Napatingin si Edward sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Gusto pa sana niyang bulyawan ang asawa dahil sa biglaan nitong pagtalikod sa kaniya at iyon ang pinakaayaw niya, ang tinatalikuran siya basta basta.
Para namang hindi ganoon ang ugali mo kapag kausap mo ang asawa mo. Kanti sa kaniya ng isang parte ng utak.
“She deserve that,” sagot niya sa walanghiyang isip at sinimulan nang kainin ang iniluto ng asawa. Kinain niya iyon lahat at hindi ito tinirhan.
Pagkatapos kumain ay kinuha niya ang coat at akmang aalis na nang makitang bukas ang pinto papunta sa garden. Lumapit siya sa nakaawang na pinto at kitang- kita niya ang asawa na nakatulala sa kawalan.
Kumunot ang noo niya. What is going inside that pretty little head of her?
Napansin din niya ang benda na nakabalot sa braso nito na hindi niya napansin kanina at mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo niya.
Anong nangyari sa braso ng babaeng ito? Sa halip na lapitan ito at tanungin ay pinatigas niya ang puso.
Baka isa na naman iyan sa mga paraan niya para kaawaan mo siya, gaya ng ginawa niyang pamimikot sayo noon. Napatiim ang bagang niya nang maalala ang ginawang pamimikot sa kaniya ng asawa noon para lang bigyan ng pera ang pamilya nito. Speaking of that, magmula ng sabuyan niya ito ng pera, wala na muli siyang narinig na balita tungkol sa pamilya ng asawa. Napaismid siya. Siguro ay nilulustay na ang pera na ibinigay ko. Mga mukhang pera.
Lumikha siya ng ingay para makuha ang atensiyon nito at mukhang nagtagumpay naman siya dahil halos mapatalon ito sa gulat at mabilis na lumingon sa gawi niya.
***
Edward Lai.
Isinulat iyon ni Remi sa likod ng filler notebook niya. Ayon sa narinig niyang kuwentuhan ng iba niyang mga kaklaseng babae. Excited na uli siya sa subject niyang iyon dahil iyon ang nag-iisang subject niya na kaklase si Edward.
Napatingin siya sa upuan nito. Wala pa doon ang binata.
Naramdaman niya ang pagkalabit ng kung sino sa likod niya. Si Danielle iyon, ang isa sa mga kaklase niya sa subject na iyon na may napakasamang pag- uugali. Nakangisi sa kaniya ang makolorete nitong mukha pati na ang mga alipores nitong sina Sherlyn at Berna. Ngumunguya pa ang mga ito ng bubble gum.
May iniabot itong nakatuping papel sa kaniya. Nagdadalawang isip siya ng abutin niya iyon. Tinalikuran niya ang mga ito at binuklat ang papel.
Fat Remi.
Nobody's girl.
Baboy baboy baboy oink oink.
May nakadrawing pang ilong ng baboy doon. Nilakumos niya ang papel at nagpangalumbaba. Wala na namang magawa ang mga ito at siya na naman ang napagdiskitahan. Hindi na niya pinansin iyon, kung umasta ang mga ito ay parang hindi kolehiyo.
Nasa ganoong estado siya nang pumasok si Edward. Nagtama pa ang mga mata nila. Ocean eyes! Mabilis itong nagbawi ng tingin at naupo sa bangko nito malapit sa bintana. Narinig niya ang hagikhikan ng tatlong impokrita sa likuran niya.
Napadako ang tingin niya kay Edward. May pagka-asul ang mga mata nito, asul na kasing kulay ng karagatan. Nakita din niya ang paglapit dito ni Danielle at pag-abot dito na isang kahon na pula pang ribbon sa ibabaw.
“Para saiyo yan, Edward,” tila nahihiya nitong inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga. She rolled her eyes because of that. Pabebe. Bumalik na si Danielle sa upuan nito at si Edward naman ay binuksan ang kahon at naglabas doon ng isang cupcake.
Ibinalik niya ang tingin sa filler notebook kung saan nakasulat ang pangalan ng lalaki. Mabilis niya iyong isinara at muling nagpangalumbaba.
Syempre, guwapo si Edward at natural lang na may magbigay sa kaniya ng mga regalo. Pumasok na ang prof nila ay nagsimulang magturo. Siya naman ay pasulyap sulyap kay Edward. Patuloy pa din ito sa pagkain kahit pa may guro na sila at tila ba bored na bored na ito. At dahil napakatahimik ng buong paligid ay rinig na rinig niya ang tunog ng pagnguya nito.
“Mr. Edward Lai! Why are you eating on my teaching time?! Gusto mo bang palabasin kita ha!” galit na bulyaw ng guro nila. Lahat tuloy ay napatutok ang tingin kay Edward. Maging siya.
Bored na ibinaba nito ang hawak na cupcake. “Mr. Whoever you are. Why are you even teaching on my eating time? Gusto mo bang palabasin kita ha,” pinigilan niyang matawa sa tinuran nito.
Galit na ibinagsak ng guro nila ang kamay nito sa mesa. “You brute! Get the hell out of my class--”
“Yeah whatever,” bored na tumayo si Edward dala ang box nito ng cupcake at hinagis iyon sa harap ni Danielle. Nagulat ang lahat sa ginawa nito. “Your cupcakes taste like poison. I don't know why did you even baked those demonic things.”
At pagkatapos niyon ay nakapalmusa pa itong lumabas ng room dala ang bag nito habang si Danielle at ang mga alipores nito ay tila tinakasan ng dugo sa pamumutla.
***
Isang malakas na lagabog mula sa pintuan ang nagpabalik sa kaniya sa realidad. Nakita niya ang iritadong asawa na nakatayo doon. Nakahalukipkip ito at tila bored na hinihintay siya.
Kanina pa ba siya nandiyan?
Mabilis siyang lumapit sa asawa. “Papasok ka na ba sa trabaho?” tanong niya.
“Yeah,” walang kagana- ganang sagot nito. “Fix my tie.”
Lumapit siya dito at bahagyang tumingkayad dahil tapat na tapat lamang sa mukha niya ang neck tie nito. Matangkad kasi ang asawa niya at hanggang balikat lamang siya nito. Inayos niya ang neck tie nito at kitang- kita pa niya ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nito.
“Okay na,” nakangiting sabi niya at dumistansya na dito. Isang metro ang layo niya dito. Ayaw kasi ng asawa niya na malapit siya dito. Nang mag-angat siya ng tingin, matiim pala itong nakatitig sa kaniya. May kung anong kislap ang mga mata nito at hindi niya mabasa kung ano ba ang iniisip nito.
Galit ba sya sakin? Gusto sana niya iyong itanong ngunit wala din naman siyang lakas ng loob.
“I’m leaving,” anito. “I’ll be in a business trip for five days.” Natigilan siya sa sinabi nito. Aalis ito ng limang araw at maiiwan siya mag-isa sa bahay. Pero ayaw na niyang mag-isa. Natatakot siya. “Gusto kong ayusin mo ang maleta ko at dalhin mo yun sa opisina mamaya pagkatapos ng tanghalian.”
Tinalikuran na siya nito at akmang lalabas na ng pinto.
“S-sinong kasama m-mo?” lakas loob na tanong niya kahit pa nagkakanda- utal siya. Alam na niya ang nangyayari tuwing magpapaalam ito na may business trip, pero kahit na ganoon ay umaasa pa din ang puso niya na mali ang iniisip niya.
“Trisha,” at mabilis itong lumabas ng pinto. Naiwan siyang napasalampak sa sahig. Tama nga siya. Ang babae nito ang kasama nito. She clutched her heart. Nag-uunahan ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya. Bakit ganito, bakit kasi hindi pa din siya nasasanay. Gusto na lamang niyang masanay sa ginagawa nito. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit.
At sa kauna-unahang pagkakataon mula ng mahalin niya si Edward, nakaramdam ng pagod ang puso niya.
***
Gaya ng inutos sa kaniya ng asawa, inayos niya ang maleta nito at dinala iyon sa opisina pagkatapos ng tanghalian.
“Miss, sino po kayo at para saan po yang maleta na dala ninyo?” hinarang siya ng guard.
Natigilan siya. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Hindi naman kasi siya kilala ng mga empleyado doon dahil ayaw siyang ipakilala ni Edward. Parang kinurot ang puso niya nang maalala ang sinabi nitong kahihiyan ang maging asawa siya.
Napangiti siya ng mapakla. “K-katulong po ako ni Sir Edward Lai,” parang may bikig sa lalamunan niya habang sinasabi niya iyon. “P-pinapadala po niya ang mga maleta na ito para sa business trip niya.”
“Ah ganoon ba. Saglit lang, Miss,” may tinawagan ang guard sa telepono na nasa tabi nito. Muli itong lumingon sa kaniya. “Ano daw hong pangalan niyo, Miss.”
“Remira Lai-- ahm Avilarde. Remira Avilarde,” ayaw na ayaw ni Edward na ginagamit niya ang apelyido nito.
“Sige, Miss Avilarde, pasok na daw po kayo sabi ng sekretarya ni Mr. Lai. Nasa 25th floor po iyon,” iminuwestra nito ang elevator.
“Salamat po,” bahagya siyang tumungo dito at tinungo na ang elevator hila hila ang maleta. Pinindot niya ang button na may nakalagay ng 25. Napangiti siya dahil makikita niya si Laine ang bestfriend niya. Minsan natatawa na lamang siya kay Laine kada magkukwento ito tungkol sa mga dinadalang babae doon ng asawa niya. Kahit sa loob loob niya ay parang tinatarak ng kung ano ang puso niya.
Nang makarating siya sa 25th floor ay nadaanan niya ang desk na may nakalagay na Clarylaine Cruz ‘Secretary’ ngunit wala naman doon ang kaibigan niya.
Hatak pa din ang maleta ay tinungo niya ang pinto ng opisina ni Edward. Gusto din kasi niyang makita ang asawa. Mapait siyang napangiti, siya na talaga ng pinakamartyr na tao sa buong mundo. Kumbaga, may nananalo na.
Nakaawang ang pinto ng opisina nito at mula doon ay kitang kita niya kung paano makipaghalikan ang asawa niya sa babaeng nakakandong dito.
Nanlamig ang buong katawan niya at nabitawan ng nanginginig niyang mga kamay ang hawak na maleta. Bumagsak iyon sa sahig at natulak pabukas ang pinto. Lumikha ang pagbagsak niyon ng malakas na tunog.
Lumingon sa gawi niya ang asawa pero hindi ito tumigil sa pakikipag- halikan sa babaeng nasa hita nito. Nakita niya kung paano pa ito mariing pumikit at mas sinapo ang mukha ng babaeng kahalikan.
Nakatingin lamang siya sa mga ito, ngunit wala nang lumalabas na luha sa mga mata niya. Tila natuyo na yata. Nakatayo lamang siya doon at pinapanood kung paano makipaghalikan sa ibang babae ang asawa niya.
Tahimik niyang tinalikuran ang mga ito at tinungo ang elevator. Humahangos pang lumapit sa kaniya si Clarylaine na may apologetic na expression na para bang alam na nito ang nakita niya. Mapait lamang siyang ngumiti dito at nilampasan na ito. Wala na yata siyang lakas para magsalita at umiyak pa.
Imbes na umuwi ay nagpahatid sementeryo kung saan nakalibing ang kapatid niya.
“A-angela..” bulong niya at hinaplos ang lapida ng nakababatang kapatid. “Pagod na yata ako. Pagod na pagod na. Sasamahan na kita dyan, pangako. Hintayin mo lang ako,” tumulo ang luha na kanina ay ayaw lumabas mula sa mga mata niya. Ang sakit sakit ng puso niya at para bang gusto nang sumabog niyon. “Hintayin mo lang si ate.. Pangako, pagbabayarin natin ang walang hiyang asawa ni mama sa ginawa niya sayo. Pagkatapos ay sasamahan na kita dyan.”
Humiga siya sa damuhan ng puntod nito at doon inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Dapit hapon na ng umalis siya mula sa sementeryo. At dahil mabagal ang jeep na nasakyan niya pauwi ay mag-aala sais na ng gabi siya nakarating ng bahay. Ayos lamang naman iyon dahil sigurado naman siyang hindi uuwi ang asawa niya dahil na business trip kuno ito kasama ang babae nito.
Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng makita itong nakatayo sa may hamba ng pinto at madilim ang mukha. Tila hinihintay siya nito at mukhang galit na naman ito sa kaniya.
“Where the hell have you been, Remira!” his angry voice filled the entire house as soon as she stepped her feet inside it. She sighed. Wala na talaga siyang lakas makipagtalo dito. Gusto na lamang niyang matulog dahil mahapdi na din ang kaniyang mata.
“Kumain ka na ba?” tanong niya sa halip na makipag- away dito. Confusion is written all over his face. Tila wala sa sarili itong umiling iling sa kaniya. “Sige magluluto lang ako,” at madali niyang tinungo ang kusina. Ayaw na muna niyang makita at makipagbangayan dito dahil naalala lamang niya ang nakita niya sa opisina nito.
Nasundan na lamang ni Edward ng tingin ang asawa nang pumasok ito sa kusina. Kanina pa siyang alas- singko nakauwi at bahagyang nagulat nang makitang wala doon ang asawa niya. Ngayon lamang iyon nangyari dahil lagi niya itong nadadatnan tuwing uuwi siya, minsan ay nadadatnan pa niya itong natutulog na sa sofa.
May kung ano sa loob niya ang tila kinakabahan. Mabilis niyang tinungo ang kuwarto niya sa second floor at binuksan ang cabinet na ginagamit ng asawa niya. Tila nabunutan siya ng tinik nang makitang naroroon pa ang mga damit nito at maayos na nakatiklop.
Hmp. Takot ka din naman palang layasan ka ng asawa mo. Umismid ang isip niya.
“Shut the f*****g hell up,” pagka-usap niya sa sarili.
Muli siyang bumaba at pabalik balik na naglakad. Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Naiirita siya dahil ang pinaka ayaw niya ay yung naghihintay. Hanggang sa sumapit ang alas sais, madilim na ang langit. Nakita niya ang asawa niyang pumasok ng gate at muling isinara iyon.
Kinain siya ng galit. Dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya kung saan ito pupunta.
“Where the hell have you been, Remira!” sigaw niya dito nang makapasok ito sa kabahayan. Nagtataas baba ang dibdib niya sa sobrang galit. At nang hindi sumagot ang asawa niya ay marahas siyang bumaling dito.
Natigilan siya nang makitang sa sahig nakatutok ang mga namamaga nitong mata. Tila galing ito sa pag-iyak. E diba iyan naman ang gusto mo? Ang pahirapan ang asawa mo?
Ipinilig niya ang ulo. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Walang emosyon doon. Her eyes are hollow at hindi niya iyon mabasa. It’s not his wife. Kahit gaano pa niya ito sinasaktan, ngumingiti pa din ito na parang wala itong iniinda. Ganoon ito ka-martyr sa kaniya. So what happened now?
“Kumain ka na ba?” mahinang tanong nito. Her tone is tired and cold. At hindi niya iyon gusto. May kung ano sa loob niya ang gustong yugyugin ang asawa para bumalik ang emosyon sa mga mata nito. Wala sa sariling umiling- iling siya.
“Sige magluluto lang ako,” with that, dumiretso na ito sa kusina. Kumunot ang noo niya. Mamaya na niya ito kokomprotahin. Pumunta siya ng second floor at nag-asikaso ng sarili. Naligo siya at nagpalit ng pajama at white na t-shirt.
He’ll make sure na malalaman niya kung ano ang nangyari sa asawa niya at kung saan ito nanggaling.
----------------------------------------------------------------
#denial
Ladies and gentlemen, may nanalo na sa pagiging in denial king, presenting, Mr. Edward Lai!
Te, kung makakakita kayo ng ganto na nanghaharot sa mga jowaers niyo, wag matakot! Sugod mga kapatid dapat ang peg! hahahahahaha