Chapter 9
Mica's POV :
Pupungay-pungay pa ako pag kadilat ko at nang tuluyan ng nagising ang diwa ko ay napagtanto kong magkatabi pala kaming nakatulog ni Fiona sa may katamtamang laki na sofa. Mabuti na lang at parehong balingkinitan ang katawan namin kaya nagkasya kami kahit papaano.
Hindi ko matandaang natulog ako ang huli kong naalala ay nakatulala lang akong nakaupo, marahil sa pagod at puyat kaya na knock out ako.
Tumayo ako at inilibot ang paningin sa paligid, napakunot noo pa ako ng hindi mamataan si Minia sa paligid. Alam kong nandito iyon kaninang madaling araw, sigurado akong hindi ako nanaginip lang.
"Uy Fiona, alam mo ba kung nasaan na si Minia?" Lumingon na ako kay Fiona na katatayo lang at gaya ko ay bagong gising. Sumilip kasi ako sa banyo pero wala namang bakas ni Minia ro'n.
Tumaas ang isang kilay niya sa akin, "aba malay ko! Kita mong kakagising lang natin pareho." Aba't inirapan pa ako!
"Ewan ko sayo, ampanget mo." Pabiro ko siyang inirapan, nakakainis kasi tinatanong ng maayos tapos tatarayan lang ako. Mukhanh na-adapt na niya ang pagiging maldita ko ah? Dahil siguro halos magkapalitan na kami ng mukha sa araw-araw na ginawa ng diyos.
Hindi na siya nagsalita pa at parang sabog na naglakad papasok sa loob ng banyo, halata sa kaniyang antok na antok pa siya.
Dumako ang tingin ko kay Harvest na tulog na tulog pa, sa gilid niya ay si tita Luisa na mahimbing ding natutulog kahit pa nakaupo. Ako ang nahihirapan at nangangalay para kay tita pero ayoko namang gisingin dahil alam ko kung gaano kahirap makabawi ng tulog.
Matapos mag-ayos ng sarili ay nag-iwan na lang kami ng note na iniipit ko sa flower vase na nadoon. Hindi na namin gising pa ang mag-ina para hindi maistorbo, hindi na kasi namin mahihintay pa na magising sila dahil marami pa kaming naiwang trabaho na dapat tapusin.
Pagkalapat na pagkalapat ng pwetan ko sa driver's seat ay saktong nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ng loose pants ko, nagulat pa ako sa pagvibrate niyon sa hita ko.
Mabilis akong napangisi ng makitang ang pangalan ni Arvy sa caller ID, hindi ko pa nasasagot ang tawag ay may ideya na agad ako sa pakay niya.
"Anong kailangan mo?" Nakangisi ako ng itanong ko iyon kahit pa alam ko namang hindi niya ako nakikita.
"Ate kasama niyo pa ba si Minia? Hindi pa nagpapasundo sa'kin. Nagpahinga naman ba siya?" Napabungingis ako sa kaniya, gaya nga ng inaasahan ko.
"Ewan ko kung nasaang lupalop na yon, wala na kasi siya paggising namin ni Fiona. It's either nagpapahinga pa 'yon sa bahay niya or pumasok na sa café niya." Hindi ko na naitago pa ang iritasyon sa boses, kahit mababaw ay nakakainis pa rin 'yung ginawa niyang pag-alis ng walang paalam na para bang walang mga taong mag-aalala sa kaniya. Kung ayaw niya kaming gisingin kanina ay nag-iwan man lang sana siya ng note o kaya nag-text kaso wala ni isa sa mga iyon.
"Ha? Edi umuwi siyang mag-isa? Wala pa naman dalang kotse 'yun dahil hinatid ko papunta diyan. Sabi ko kanina tawagan ako pag uuwi na siya, napakakulit talaga ng babaeng 'yun kahit kailan." Siguradong kung kaharap ko lang ang lalaking to ngayon ay mas maasim pa sa lemon ang mukha niya. Halata ang stress at pag-aalala para kay Minia sa boses niya.
Sa wakas ay pumasok na rin si Fiona na napakabagal maglakad. Mukha na siyang haggard sa zombie sa itsura niya, pipikit-pikit pa siyang magkabit ng seatbelt.
"Yeah she's definitely hard headed, paniguradong ayaw ka no'n istorbohin kaya 'di na tumawag para mag-pasundo." Umiiling-iling na sumandal ako sa kinauupuan.
"I see. I got to go. Pupuntahan ko lang sa bahay nila para siguraduhing nakauwi siya ng safe." Narinig ko ang pagtunog ng kung ano na sa palagay ko ay kama, mukhang kakagising lang din niya at bumangon na mula sa higaan, "nag-alala lang ako kasi hindi ko siya matawagan." Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at pag-aalala sa sinabi niya pero alam ko namang na sa mabuting kamay si Minia, paniguradong tatawagan naman kami ng lokong 'to kapag hindi niya nakita si Minia.
"Mabuti pa nga, tawagan mo na lang kami kapag nawawala na pala siya."
Maliwanag na ang mukha ni Fiona ng lumingon sa'kin. 'Si Arvy 'yan?', she mouthed na tahimik kong tinanguan. Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang agawin ni Fiona ang phone ko sa'kin.
"If you liked it then you shoulda put a bakod on it. Mga torpe bakit 'di pa kasi umamin? If you liked it then you shoulda put a bakod on it. Oh, oh, oh." I couldn't surpress my laugh, I just can't!
Fiona's voice as she sang that was very sassy, sinabayan niya pa iyon ng pagkembot-kembot. Pinatayan tuloy siya ni Arvy ng tawag na obviously nahiya na naman.
She has always been like this towards Arvy na mukhang 'di na ata nasanay, gaya ko ay pinupush din ni Fiona ang lalaki para sa kaibigan namin. Para sa aming dalawa ay walang ibang mas deserving para kay Minia maliban sa kaniya.
He's always there every time she needs him, kahit hindi niya ito tawagin ay parang alam na agad nito kung kailan siya nito kailangan. Kaya lang ay masyadong mahina ang loob ni Arvy. Their friendship holds him back, he's to scared to risk it na naiintindihan ko naman. Masyadong mahal ni Minia si Harvest na para bang wala na itong ibang lalaking nakikita, pero sa totoo lang sa pagpapakatangang ginagawa niya ang dami ng deserving na lalaki ang nareject niya.
How ironic their situation is, mahal nila ang mga taong hindi naman sila mahal. Minsan nga ay naawa na ako para kay Arvy, lagi kasi siyang nakaalalay sa likuran ni Minia na palaging nakatingin lang sa harap at nakasunod kay Harvest na para bang nakadepende sa lalaki ang buong buhay niya.
Arvy loves Minia, but Minia loves Harvest, paano kaya kung si Arvy pala ang bet ni Harvest kaya 'di niya magawang mahalin pabalik ang kaibigan ko? Mabilis akong napailing, hindi ata katanggap-tanggap na ang dalawang maskuladong iyon ay magiging magkasintahan. Hindi ko maimagine pero paano nga kaya kung gano'n?
I sighed sa sobrang lawak ng imagination ko ay sa factory ko nadala ang sasakyan sa halip na sa bahay, naiumpog ko na lang ang ulo ko sa manibela matapos makapagpark. Dahil nandito naman na kami ay napagdisisyonan kong isa muna sa amin ni Fiona ang maiiwan sa factory para magsimula na ng trabaho at isa naman ang uuwi para maligo at magbihis, vice versa.
Dumiretso na ko sa opisina namin at hinayaang si Fiona na muna ang maunang umuwi dahil mas kailangan na niyang makaligo para magising ang diwa niyang nasa dream land pa ata. May banyo naman sana sa opisina kaso wala kaming dalang pamalit.
Halos isang oras din ang hinintay ko bago makita si Fiona na mukhang nakatulog pa ata sa banyo, mabuti na lang at masigla na siya ngayon at mukhang gising na gising na. May subo-subo pa nga siyang lollipop habang naglalakad palapit.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang suot niya at palihim na napangiwi. Okay lang naman na naka-jeans at sneakers siya pero yung suot niya kasing t-shirt ay parang kakasya na sa aming dalawa, nakatupi ang manggas no'n hanggang balikat niya at naka-cap pa siya! Para siyang sigang maghahanap ng away sa kanto o kaya naman ay rapper sa isang Music Video.
Napabuntong hininga ako at hindi na lang nag-komento pa, hindi ko gusto ang suot niya pero choice niya 'yun. Siya ang nakasuot kaya wala dapat akong say doon.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinapik siya sa balikat at tinanguan, antok na antok pa ako para magsalita, alam ko namang nakuha na niya ang gusto kong sabihin. Pakiramdam ko ay said na said na ang enerhiya ko.
Fiona's POV :
Nang makaalis na si ate Mica ay napasalampak nalang ako sa sofa sa loob pagkatapos ay lumanding ang paningin ko sa tambak na mga papeles na nasa ibabaw ng mini table, iyon ang mga papeles na kailangan kong iproof read at pirmahan bilang co-owner ng negosyo.
Actually, mas kaunti iyon kung ikukumpara sa mga nasa lamesa ni ate Mica kaya hindi na lang ako nagreklamo pa. Wala naman akong ibang pagpipilian dahil ginusto kong pasukin ang mundo ng negosyo, habang buhay na akong nakatali sa trabaho at responsibilidad tulad nito.
Tatlong katok ang umabala sa'kin kaya naman kunot-noo kong tinitigan ang pinto, "Come in," sambit ko na sapat lang para marinig ng taong na sa likuran ng pinto ng opisina.
"Good morning ma'am," pambungad na bati sa akin ni Jennica, sekretarya namin ni ate Mica. "Ma'am tumawag po ang secretary ni Mr. Ramirez, kanina pa raw po sila naghihintay sa meeting are. Pinapatanong po kung may balak pa raw po ba kayong siputin siya." Nanlaki ang mata ko sa narinig, meeting? Nalintikan na!
"A-ah yes, tell them I'm on my way." Kinakabahang ngumiti ako sa kaniya, tumango siya sa akin at lumabas na ng opisina at muling isinara ang pinto.
Nangatngat ko na ang kuko ko sa labis na kaba habang naghihintay na sagutin ni ate Mica ang tawag. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa aming dalawa ay si ate Mica ang laging humaharap sa mga possible clients at investors namin. Siya palagi ang nag-coclose ng deal samantalang lagi lang akong nakasabit sa mga meeting niya at tahimik na lumalamon sa sulok.
"Finally!" Muntik pa akong mapapalakpak sa tuwa nang sagutin na ni ate ang tawag.
"Oh bakit?" Kalmadong tanong ni ate Mica na mukhang nasa byahe pa lang, hindi ko alam kung pauwi pa lang o pabalik na basta rinig na rinig ko ang mga busina sa backround niya na nagpapahiwatig na nasa kalsada pa nga siya! Oh God! Anong gagawin ko?
"Ate nakalimutan mo bang may meeting ka ngayon?" Kinakabahan ako nang sabihin iyon, halos upod na lahat ng kuko ko sa daliri!
"Ha? Meeting?" Halata sa boses niya na naguguluhan siya, patay nakalimutan nga niya!
"Yeah, the secretary of Mr. Ramirez called---" napatigil ako sa pagsasalita nang marinig siyang mapamura na halos ngayon ko lang ata narinig.
"Oh s**t!" Malakas na sigaw niya, kasunod niyon ay narinig ko ang sunod-sunod na busina at tiliian dahilan para kabahan ako para sa kaniya. Anong nangyari?
"Great!" Bago pa ko makapagtanong ay nagsalita na si ate Mica, halata pa nga ang matinding iritasyon sa boses niya. "A car crash happened just a few cars away from me! I'll be stuck here, for God knows until when. I can't make it there." Mas lalo akong kinabahan sa narinig niya, hindi ko tuloy alam kung maawa ba ako o maiinis do'n sa naaksidente.
"Listen Fiona, we can't lose this client." Napatango-tango pa ako sa sinabing iyon ni ate, tama nga naman siya. Malaking kompanya iyon at paniguradong malaki rin ang budget nila. Malaking pera ang mawawala sa amin kapag hindi naiclose ang deal sa kanila.
"I trust you, ikaw na ang bahala alam kong kakayanin mo yan." She seems so confident when she said that and hiw I wish I was confident as hers. Parang di ko ata kaya!
"Ate hindi ko kaya, I might end up messing things up!" Hindi ko na maiwasang magtaas ng boses dahil sa kaba ko, hindi ko talaga kaya!
"You know you can't keep sitting beside me every meeting for the rest of your life? This is your first opportunity so you better grab it. Magtiwala ka nga sa sarili mo." Napanguso ako dahil alam ko sa sarili kong tama siya.
"What if I mess things up? Paano kapag hindi ko naiclose ang deal." Nag-aalangan kong tanong habang naglalakad na palabas ng opisina.
"It's fine Fiona. Kung pupunta ka ay may 50% chance na makuha natin sila pero kapag hindi ka pumunta ay wala na talaga, this is a rare opportunity for us. Whatever happens at least you showed up and did your best." She seems so cool about it, hindi man lang kinakabahan na baka pumalya nga ako.
"Oo na lang ate. I can't promise anything, I'll just try my best." I said and sighed, as if I had a choice!
Pinatay ko na ang tawag at kinuha ang folder na naglalaman ng mga designs na gawa namin, tinanong ko pa kay Jennica ang meeting place bago ako tuluyang nakaalis.
Napaungot na lang ako nang malamang sa café pa iyon ni Minia, malayo iyon at wala pa akong dalang sasakyan!
Nang huminto ang taxi sa kabilang kalsada ay natanaw ko sa tapat ng café ni Minia na lumabas ang isang matandang lalaki na nakasuot ng tuxedo, strikto ang itsura at mukhang masungit. My instincts kicked in, hindi kaya siya na yung dapat ka-meeting ko?
"Mr. Ramirez." Nakumpirma ko ang hinala ko nang lumingon sa akin ng matanda. "Sandali lang po!"
Nang makalapit ay yumuko ako bilang pagbati, "God day sir, I'm Fiona Mae Santos Valdez. Co-owner of happy land toy factory. I'm here on behalf of Ms. Mica Jean Santos Valderama." Laking pasasalamat ko na hindi ako nautal kahit pa halos lumabas na ang puso ko sa kaba.
"You're late Ms. Valdez. You know that time is gold for people like us, and yet you made me wait for almost an hour? You've already lost your chance young lady." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng naniningkit ang mga mata, magsasalita na sana ako pero naunahan na niya ako.
"And you even dare to show up dressed like that? Seriously? In a formal meeting? How rude is that? Where's your manner young lady? What a shame!"
Napayuko ako sa sinabi ng matanda dahil nahihiya ako para sa sarili. Pero wala naman kasi talaga sa bokabularyo ko ang pag-aayos, para saan pa kung wala namang magbabago?
Nilunok ko ang pride ko at malapad na ngumiti, ni hindi pa nga niya nakikita ang mga designs namin at hindi ako papayag du'n!
"I'm terribly sorry if I showed up late and for the fact that what I'm currently wearing is very inappropriate, sir. Its just that an emergency happened." I'm surprised na hindi man lang ako pumiyok ng sabihin iyon, achievement!
"But I can guarantee you we can offer you just exactly what you are looking for, we have quality unique master pieces. I assure you that it won't be a waste of time to take a glance at them." I was confident when I said that, hindi ko alam kung saan ko nahugot iyon pero tiwala at proud ako sa mga gawa namin.
Tumitig lang sa akin ang matanda at maya-maya'y napailing, "I love your confidence iha, but I really have to go."
Laglag ang balikat ko sa narinig, para akong linagbagsakan ng langit at lupa. Wala ng pag-asa!
"But since you look so proud and confident, let me see what you've got. Just wait for my grandson, since I have an important meeting any minute from now ay siya muna ang hahalili sa akin. He quite have a good taste when it comes to these things, medyo mataas nga lang mag-expect at mahirap i-please." I smiled widely halos maiyak na ako sa pagpapasalamat, kulang na lang ay halikan ko ang sapatos ng matanda sa sobrang tuwa. Hindi ko na nga inintindi ang sinabi niya tungkol sa sariling apo.
"I really have to go, I'm expecting something astonishing from you. Best of luck and don't make me disappointed, young lady."