Chapter 10
Fiona's POV :
Nang mawala na ang sasakyan ng matanda sa harapan ko ay pumasok na ako sa loob ng café at umupo sa may bandang bungad kung saan mas madali kong nakikita ang mga pumapasok sa loob. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang itsura o maski ang pangalan ng i-memeet ko, ang alam ko lang ay apo siya ni Mr. Ramirez.
Halos 30 minutos na akong panaka-nakang sumisilip sa opisina ni Minia at sa may glass door. Wala pa naman ang ka-meeting ko kaya naisip kong silipin muna sana kung nadoon ang kaibigan ko, kaso lang ay ayoko namang pag-balik ko ay ang ka-meeting ko na pala ang naghihintay sa'kin. Baka lumipad na parang lobong pumutok ang tyansa namin sa pakikipagtransaksiyon sa mga Ramirez.
Napatingin ako sa glasswall ng makitang dumaan ang isang itim na BMW, sinundan ko iyon ng tingin at nakitang nag-park iyon sa bakanteng parking space na nakalaan para sa mga customers.
Napakibit balikat akong ibinalik ang tingin sa glass wall, umaasang sumipot na ang ka- meeting ko na mukhang bumabawi ata sa akin.
Ilang segundo lang ang lumipas ay pumasok ang isang binata. I must admit that he looks absolutely dashing in his blue button up shirt tucked in his trousers at hindi ko man gustong mapansin ay halatang-halata naman kasi ang bukol nito. He's also wearing a pair of loafers kaya tahimik akong napalunok, his outfit is business casual! Hindi kaya siya na ang iniintay ko?
Napahigop ako sa inorder kong ice coffee habang hindi pa rin inaalis ang mata sa lalaki, I am thinking if I should approach him or not. Baka kasi mali pala ako ng hinala nakakahiya.
Muli akong napahigop ng ilibot niya ang paningin sa paligid until his eyes landed on me and for some unknown reason I blushed! Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko na unang beses lang nangyari.
I never find modern pompadour hot until now!
"Hey?" I snapped back to reality, hindi ko man lang namalayang nakalapit na pala siya sa akin. "I don't want to sound rude, I'm here to meet a woman who looks like a street gangster and I suppose it was you? Don't be offended, it was grandpa's words, not mine." Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng ngumiti siya sa akin.
"Ah yes." Nakangiwing sagot ko. I know I don't look presentable but street gangster talaga? For the first time in my entire life ay naself conscious ako bigla sa suot ko. "God day Mr. Ramirez, I'm Fiona Mae Santos Valdez. Co-owner of happy land toy factory. I'm here on behalf of Ms. Mica Jean Santos Valderama." Inulit ko ang pagpapakilala ko sa lolo niya, hindi nga ako nautal pero medyo pumiyok ako sa dulo. Ewan! Parang mas nakakakabang kausapin ang batang Ramirez sa matandang Ramirez!
"Good." Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang maupo siya sa harap ko. "I'm Marvin Cjay Orenza Ramirez."
"Are you alright? Your face is burning red." He asked frowning. Tumawag siya ng waiter at umorder mg isang tasa ng kape at isamg slice ng Mocha cake.
"Ah hindi ayos lang ako, medyo naiinitan lang siguro ako." Napatango-tango siya sa sinabi ko pero mukhang hindi kumbinsido, sino ba naman kasi ang maniniwala sa dahilan kong iyon kung fully air-conditioned ang buong lugar?
"One Iced coffee and a slice of lemon cheesecake for me." Tumango ang waiter matapos kong sabihin iyon.
Iniabot ko sa kaniya ang dala-dala kong folder na nasa ibabaw ng lap ko. Naglalaman iyon ng mga newest designs ng mga laruan na pinagtulungan naming gawin ni ate Mica last week.
Iba-iba at halo-halo ang mga iyon mula sa pambabae, panlalaki, pang-pamilya. Ilang araw din naming pinagpuyatan iyon lalo na at gusto naming masiguro na maganda at kapaki-pakinabang ang mga iyon. Kids are not always easy to please, kailangan gumawa ng bago at makulay sa mata nila lalo na sa mga pinakabatang target buyers. Kailangan lahat ay siguradong matibay, hindi chocking hazard at toxic free para iwas reklamo na rin.
It might be rude staring at someone for too long pero hindi ko talaga magawang maialis ang paningin ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang maalala ang sinabi ni Mr. Ramirez na mahirap i-please ang taste ng apo niya, halos dasalan ko na nga lahat ng santo habang patuloy ito sa dahan-dahang paglilipat ng mga pages at minsa'y napapatango pa.
"I must say that I'm impressed, ang gaganda ng disenyo niyo at talagang madaling makapukaw sa mata. Kahit pa sabihing hindi na ako bata ay mukhang maeenganyo akong bumili." He said and chuckled softly, ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa clear folder na inabot ko sa kaniya kanina.
"Of course! Ms. Valderama, the owner, designed those almost all by herself." Nakangiting pagmamalaki ko sa kaniya, totoo naman. Halos sa color combination at minor changes lang ang naitulong ko sa mga iyon.
"I knew it! Noong magkasama kami ay hindi maihihiwalay sa lapis at papel si Mica. Her mind is very creative, her ideas are undoubtedly amazing! She actually got a lot more better than I could recall!" Naningkit ang mga mata ko sa ikinuwento niyang iyon, napataas pa nga ang kilay ko sa pagtatakha. Kilala niya si ate Mica?
"You know her?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya, hindi ko talaga kasi maalala na nakita ko na siya noon.
"Yeah, we've been friends since high school." Napatango-tango ako sa sinabi niya. "I earned my degree in Canada, kada uwi ko rito ay ikaw naman ang lumilipad papunta ro'n. Nagkakasalisi tayo kaya hindi kayo maipakilala ni Mica sa'kin. Tuwing magkasama nga kami ay laging kayo no'ng kaibigan mong si Minia ang bukang bibig niya." Naliwanagan naman na ako kahit papaano sa nalaman ko.
I finished highschool in Canada at nagdisisyon akong dito na lang mag-kolehiyo. I took Bachelor of Science in Business Administration here in the Philippines, sa parehong school kami nag-enroll ni ate Mica at doon naman namin nakilala at naging malapit na kaibigan si Minia at Arvy.
"Ay gano'n? Akala ko pa naman naglilihim na sa amin ang pinsan kong iyon." Tatawa-tawa kong bulalas. Ewan nawala bigla ang kaba ko, para naman kasing hindi meeting itong napuntahan ko. Ang gaan kasi kausap nitong si Marvin.
"May dala ka bang sample?" Unti-unting humina ang tawa ko sa sinabi niya hanggang sa nauwi iyon sa isang alanganing ngiwi habang nanlalaki ang mga mata. Damn! How could I possibly forget that? Kakamadali ko ay nawala na sa isip ko na magdala.
"Ha? Sample?" Kinakabahang tanong ko at nagsisimula ng mamawis ang kamay ko. "Ano kasi naiwan ko sa sobrang pagmamadaling makapunta sa meeting place, nataranta kasi ako kaya hindi ako nakapagdala. Sorry." Napayuko ako sa kahihiyan, puro kapalpakan na lang ata ang nagawa ko ngayong umaga.
"It's fine, tiwala naman ako sa mga gawa ni Mica. Pero sa susunod ay 'wag mong kakalimutan. Hindi lahat ng client ay katulad ko, kung si grandpa ang kaharap mo ay winalk-outan ka na. Iba ang strikto at tabas ng dila no'n." Napatango naman ako sa sinabi niya dahil at nakahinga na ng maluwag kahit papaano.
Napahinto ako ng matanaw si Minia hindi kalayuan sa pwesto namin, kausap niya ang isang waiter na may bitbit na tray. Naoagawi ang tingin nila rito kaya naman nakangiting kumaway ako sa kaniya para mapansin niya ako. Kinuha niya ang tray sa kausap at naglakad palaput rito habang bitbit iyon.
Napakunot ang noo ko nang tuluyan na siyang makalapit sa lamesa namin, she looks so pale and less energetic. Wala pa siyang lipstick kaya halatang-halata talaga ang pamumutla niya, para ngang wala na siyang dugo kung titignan. Mata lang niya ang mapula sa kaniya ngayon!
"You look sick, may sakit ka ba?" Bakas ang pag-aalala sa tinig ko nang itanong ko iyon habang abala siya sa paglalapag ng orders namin.
"Ha? Wala, I'm totally fine so there's no need for you to worry." Winagayway niya pa ang kamay niya na mas ikinaliit ng mata ko, I can sense that she's trying hard to lie. Paos ang boses niya!
Nagdududa ko siyang tinitigan, mas lalo lang akong nakumbinsing tama ang hinala ko ng bumakas ang pagkabahala sa mukha niya. Ganyan naman siya, sasarilinin na lang ang nararamdaman kaysa mag-alala kami sa kaniya. Kala mo naman ay iba siya sa amin sa pagiging malihim niya sa ganoong bagay.
"Stop overthinking Fiona, ayos lang ako." Pilit ang tawang sambit niya, "Just enjoy your date."
Laglag ang panga ko sa sinabi niya at naisang lagok ang kalalapag lang na iced coffee ko. Parang lahat ata ng dugo ko ay umakyat na sa mukha ko!
Alanganing napalingon ako kay Marvin nang mapaubo-ubo siya at awkward na napatawa. "I agree she looks sick, iba 'yung pagkaputla niya eh. Siya na siguro 'yung kaibigan niyong si Minia? Natatandaan ko kasi napakarami niyang selfie sa phone ni Mica."
Nilapag niya sa tabi lamesa ang folder na tapos na siguro niyang tingnan. Sumandal siya sa kinauupuan niya at tahimik na sumimsim ng kape.
"Yeah, I'll just check on her after this meeting." Nakangiting bulalas ko sa kaniya. Naalala kong halos si Minia mga ang pumuno sa phone gallery namin ni ate Mica dahil napakahilig talaga niyang nag-seselfie sa kahit saang puntahan niya.
"You should do that, if I'm not mistaken she's the owner of this Café?" Tumango ako bilang tugon sa kaniya. "The interior is nice and cozy, pati ang pagkakagawa ng coffee at pastries ay masarap kahit pa bago sa pandinig. Now I know the reason why Heart Café is popular." Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata niya kaya naman naging proud ako para sa kaibigan ko.
"True to its tagline, you'll indeed experience love at first sip." He exclaimed.
"I agree, so what do you think?" Tanong ko sa kaniya at muling humigop sa iced coffee ko, grabe! I can't get over this thing, baka masobrahan ako at hindi na makatulog mamaya.
"About her?" His eyes were dreamy kaya agad ako nanlumo. Naku po! Mukhang tinamaan ng alindog ni Minia ang isang ito! 'Yung manok nga namin ni ate Mica ay walang pag-asa siya pa kaya?
I cleared my throat, "I mean what do you think about our products? Did we meet your expectations? Have you found what you're looking for?"
"Ah oo tama!" Napakamot siya sa batok niya na tila napahiya, halata rin ang biglaang pagpula ng magkabilang tenga niya lalo pa't mestizo siya.
Halos kalahating oras pa kaming nag-usap bago nafinalize kung anong mga produkto ang gusto nila at kung ilan ang kailangang iproduce, kasama na rin kung kailan nila ito kailangam at babayaran.
Nang maayos ang lahat ay nagmamadali na siyang umuwi, hahabol pa raw kasi siya sa family lunch sa bahay nila, malilintikan na naman daw kasi siya sa mommy niya kapag hindi siya nakaabot. When he was totally out of my sight, it was my cue to check on Minia na mukhang nagkulong na sa opisina niya.
Minia's POV :
Ang akala ko ay distraction ang makukuha ko sa pagpasok sa opisina pero mali pala ako, mas bumigat lang ang pakiramdam ko at parang binibiyak sa dalawa ang ulo ko. Baka sa sobrang puyat plus the fact na niliguan ko pa, kaya siguro ganito na lang kasama ang pakiramdam ko.
Nang bahagyang humupa ang sakit ay napagdesisyunan kong lumabas muna ng opisina at humarap sa mga tao sa pag-asang gagaan ang pakiramdam ko kahit papaano.
Naningkit ang mga mata ko nang matanaw si Fiona ka kausap ang isang napakakisig na binata. Hindi ko maiwasang mamangha sa postura ng upo ni Fiona ngayon regardless sa suot niya.
She looks so prim and proper, and holy cat! I've never seen her being demure until now! Halata sa kaniyang nagpapakababae siya sa harap ng kausap. Looking at her outfit and the man's, I concluded they were on a date. Nasa tamang pag-iisip pa naman siguro si Fiona para hindi humarap sa mga business client niya ng ganyan, they must be on a date dahil kung hindi ay talagang nakakastress ito.
I sighed, tutulong na lang ako sa mga empleyado ko sa halip na tumunganga, alam kong kulang kami sa mga tao kaya nga nagpapahiring ako eh.
"Sa'n 'yan?" tanong ko sa unang waiter na nilapitan ko, bitbit niya ang isang tray na naglalaman ng isang iced coffee at brewed coffee kasama niyon ay dalawang magkaibang flavor na slice ng cake. And to my surprise sa table pa nila Fiona naka-assign ihatid iyon!
Nagdalawang isip ako at napalingon sa table nila, it's too late to back out! Nakita at nakawayan na ko ni Fiona. Nakangusong kinuha ko ang tray sa waiter at ako na mismo ang naghatid kila Fiona.
"You look sick, may sakit ka ba?" Iyan ang bungad niyang tanong sa akin, ayoko sanang sagutin kaso ayoko namang maging bastos sa kaibigan ko na nag-aalala lang naman sa'kin.
"Ha? Wala, I'm totally fine so there's no need for you to worry." Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya matapos mailapag ang order nila, pinaningkitan niya pa ako ng mata at halatang hindi naniniwala kaya nataranta na ako.
"Stop overthinking Fiona, ayos lang ako." Pinilit kong tumawa para naman hindi na siya magduda pa, "Just enjoy your date." Ngumiti ako at tinalikuran na sila.
Ayokong nag-aalala ang mga kaibigan ko dahil sadyang may pagka O.A. sila madalas. Alam kong sandamakmak na tableta na naman ang ipapainom nila sa akin! Ayoko no'n dahil hirap na hirap akong lunukin, mas gusto ko pang itulog na lang 'to hanggang sa gumaling.
Dumiretso na lang ako pabalik sa opisina ko para dumukdok sa office table ko roon. Bukod sa plano kong magpahinga na lang ay gusto ko talagang pagtaguan si Fiona kahit pa alam kong imposible, nasisiguro kong hindi matatahimik iyon hanggat hindi nakukumpirma khng tama ba ang hinala niya o hindi. Jusme, sa tagal na naming magkakaibigan ay kabisado ko na sila! Halos wala akong bagay na maitago sa kanila, mabilis nila akong nabubuking kapag nagsisinungaling ako. Kulang na nga lang na pati ang kulay ng suot kong underwear ay alam din nila!