Dumating ang araw ng Valentines Day at pumatak yun ng friday. Free style ang kasuotan pag friday kaya naman lahat ay naka-red tshirt. Kahit wala kaming suitors o boyfriends ay excitted kaming magkakabarkada pagpasok, syempre walang klase eh. Usapan namin maylalagay ng bandanang pula sa ulo para kakaiba sa lahat. Naka-short na maong at tshirt ako saka puting sneakers. Maliit na backpack lang ang dala ko dahil wala namang klase sa araw na yon kundi program lang.
Pagpasok palang ng school ay may nagtitinda ng mga maliliit na bulaklak na yung iba ay plastic lang naman at meron ding gawa pa sa papel. Mapapakanta ka nalang ng PAPER ROSES kahit ang tugtog sa malaking speaker ay THIS I PROMISE YOU ng sikat na boyband na N'sync. Nakaka-in love tuloy lalo. Feel na feel ang valentines, kung sana'y may ka-valentines ako.
May gayak ding mga puso at bulaklak saka lobo ang gate at nakabantay ang ilang CAT student don. May ibinibigay silang pulang puso, raffle daw yun kaya isinuksok ko sa bulsa at baka manalo pa.
Naglakad na ako patungo sa classroom namin. Doon kase ang usapan naming magkakaibigan na pagkikitaan. Habang tinatahak ang daan ay nakita ko ang ilang eatudyante na nagliligawan sa kiosk kasama pa ng mga barkada nila. Nadaanan ko rin ang ilang booth na ginawa ng mga student council. Taon-taon naman ay ganon pag Valentines pero lagi na ay excitted ang lahat doon.
Ang isa sa pinaka-sikat na booth ay ang Marriage booth kung saan pwedeng ikasal kunwari ang mga mag-partner. Meron ding Cell booth of love kung tawagin na kinaiinisan naming magkakaibigan. Paano'y bigla nalang nanghuhuli ang mga student council at dati nang nakulong doon si Michelle na ang tanging pwedeng mag-pyansa lang ay yung may crush sa kanya. Ayun maghapong nakakulong ang kaibigan namin pero walang nag-pyansa sa kanya at hindi daw kami pwede. Inis na inis tuloy ang babae dahil di namin sya nakasama sa lakwatsa. Kaya mamaya ay talagang tatakbo ako at di magpapahuli para di makulong. Mapapahiya lang ako kapag walang nag-pyansa sa akin.
Dumeretso ako sa classroom at naroon na silang lahat. Kay aaga pag may program pero laging late pag may klase. Ayos din ang mga ito.
"Vivian ang tagal mo, kanina kapa namin hinihintay." Ani Katness.
"Nagpatuyo pa kase ako ng buhok para ma-itirintas ni Mama." Sagot ko saka naki-umpok sa kanila. Nagawa sila ng card?
"Oh ayan gumawa ka nang sayo, may ballpen pa ako dito." Sabi ni Michelle.
"A-ano naman ito?"
"Gawa ka ng love letter at ihuhulog natin sa box. Mamaya babasahin sa stage yun. Chance na nating umamin kay Crush." Sagot nito.
"Hala ayoko nga. Nakakahiya." Tanggi ko.
"Di mo naman isusulat ang name mo tange!" Si Daril.
"Oo nga saka di pwedeng dika maghulog doon, kase lahat kami maghuhulog." Ani RoseAnn. Napatitig tuloy ako sa mukha nito.
"May make up ka?" Nanlalaki ang matang tanong ko kay RoseAnn. Tumawa lang ito saka nag-pout ng lips pa sa amin.
"Nilagyan ako ni Ate para maganda. Oh diba? Mapapansin na ako ni Joe."
"Ay nangarap ang lintik!" Buska ni Daril kaya natawa kami.
"Magsulat kana dali at malapit nang mag-flag ceremony. Simula na yon ng Valentines Party kaya dalian mo na." Untag sa akin ni Michelle.
Napilitan akong makisulat narin. Si Analuna na pinakatahimik sa amin ay nakita kong nagiisip pa ng isusulat. Lahat naman kase kami ay may kanya-kanyang crushes. Pero ano kayang naisipan ng mga ito at kailangan pang gumawa ng love letter eh di naman kami mapapansin ng mga iyon kahit sulatan pa namin. Pero dahil one for all, all for one ang motto naming magkakabarkada ay sumulat narin ako. At si Ken ang nakikita ko habang ginagawa yon.
"Smile before open." Nakangising saad pa ni Katness matapos isara ang letter nya.
"Pabasa muna." Kulit dito ni Daril.
"Ayoko nga, mamaya gayahin mo pa." Tanggi ng babae.
"Hoy wag kayong maingay, diko malaman ang isusulat." saway ni RoseAnn sa dalawa.
"Ano ngang english sa kinikilig ako?" Tanong naman ni Michelle kay Katness na syang katabi nito.
"Malay ko, sa math lang ako magaling. Basta ang I love you ay 143." Sagot ng kaibigan.
"Ang english sa kinikilig ay wiwi. I wiwi everytime i see you." malokong sagot ni Daril na ikinatawa namin.
Di tuloy ako makapag-focus sa pagsusulat dahil sa kalokohan ng mga ito. Si RoseAnn ay nakuha pa ng mga pasabog na words sa pocketbook nya.
"Tingnan nyo ito, tall, dark and handsome daw. Kaya ilalagay ko sa letter yon para kiligin sya." Wika pa ni RoseAnn.
"Tanga nito, Di naman tall si Joe ah?" Si Michelle.
"At lalong di Handsome. Dark lang talaga hahaha." Hagikgik ni Katness. Pinagpapalo sila ng pocketbook ni RoseAnn.
"Paki nyo ba? Ang papangit din kaya ng mga crush nyo. Si Vivian naman suntok sa bwan ang ginusto."
"Wapakels." Sabi ko saka tiniklop na rin ang pulang papel. Nilagyan ko rin syempre ng smile before open.
Sabay-sabay pa kaming naghulog non sa box na malapit sa stage. Nagkakantyawan pa kami habang ginagawa yon.
"Balita ko naghulog ng letter si Ken kanina."
Natigil ang aming tawanan ng marinig ang usapan ng mga freshman. Agad yon tinawag ni Michelle.
"Ano yung pinag-uusapan nyo? Naghulog si Ken dito ng letter?" Di makapaniwalang tanong ni Michelle sa mga ito.
"O-oo, kitang-kita ng lahat. Tiyak na para yun kay Lucille dahil may nakakita sa kanilang naguusap sa kubo noon."
Sabay-sabay pang tumingin sa akin ang mga kabarkada. Nasasaktan man ay kibit balikat nalang ako sa kanila. Parang gusto kong bawiin ang sulat sa box.
"Ganyan talaga Vivz, nagka-crush ka sa pogi eh. Tiis-sakit nalang." Akbay pa sa akin ni Katness.
"O-Okey lang." Ang sagot ko kahit ang sakit grabe!.
Nang magsimula ang program ay kanya-kanyang umpukan na ang mga estudyante. Natanaw ko pa si Ken kasama ng mga ka-team nito. Naka blue Sando ito at short. Galing pa yata sa practice, sila lang kase ang di naka-pormado. Mabuti nalang at um-attend sya.
Si Ken ang pinaka-gwapo sa lahat. Kahit saan ito naka-pwesto ay alam ko. Maaring para sa mga kaibigan puppy love o crush ko lang ito pero para sa akin. First love ko sya. Hindi ko man alam kung ano yung love dahil bata pa kami ngunit sa puso ko-isinisigaw ko na mahal ko si Ken. Kung nagmamahal na nga ba akong tunay sa edad na yon.
Natigilan ako mula sa pagkakatitig sa binata ng gumala ang tingin nito at humantong yon sa akin. Muli kong naramdaman ang mabilis na pintig ng aking puso lalo na nang tanguan nya. Naiilang akong gumanti ng tango.
"What is love? Love is when two people start noticing each other and feel the heart beat faster." Matalinghagang sabi ni Analuna kaya napatingin ako sa babae.
"Ano naman yan Analuna? Para kang sumusumpa dyan. Sana ikaw nalang yung nagpanatang makabayan kanina." Komento ni Daril kaya natawa ang iba pa. Makahulugan lang kaming nagkatinginan ng babae.
Malakas na naghiyawan ang mga estudyante ng magsalita ang MC na teacher na silahis na si Sir Bien. Nagbigay ito ng ilang paalala tungkol sa program bago nagsimula ang love letter program. Naroon ang presidente ng student council na syang taga basa. Taga isang sulat ay tumitili ang mga estudyante. Halos lahat ay si Ken ang tinatawag sa stage dahil sa dami ng nagpadala ng love letter at cards dito. Habang may music background na VALENTINES.
"Grabe ang dami mong karibal Vivian. Nabasa na ba ang iyo?" Bulong sa akin ni Michelle.
"H-hindi pa." Namumula kong sagot. Nanliliit ako tuwing tatawagin sa stage si Ken para ibigay ang letter dito. Sila ni Lucille ang may pinaka-maraming na-recieve na letter.
"Ito naman ay galing kay Ms. Pretty Girl ng Junior section Isaac Newton-- Hi crush, bilog man ang buwan ay handa parin akong magpabilog ng ulo sayo. Magkita tayo sa puno ng acasia pagkatapos ng program ha?"
Lumakas ang tawanan namin nang ituro nila si Katness. Alam kase namin na lagi itong nakatambay sa may puno ng acasia kaya malamang sya iyon lalo at para kay Cris ang letter. Third year din pero sa kabilang section. Naku kinakabahan tuloy ako kapag binasa na yung akin.
"Cris mamaya daw sa may acasia ha!" Sigaw ni Michelle na ikinatawa ulit namin. Kantyawan tuloy ang mga barkada ng lalaki.
Hindi ko magawang tumingin sa mga ito dahil nahihiya ako kay Ken na lagi kong nasasalubong ang tingin. Kung ako lang ay assumerang palaka ay iisipin kong may gusto din ito sa akin. Pero malamang sa alamang -- wala.
Nang muling magpatuloy ang pagbabasa ng letter at mapili na ang akin ay lihim akong nataranta pero pinilit kong di magpahalata.
"Next letter is for Ken Gillermo Again. Dearest Ken-- I'm not a Barbie but i can be your doll. We're not living in a fantasy world but i always dreaming of you-- I don't believe in fairy tales but my Prince charming i wish is you. Love is not blind cause when i fall in love i saw you.--from Chaka Doll."
"Wahahahaa.." Hagalpak ng tawa ang mga naroong estudyante. Pinakamalakas ang kina Michelle. Kaya ko nga in-english para di nila ma-gets na sa akin galing. Bahala ng mali basta maitago ko na sa akin yun galing.
Muling nag-iritan ang mga tao nang kunin ni Ken ang Mic at nagsalita doon.
"Thank you Chaka doll." Nakangising sabi nito na ikinakilig ng mga estudyante.
"OMG sino bang Chaka Doll yun? Ipapa-tumba natin kay Chukie." Sigang wika ni Daril.
Pero nang mga sandaling yon ay wala na akong pakialam sa paligid dahil nakatitig ako kay Ken na matiim ding nakatitig sa akin.
***