Nang matapos ang bigayan ng sulat ay in-anunsyo na ang pagsisimula ng mga booth. Ang ibabayad daw doon na limang piso hanggang bente pesos ay lilikumin at gagamitin ng student council sa pagpapaganda ng school garden.
"Naku maiwan ko na kayo, pupunta daw si Cris sa may puno ng acasia eh, mukang magkaka-love life na ako bago magtapos ang pasukan." Kinikilig na paalam sa amin ni Katness.
"Hoy wag kang maglalandi!" Pahabol na sigaw dito ni Daril.
"Ako naman ay kailangan ni Maam Capre sa faculty. Wala naman akong ka-Valentines kaya tutulong nalang ako doon." Paalam din ni Analuna.
"Hala anong nangyayari? Bakit parang watak-watak tayo ngayong taon sa Valentines?" Reaksyon ni Michelle nang kami nalang apat ang naiwan.
"Ganon talaga, mag-boyfriend kana rin." Si RoseAnn. "Basa nalang ako ng pocketbook sa room at baka may mag-posas lang sa akin at ikulong ako sa Cell Booth." Sabi pa nito kaya kami nalang tatlo ang naiwan.
Nadaanan namin ang Marriage booth pero may takip ang mga bintana kaya di kita ang nasa loob. Natigilan lang kami ng matanaw si Ken na naka-posas gayon din si Tres o Lucille.
"Tabi kayo ikakasal namin ang dalawang ito." Sabi ng student council .
Blangko lang ang mukha ni Ken samantalang si Tres ay tila gustong-gusto ang nangyayari. Bago pa ako makita ng binata ay nagtatakbo na ako palayo doon dahil sa sakit na nararamdaman. Iniwan ko ang mga kaibigan at naghanap ng pagtataguan para ilabas ang sama ng loob.
Doon sa likod ng stage ako nagmukmok. Naupo ako sa damuhan at tahimik na yumupyop sa mga brasong nakapatong sa tuhod. Selos na selos ako at nakakahiya dahil wala naman akong karapatang magselos. Kaya lang ang sakit talaga eh. OA na kung OA ang naging reaksyon ko kanina. Gustong-gusto ko kase si Ken at ilang buwan nalang ay wala na sya sa school kaya sobra akong apektdo. Bakit sila ikakasal ni Tres? Ibig bang sabihin non ay may pagtingin sila sa isa't-isa?
Nang mag-angat ako ng tingin ay naroon na sila Michelle at Daril.
"Hoy bruha ka, bakit may pa-walk out ka kanina?" Tanong ni Michelle at nakiupo sa tabi ko.
"Wag mong sabihin na selos to the Max ka kay Tres?" Si Daril.
Nagulantang pa ang dalawa ng bigla akong umiyak ng malakas. Napanganga ang mga ito sa pag-ngawa ko.
"Ay sya malala kana bruha ka." Komento ni Michelle habang pigil ang ngisi ni Daril.
"K-kase gusto ko talaga si Ken eh. Mahal ko sya at kahit pagtawanan nyo ako wala akong pakialam." Saad ko sa pamamagitan ng mga hikbi. Sa halip na damayan ay nag-apiran pa ng kamay ang dalawa.
"Nagseselos ka kay Lucille no?" Tila siguradong tanong pa ni Daril.
Para akong tangang tumango sabay pahid ng luha.
"Bakit kase ang ganda nya? Ang dami-dami naman nyang magugustuhan na gugustuhin din sya ay bakit si Ken pa? Kainis."
Muli akong tinawanan ng mga kaibigan.
"Tumayo kana nga dyan, para kang tanga." Si Michelle.
"Ayoko, dito muna ako at nakakahiya kung sa tapat pa ng marriage booth ako aatungal."
"Hahaha ay tanga ka talaga, ano ka nabuntis ni Ken na naghahabol sa simbahan?" Buska ni Daril.
"Mahal ko nga, as in mahal na mahal." Mariing bigkas ko.
"Maagang lumandi ang isang 'to." Ani Michelle.
"Wag ka ng magmukmok, di naman natuloy ang kasal-kasalan"
Napa-angat ako ng mukha dahil sa narinig kay Daril.
"Ha?"
"Oo umalma si Ken kase di naman daw sya nag-request ng kasal kay Tres, si Marlon daw. Akala lang ng mga ito si Ken dahil kalat na may something sa dalawa. Eh mukha namang walang gusto si Ken kay Tres."
Natigilan ako sa narinig. Biglang naglaho ang sama ng loob ko at nakadama ng tuwa. Yes!
"Kaya umayos ka dyan at para kang iniwan ng boyfriend. Ayusin mo yang mukha mo, ang pangit mong umiyak." Panlalait pa ni Daril na ikinatawa naming tatlo.
Nakangiti na akong tumayo saka pinagpag ang puwitan ng short na suot. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Nagkakatawanan pa nga kaming tatlo nang lumabas sa likod ng stage pero nagulat kami ng bigla ay nakita namin ang mga nang-poposas sa Cell booth of love.
"Putik na yan tayo pa yata ang huhulihin, ayoko nang mabulok maghapon sa kulungan na yon. Tara na takbo!" Sigaw ni Michelle.
Nataranta ako kaya nakitakbo narin at napatili pa kami ng habulin kami ng dalawang Senior student. Kung saan-saan kami napadpad hanggang magkahiwa-hiwalay. Namalayan ko nalang na ako nalang mag-isa ang hinahabol nila.
Aba't napakaloko ng mga ito. Dami-daming pwedeng ikulong ay ako pa. Di naman ako sikat sa school kaya anong mapapala nila? Sa pagliko ko ay bumangga ako sa matigas na dibdib. Nang mag-angat ako ng tingin ay ganon nalang ang bilis ng t***k ng aking puso ng makitang si Ken iyon. Matagal kaming nagkatitigan.
Kaya lang bago pa ako makapagsalita ay may naglagay na ng posas sa pulsuhan ko.
"Isa talaga sa tropa nyo ang kailangan namin. Tiyak na maghapon ka sa Cell Booth of Love--unless may secret admirer ka." Nakakalokong sabi pa ni Jonjon.
"Pogi mo naman para sabihin yan. Tirisin ko ang tigyawat mong hinog eh." Sabi ko saka ito inirapan. Ipahiya ba naman ako kay Crush? Buti tuyo na ang pimples ko.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa mga ito. Napawisan pa tuloy ako sa pagtakbo. Pinapasok nila ako sa kulungan at nabigla ako nang makita doon si Tres. Bakas ang pagkainip sa mukha nito habang nakaupo sa plastic chair. Nanliit tuloy ako ng makatabi sya.
Ang ganda at ang bango nito. Wala akong makitang pangit sa hitsura ng babae. Naka-bestida pang kulay pula at ayos na ayos ang pagkakaipit ng clip sa buhok. Dalagang-dalaga na ito at may dede pa. Samantalang ako ay bago palang pinamumukulan. Ang liit kase e kainis.
"Hi!" Nakangiting bati nito.
"H-Hello." Nahihiya kong bati pabalik.
Lalong nakakahiya dahil nakasabay ko pa sa loob ang babae. Malamang maraming magkakandarapa para mapyansahan ito samantalang ako ay tiyak na hanggang maghapon na doon. Malupit na tadhana.
Gaya ng inaasahan, ilang minuto lang ay may pinapasok na ang mga bantay. Tanda na may magpa-pyansa na dito.
Ano pa bang inaasahan?
"K-Ken," Sambit ni Tres saka napatayo. Ako man ay napatingin din sa labas at nakita ko si Ken kasama si Marlon.
"May nag-pyansa na sa inyong dalawa."
Aba himala, crush ba ako ni Marlon at mukang sya ang nag-pyansa sa akin? Imposible namang si Ken. Binuksan ang selda at lumabas kami. Tumakbo agad si tres kay Ken kaya nakadama na naman ako ng selos.
"S-Salamat Ken." Nakangiting sabi ni Tres. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Iniwasan kong salubungin ang titig ng binata.
"Ah Lucille hindi si Ken ang nag-pyansa sayo kundi si Marlon." Sabi dito ng bantay.
Natigilan ako saka napatitig kay Ken. Maging si Tres ay natigilan at biglang namula ang buong mukha nito sa pagkapahiya.
"Oh Ken sayo na'to." Nakangisi pang sabi ng student council na si Boyet saka ako marahang itinulak.
"Thanks." Nag-high five pa ang dalawa.
Hindi ko alam kung paano magre-react ng mga sandaling iyon. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong pumunta ng CR para doon ilabas ang sobrang kilig. Totoo ba ito? Anong ibig sabihin ng pagpa-pyansa ni Ken? Alam ba nyang diretso kami sa Marriage booth pag ganon?
"Oh doon na kayo sa marriage booth, pa-rehistro na kayo don. Ken ito pala sukli mo." Sabi pa ni Boyet sabay abot ng pera sa lalaki.
Napayuko ako ng masalubong ang matiim na titig ni Tres. Bakas ang inis sa maganda nitong mukha pero di na nagsalita, saka padabog na sumama kay Marlon patungo sa Marriage booth.
"Let's go chaka doll." Nakangising bulong sa akin ni Ken na lalong ikinapanghina ng tuhod ko. Paano nito nalaman?
"Ken nasa loob pa sila Lucille. Sasabay ba kayo?" Tanong ni Pako na syang bantay sa Marriage booth.
"Mamaya nalang kami, oh isang daan yan kaya matagal kami sa loob ha."
"Oo ba, basta ikaw. Yan pala ang crush mo ha." Tukso pa nito sa lalaki.
Pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na yon pero di ko maitatangging napakasaya ko. Kung may tinatawag na feeling nasa heaven. Yun na yata ang nararamdaman ko.
Kung isa itong panaginip, ayoko nang magising basta kasama ko doon si Ken.
***