BULAKLAK AT SAMPAL

1956 Words
ALEXIA POV. NANG makita ko si Mama, may hawak din siyang bouquet ng mga bulaklak, nakaupo sa wheelchair, at malapad ang kanyang ngiti. Ibinaba ko muna ang lahat ng dala ko, maliban sa diploma at medalya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan. Iniabot ko ang diploma bago isinabit sa kanya ang medalya. Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit… hindi ko na mapigilang maluha. Kanina, nagawa ko pang pigilan ang mga luha, pero ngayon ay tuluyan na akong bumigay, kasabay ang mga impit kong paghagulgol. “Ngayon ka pa iiyak? Nakapagtapos ka na, anak. Sulit ang mga sakripisyo ng iyong ama para maitaguyod ka. Ilang hakbang na lang, matutupad mo na ang mga pangarap mo. Dapat masaya ka, kagaya ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon,” wika ni Mama, habang patuloy ang kanyang ngiti. “Maraming salamat po, Mama,” mahina kong tugon bago ko siya hinalikan sa pisngi. “Nasaan pala ang Papa mo? Hindi ba siya sumama rito?” tanong niya habang palinga-linga sa paligid. “Ahm… t-tinawagan po siya ng boss niya. May biglaan daw silang biyahe,” sagot ko habang nakayuko… isang kasinungalingan halos hindi ko magawang sabihin ng malinaw. Alam kong naririnig ako ng lahat ng naroroon, hindi lamang sina Ms. Monaliza Margarett at Mr. Hugo Nick, kundi pati na rin ang ilan sa mga kaibigan ko. “’Wag ka nang malungkot, anak. Nakakahiya sa mga bisita mo,” sabi pa ni Mama, sabay ngiti, tila ayaw ipahalata ang pag-aalala. Tumayo ako at umupo sa bangko, katabi ng kanyang wheelchair. Doon ko lamang tuluyang napansin ang paligid… napakaraming pagkain sa ibabaw ng bawat table, maganda ang dekorasyon, talagang paborito ko pang kulay ang nilagay nilang motif. “Magpasalamat ka sa kanila, anak, lalo na sa nobyo mo na si Hugo. Siya at ang kapatid niya ang naghanda ng lahat ng ito,” sabi ni Mama. Mabilis nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya, lalo na nang maramdaman kong nakatuon sa akin ang mga mata ng lahat. Si Mr. Hugo Nick naman ay parang hindi apektado, walang bakas ng emosyon, at tila walang naririnig habang kalmado pa ring nakikipag-usap sa isang lalaking hindi ko kilala. Nakuha ng isang babaeng papalapit ang aking atensyon. May dala siyang regalo at marahang inabot sa akin. “Ipinabigay po ito ng senyor. May ipinadala rin daw siyang email para sa inyo, Ms. Alexia,” mahina at magalang niyang pahayag. “Maraming salamat po. Babasahin ko na lang mamaya ang email niya,” tugon ko. “Maiwan ko na kayo,” paalam niya bago nagmamadaling lumayo. Paglingon ko muli sa paligid, tila ako na lang ang hinihintay ng lahat… mga matang nag-hihintay, nakangiti at may tila nanunukso na tingin.. “Anak, nagdadasal na tayo para sa pasasalamat. Ikaw na ang manguna,” ani Mama. “Opo, Mama.” Tumayo ako, marahang huminga, at kinuha ang atensyon ng lahat bago nagsimula sa panalangin. At sumunod ang mahabang katahimikan… Hindi ko na hinabaan pa at agad din tinapos, pagkatapos nagsimula na kaming kumain. Habang inaayos ko ang pagkain ni Mama, nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Kaya agad ko siyang sinulyapan. Huling-huli ko ang luha na pinipigilan sa pagbagsak. Ayaw kong maging emosyonal lalo na sa harapan ng mga tao. Kaya sinikap ko siyang ngitian, saka hinawakan ang isang kamay. “Kain na po, Ma, para makainom ka ng mga gamot mo.” saka ko inabot sa kanya ang plato. Konti lang ang pagkain na pwedeng kainin niya. “’Wag mo akong alalahanin anak, kumain ka na rin.” Aniya na nananatiling nakangiti. “Opo, Ma,” at nagsimula na akong kumain, paminsan minsan lihim kong sinusulyapan si Mr. Hugo Nick, ngunit seryoso ang mukha niya. habang nakatingin sa hawak na cellphone. Ang pagkain sa kanyang harapan ay hindi pa nagagalaw. “Ms. Alexia, can I ask something?” Umayos muna ako ng upo at tumingin kay Ms. Monaliza Margarett, “yes, go ahead.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “May company ka na bang papasukan?” “Ahm… may naghihintay na sa aking trabaho.” Matapat kong sagot sa kanya. “Oh, late na pala ako, gusto sana kitang alukin ng trabaho sa Mondragon Int’l Airlines company.” Sa aking narinig kumakabog ang dibdib ko, tamang tama sana sa akin ang trabaho doon. Iyon ang matagal ko ng pangarap kaya nga kumuha ako ng tourism. Ngunit may kontrata na akong pinirmahan kay senyor. At hindi ko na yon pwede pang bawiin. Isa pa para sa aking ina ang gagawin kong ‘yon. Totoong nanghihinayang ako sa magandang oportunidad na ‘yon. Ngunit mas importante sa akin ang paggaling ng aking ina. Siguro pagkatapos ng kontrata ko kay senyor, saka ako mag-apply sa company ni Ms. Monaliza Margarett, sana lang sa mga panahong ‘yon may bakante pa. NANG matapos ang selebrasyon, parang hindi maubos-ubos ang pasasalamat ko sa kanilang lahat. Ngunit may isa akong gustong personal na pasalamatan… si Mr. Hugo Nick. Kanina ko pa hinahanap ang tamang tiyempo, pero hindi ako makasingit; lagi siyang abala. Pinagmasdan ko ang paligid, hinanap ko siya sa dami ng tao. Nang sa wakas ay makita ko siya sa gilid, nakatayo at nakikipag-usap, biglang kumirot ang dibdib ko… may kasama siyang isang maganda at sosyal na babae. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko, pero naramdaman ko iyon nang malinaw. Gayunpaman, nagpaalam ako sandali kay Mama, saka mabilis na lumapit sa kanila. “Umm… sorry to disturb you… Mr. Hugo Nick, can we talk?” “Sure. Anong nais mong sabihin, Ms. Alexia?” sagot niya, ngunit nanatili ang tingin niya sa babaeng kausap niya… parang hindi man lang interesado sa paglapit ko. “Salamat sa lahat ng ito… s-sige, maiwan ko na kayo.” Nagmamadali akong tumalikod, hindi na hinintay ang magiging tugon niya. Pagbalik ko kay Mama, agad kong napansin ang direksyon ng tingin niya… nakatutok kay Mr. Hugo Nick. Kumabog agad ang dibdib ko, nag-aalala sa maaaring iniisip niya. “Ma, kaibigan lang niya ‘yung babae. Halika na, umuwi na po tayo,” sabi ko, saka hinawakan ang wheelchair ni Mama at marahang inikot iyon papunta sa exit door. Ngunit bago pa kami makalayo, ilang hakbang pa lamang, may biglang humawak sa likod ng wheelchair at siya na ang nagpatuloy sa pagtutulak. Pag-angat ng tingin ko, bumungad si Mr. Hugo Nick… seryoso ang mukha, walang bakas ng alinlangan. Hindi na ako nagtanong. Hinayaan ko na lang siya, at tahimik akong nakisabay sa kanyang mga hakbang. “Anak,” bulong ni Mama, nakatingin sa unahan, “maganda ‘yung babae. At sa palagay ko… may gusto siya kay Hugo. Bakit mo hinayaan na maiwan siya doon?” Nanlalamig ang pakiramdam ko at hindi agad nakaimik. Halatang hindi niya napansin kung sino ang nasa likuran niya ngayon. Lalong sumikip ang dibdib ko sa hiya. “Alexia, bakit hindi ka sumasagot, anak?” tanong ni Mama, bahagyang lumilingon. “Kaibigan ko lang po ang babaeng ‘yon,” sagot ni Mr. Hugo Nick… kalmado, diretso, at may bahagyang ngiti sa labi. Parang biglang umakyat ang init sa pisngi ko, at lalo lang akong napayuko. “Oh, nariyan ka na pala, Hijo, akala ko naroon ka pa sa babaeng kaibigan mo.” nakangiti din sagot ni Mama. “Kayo lang po ang hinihintay ko, kaya nakipag kwentuhan muna ako sa kanya… school mate at kababata ko po siya.” “I see, pero nakita ko kanina, kakaiba ang titig na ibinibigay niya sayo, nakakasiguro akong gusto ka niya, Hijo.” “Hindi lang naman po ang babaeng ‘yon ang nagkakagusto sa akin, marami pang iba. Kaya lang hindi ko naman sila gusto, kaya wala ka pong dapat alalahanin, si Alexia, siya lang ang gusto ko.” Sa narinig tumaas ang aking kilay. Ngunit kasabay… bumilis ang pintig nitong sutil kong puso, kahit alam kong hindi naman totoo ang sinabi ni Mr. Hugo Nick, pero may bahagi sa isip at puso ko na umaasang sana totoo ang binitawan niyang salita. “Salamat, Hijo, masaya ako para sa inyong dalawa. Hindi na ako mag-aalala pa kay Alexia, dahil nariyan ka… na alam kong aalagaan mo siya.” “Ma, ayan ka na naman, kung ano-ano yata ang iniisip mo, ‘di ba sabi ko sayo, ipapagamot kita, at magkakasama pa tayong dalawa ng matagal?” “Anak, kagaya ng lagi kong sinasabi, walang kasiguraduhan ang bukas. At gusto ko lang na maging handa ka sa lahat. Ngayon graduate kana, panatag na ang loob, lalo at nariyan si Hugo… iiwan kita sa tamang tao.” Hindi na lang ako sumagot, ngunit may mga tanong sa isipan ko. Bakit ganun na lang ang pagtitiwala ni Mama, kay Mr. Hugo Nick, samantalang kailan lang naman niya nakilala… kailan lang namin nakilala ang lalaking ito. Pagdating sa bahay, inakala kong aalis na agad si Mr. Hugo Nick, subalit nanatili siyang kausap si Mama. Kaya iniwan ko na lang sila at nagtungo ako sa silid ko upang magpalit ng damit. Nag-half bath na rin ako upang mabawasan ang init at lagkit ng aking katawan. Pagkatapos ay tumungo ako sa Kusina at naghanda ng maluluto para kung sakaling magutom si Mama, may maibibigay agad akong pagkain sa kanya. Inilabas ko ang mga gulay, at sinimulan hiwain ang mga iyon… nang may naalala ako. Agad kong iniwan ang aking ginagawa at bumalik sa kwarto, dinampot ang aking laptop at binuksan ang email. Bakit ko ba nakalimutan ito, sigurado naghihintay ng reply ang senyor… hindi ko inaasahan ang mga mababasa, isang instructions na naglalahad ng mga dapat kong ihanda at gagawin. Bukas nang gabi ang alis namin patungong U.S.—kung saan ipapagamot si Mama. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol dito. Mabilis akong nag-reply sa mensahe, sinabing naghahanda na kami ni Mama. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina, mabilis ang bawat galaw upang ipagpatuloy ang pagluluto. “Hey! Gusto mo yatang masugatan. Bakit nagmamadali ka yata? May pupuntahan ka pa ba sa ganitong oras?” tanong niya, halatang naiinis. Napahinto ako at lumingon, kailan pa doon si Mr. Hugo Nick? “Umm… wala naman. May kailangan lang akong tapusin ngayong gabi kaya nagmamadali akong makapagluto,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Bakit ka pa nagluluto? Hindi ka ba nabusog sa pinanggalingan natin?” “Hindi para sa akin ito. Para kay Mama. Minsan nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi… nagugutom,” tugon ko, saka muling itinuloy ang ginagawa. May ilang segundo ang katahimikan bago siya muling nagsalita. “May sinabi sa akin si Monaliza. Aalis daw kayo?” Parang biglang nanikip ang dibdib ko, ngunit sinikap kong hindi niya mapansin. “Nabanggit ba niya kung saan kami pupunta ni Mama?” “Yeah…” saka siya lumapit, nakataas ang isang kilay. “Ano ang ugnayan ninyo ni Senyor Del Fierro?” “W-wala… bakit bigla mong isinama ang senyor sa usapan?” “Natural. Siya lang naman ang natatandaan kong pinuntahan mo sa mansion. Desperada ka na ba para pumatol sa gano’n katandang lalaki?” Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng pag-angat ng init sa mukha… hindi dahil sa hiya, kundi sa galit na pilit kong pinipigilan kumawala. “Iniisip mo ba na pumatol ako sa senyor para lang maipagamot si Mama?” “Ano pa ba ang kapalit ng pagpapagamot niya sa Mama mo? Wala namang ibang hinihingi ang mga lalaking gaya niya… kundi katawan, ‘di ba?” At doon na ako nagdilim. Bago pa ako makapag-isip, dumapo na ang palad ko sa kanyang pisngi… malakas, mariin, at walang pagsisisi. At tila huminto ang paligid dahil sa tunog ng sampal. Pagkatapos niyon, agad akong tumalikod, mabilis ang bawat hakbang palabas, habang umaapoy ang dibdib ko sa galit na hindi ko na napigilang sumabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD