kapag tinitigan ko siya ay mabilis na nalulusaw lahat ng sama ng loob at hinanakit ko sa kaniya. Mukha siyang isang anghel kapag ganitong natutulog siya. Mukhang mabait at hindi kayang manakit ng damdamin ng iba, but hell! I finally found the living proof of the statement that looks can be deceiving often times. Bago pa makarating ang daliri ko sa makipot at mapula niyang labi ay nahawakan na niya iyon. Napapitlag ako sa kinauupuan ko at natulala sa kaniya na nakatitig sa akin, walang emosyon ang mukha ngunit salubong ang makapal na kilay. "Bakit nandito ka?" His voice is cold enough to send me shivers down my spine. He seems like a complete different person right now, he seriously looks like a mad bear preparing to devour its prey. Bahagya akong napalayo sa kaniya, gumawa ng nakakairitang ingay ang pag-gasgas ng bakal na paa ng upuan sa puting tiles sa ginawa kong iyon. "I heard what happened to you, gusto ko lang masiguro na nasa maayos ka ng kalagayan." Napayuko ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, "saka umuwi muna si tita Luisa kaya ako na muna ng magbabantay sayo," mahinang ani ko. Nakakaubos ng lakas ang galit na nakikita ko sa mga mata niya. Binibisita ko lang naman siya dahil nag-aalala ako para sa kalagayan niya pero bakit parang galit pa yata siyang makita ako rito? Wala naman akong ginagawang masama ah? "Get out, I don't need you here." Kalmado niya iyong sinabi ngunit may diin. "Hihintayin ko munang makabalik si tita Lu----" hindi pa ako tapos magsalita nang sigawan niya ako na halos ikahulog ko sa kinauupuan ko "I said get out! I don't need a desperate b***h looking after me!" Napalunok ako sa sinabi niya, he always knows where he could hit it the most. Para niya akong sinikmuraan sa itinawag niya sa akin. Naoatingin ako sa gawi nila ate Mica at Fiona, nakahinga ako ng maluwag nang makitang tulog na tulog pa rin sila. Mas mabuti na iyon, ayokong mas magalit pa sila kay Harvest sa kabila ng kabaitan nito. Hindi naman ganito ang pagkakakilala ko sa kaniya, he's a genuinely kind person back then, hindi ko nga alam kung ano nang nangyari sa kaniya. Halos wala na ang bakas ng batang lalaking nakasama kong lumaki, mabait siya sa iba pero sa akin ay hindi. Malungkot akong napangiti nang mapagtanto iyon, ako yata ang nagpapasama sa kaniya. I swallowed hard, hindi na ako makikipag-argumento pa dahil baka mastress pa siya at bumuka ang tahi niya. "S-sige. H-hintayin mo na lang si tita. M-magpagaling ka h-ha?" Pinilit ko ang sarili kong magsalita ng hindi naiiyak sa harap niya, itinago ko na lang ang sakit sa isang malapad na ngiti. There's a look of regret in his face, halata sa mukha niyang gusto niyang bawiin ang sinabi pero nanatiling tahimik. I smiled weakly before turning my back on him. Alam ko namang hindi niya iyon sinasadya kaya kahit pa hindi na siya manghingi ng dispensa ay pinapatawad ko na siya. Si tita Luisa ang agad na bumungad sa akin ng bumukas ang elevator kaya kahit masama ang loob ko ay pilit ko siyang nginitian. Hindi ko alam kung dahil ba sakit ng sinabi ni Harvest o kaya naman ay sa puyat kaya biglang sumama ang pakiramdam ko. "Hello po tita uuwi na po muna ako, saka gising na po pala si Harvest sa loob at hinihintay kayo." I forced myself to smile. "Ha? 'Di ba malabo na ang mata mo? Baka hindi mo na maaninag ang daan. Naku, madilim pa rin sa labas. Bakit kaya hindi na lang umuwi mamayang umaga pag medyo maliwanag na? Tutal ay ilang oras na lang naman ang hihintayin." Naging sunod-sunod ang pag-iling ko kay tita, "hindi na po hindi naman po ako magdadrive, may sundo po ako nasa baba na." Mas nilawakan ko pa ang pagkakangiti ko para makumbinsi si tita. I lied because I don't want her to worry about me, kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa ay gusto ko na agad makalayo muna rito. She sighed, "sige iha, itext mo na lang ako kapag nakauwi ka na ha? Saka salamat na rin." Niyakap pa ko ni tita at hinalikan sa noo bago ako nito hinayaang pumasok sa elevator. Nang makalabas mg ospital ay naalala ko ang sinabi ni Arvy kaya lang ay magdesisyon akong huwag na lang siyang tawagan. Alam kong pagod sa biyahe ang lokong iyon kahit hindi niya sabihin, he's probably asleep by now at ayoko namang sirain ang pahinga niya. Madalang ngunit may magilan-ngilang sasakyan pa rin naman sa kalsada, makalipas ng siguro ng mga kinse minutos ay nakapara ako ng taxi. Hapong-hapo ako ng tuluyan na akong makauwi, mabilis akong humilata sa kama na hindi man lang naisipang magtanggal ng sapatos o kaya ay magpalit ng damit. Bigla ay nawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay. Nakapamaluktot akong humiga, nakayakap sa tuhod ko. That dawn, I cried my heart out until I fell asleep. Kinabukasan ay nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko, nakalislis kasi ang kurtina kaya direkta ang tama niyon sa akin. Hirap na hirap pa akong dumilat sa hapdi ng mga mata ko kakaiyak magdamag, pero pinilit ko ang sariling imulat iyon. Tumingin ako sa orasang nasa may bedside table ko at nakitang alas-siete pa lang ng umaga. Halos tatlong oras na nga lang ang naitulog ko, puro mukha pa ni Harvest ang napanaginipan ko. Pinilit ko ang sarili kong bumalik sa pagtulog pero hindi ko na magawa, I groaned lazily as I sat on the edge of my bed. Kahit nahihilo pa ay pinilit ko ang sarili kong tumayo, papasok na lang nga ako sa opisina para naman mahimasmasan! Puro salitang desperate b***h na lang ata ang tumatakbo sa utak ko at dumadaloy sa dugo ko! I badly needed distraction to avoid self destruction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD