Totoo ba yon? Ikinasal kami ni Ken sa Marriage booth na yon? Na may singsing pa syang 925 silver na isinuot sa akin? Na nag-palitan kami ng i do's sa kunwaring pari na nagkasal sa amin? Peke man ang kasal na yon ay totoo naman ang singsing na ibinigay nya. Para akong nakalutang sa alapaap ng mga oras na yon. Isa sa pinaka-hindi ko makakalimutang sandali ng aking high school life.
"K-Ken isoli kona ito, mahal yata ito eh." Nahihiya kong sabi na nagmamadaling hinubad ang singsing.
"Iyo talaga yan Vivian, isuot mo na tanda na ikinasal na tayong dalawa." Aniya na ikina-maang ko sa lalaki. Anong ibig sabihin nito?
"P-Pero--"
"Ikaw si Chaka doll diba? Yung nagbigay ng letter sa akin." Tanong pa nito na ikinapula ng mukha ko.
"O-Oo Ken," naisip kong chance ko na yun para umamin sa binata. Bahala na. "Crush kita." Amin ko.
He smile. Lalong natunaw ang puso ko sa ngiti nyang iyon.
"Di ko alam yon ah, akala ko naka-focus ka lang sa pag-aaral mo saka sa mga kaibigan." Aniya.
Napayuko ako dahil sa sobrang hiya. Nauna pa akong umamin, tssk.
"P-Paano mo pala nalamang ako si Chaka doll?" Tanong ko nalang dito para itago ang pagkailang.
"Kase nung bata kapa takot ka sa manika sabi mo sa kuya mo chaka doll yun. Isa pa alam ko ang sulat kamay mo. Mahilig ka rin sa marker na kulay pink. At ikaw lang ang kilala kong naglalagay ng pirma sa sulat." Nakangisi nitong sagot.
"A-alam mo lahat ng yon?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Yup, inaalam ko lahat ng tungkol sayo Vivian." Seryoso ang mukhang wika ni Ken. s**t nasa heaven na nga ako.
"B-bakit?" Nagawa ko pang itanong makalipas ng ilang saglit.
"Bakit ba inaalam ng isang lalaki ang lahat ng tungkol sa isang babae?"
Hindi ako nakasagot. Basta sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Lalo na nang gagapin nya ang kamay kong kinaroroonan ng singsing na bigay nya.
Pagkatapos ng Valentines na yon ay umugong ang balita sa buong school na si Ken ay nanliligaw sa akin. Pati kay Mama ay nakarating yon. Wala namang reaksyon sila Kuya. Ang sabi lang ay dalaga na daw ako.
"Naku buti at kilala na natin, kaya kung sasagutin mo yang si Ken ay wala akong tutol, pero wag mo munang seryosohin anak, napaka-bata nyo pa." Saad ni Mama sa akin.
"Opo Mama, wala pa naman po sa isip ko ang magseryoso."
"Okey lang namang mag-nobyo basta unahin mo ang pagaaral."
Sumangayon naman ako sa ina. Ipinangako ko sa sarili na hindi ito bibiguin. At si Ken ay gagawin kong inspirasyon para maabot ang aking pangarap. Pero teka, totoo bang nanliligaw na sa akin si Ken?
Pagpatak ng lunes ay doon ako pinagtulungang interview-hin ng mga kaibigan. Habang nakaupo kami sa kiosk ay ikwinento ko sa kanila ang buong pangyayari at ipinakita ang silver ring na suot.
"Kakainggit ka Vivian." Reaksyon ni Michelle.
"Oo nga Vivz, akala pa naman namin nagbigay sya ng letter kay Lucille." Si RoseAnn.
"Hindi daw yun kanya. Ipinahulog lang daw ni Marlon dahil may practice pa ang mga ito." Paliwanag ko. Tilian muli ang mga kaibigan. Mas kinikilig pa yata sila kesa sa akin.
"Landi ni Vivian, baka magpahalik ka agad ha." Saad naman ni Daril.
"A-ano ba kayo?" namumula kong tugon. Hindi ko iniisip ang ganoong kahalay na bagay. Basta masaya ako pag kasama si Ken.
"Oh e paano na yan, di kayo ang partner sa Prom?" Tanong naman ni Analuna.
"Ewan ko lang, di naman nya ako inaalok pa."
"Understemate na yon no." Sabat ni Katness. Binatukan ito ni Daril.
"Ulol anong understemate? Baka understood. Bobo mo sa english."
Tawanan ulit. Natigil lang kami ng dumaan ang grupo ni Lucille. At tama ba ang nakita namin na iniirapan ako ng babae?
"Ang daming feelingera, ang tanong seseryosohin ba sya ni Ken?" Parinig ng kasama ni Tres nasi Nian.
"Tama, if i know pinaglalaruan lang sya nung tao." Sangayon ni Vanessa.
"Korek, Assumerang chaka."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Si Michelle ay halos tumirik ang mata sa galit.
"Pigilan nyo ako sasampalin ko nang isa ang mga yan." Anito.
"Go Girl, walang pipigil sayo." Taboy pa dito ni RoseAnn.
"Wag nyo nalang pansinin." Awat ko sa mga ito.
"May attitude din pala ang Lucille na yan. Maganda nga, atribida naman." Si Katness.
"Oo nga kasalanan ba natin kung si Vivian ang type ni Ken at hindi sya?"
Bigla nalang akong nakilala sa school na yon dahil kay Ken. At hindi lahat ay nasisiyahan sa balita. Dumami ang galit sa akin. May nag-vandalized pa ng name ko sa CR, Poste at ilang pader ng school na nagsasabi ng kung ano-ano tungkol sa akin. Na kesyo nilandi ko daw si Ken, meron ding pinapasakay lang daw ako ng binata. Masakit man sa loob ay tiniis ko nalang. Sa tulong ng mga totoo kong kaibigan ay tumatag ako. Kahit nakaka-stressed ang mga sinasabi ng iba. Lalo pa nga't may ilang lantaran kung magparinig sa akin.
Bahala na, basta mahal ko si Ken. Ang bigyan nito ng atensyon ay langit na para sa akin.
Kinabukasan, hindi ko alam na lalapitan ako ni Ken sa kinauupuan kong concrete bench malapit sa canteen. Ayun na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Alumpihit ako sa kinauupuan sa sobrang pagkailang na may kasama syempreng kilig.
"May laro kami sa ibang school, baka isang linggo akong wala dito. Pero tanaw naman kita sa inyo kaya okey lang." Aniya.
Napatingin ako sa binata. Isang beses palang itong pumunta sa amin pero di naman sya nagsabi kay Mama kung manliligaw o ano. Tumambay lang sya sa sala namin. Ewan ko kung ligaw na yun. Kilig na kilig ang Mama ko eh.
"B-Bakit ka nagpapaalam?" Yun ang nanulas sa labi ko. Gusto ko lang malinaw ang punto ng binata. Gusto kong matiyak kung may dapat ba akong ikakilig o wala. Kase medyo malabo pa sa amin ang lahat.
Nang tingnan ko sya ay nakatitig sya sa akin. May ilang nadaang estudyante ang napapalingon sa amin pero na kay Ken lang ang buong atensyon ko.
"Baka kase ma-miss mo ako. JS prom na tayo magkikita eh." Nakangising aniya.
Namula tuloy ako. Last game na nga pala nila sa basketball game. Graduating na kase sila.
"Tiyak yun Ken." Sagot ko kahit nahihiya.
Muntik pa akong mapalundag ng hawakan nya ang kamay ko.
"Partner tayo ha pwede?" He asked.
Lalo akong napatitig sa kanya. Ang gwapo ni Ken. Ang linis manamit at ang pormang magdala ng sarili. Alam kaya nyang pangarap ko talagang maging kapareha nya sa JS prom?
"S-sige kung wala ka pang partner ay tayo nalang."
Narinig ko ang may tunog nyang tawa. Wala nang salitang namagitan sa amin pero yung mga kamay namin nanatiling magkahawak.
Nang sumunod ngang lunes ay nawala sila Ken sa school para sa laban ng basketball. Medyo nakakalungkot pero nangako naman syang magkikita parin kami sa tapat ng bahay namin twing hapon kaya masaya parin ako.
Naging topic ang tungkol sa JS prom. Laging nagkaka-ingay ang buong klase tungkol dito at lagi na ay may practice ng cotillion twing hapon. Sumabay pa ang mga project namin sa pagtatapos ng klase.
"Kainis naman, ang pangit ng partner ko sa dance. Ang baho pa ng hininga." Reklamo ni Michelle na tinawanan namin.
"Buti yung akin okey naman, masyado lang pandak." Sabi naman ni RoseAnn.
"Sinong partner mo sa sayaw Vivian?" Tanong sa akin ni Katness.
"Si Bren. Okey naman sya." Kibit-balikat kong sagot.
"Eh yun pinaka-partner mo si Ken ba?" Si Michelle.
"O-oo sabi nya." Nahihiya kong amin na ikinatili ng mga ito.
"Ay ibang level na talaga ang kaibigan natin. Pa-ice tubig ka naman!" Kantyaw ni Daril.
"Kayo naba?" Tanong ni Katness.
"H-hindi pa."
"Sagutin mo na agad pag nanligaw para may boyfriend kana." Sulsol ni RoseAnn. " tapos ikwento mo sa amin kung anong feeling."
"Ano? Sira ka talaga." Sabi ko.
"Oo nga Vivz, magpahalik kana rin at ikwento mo rin sa amin kung masarap." Wika ni Daril sabay halakhak.
"Masarap yun, si Ken pa?" Ani Michelle.
Tawanang malakas.
"Oi Analuna may sagot kana ba sa assignment natin sa science? Pakopya.!" Pagkuway sabi ni Daril kay Analuna.
"Meron na, di kaba gumawa?"
"Lahat kami di pa nakakagawa , pa-kopya."
Kanya-kanyang labas ng notebook ang mga kaibigan. Buti may gawa na ako.
"Hoy wag nyong gusutin ang notebook ko." Sigaw ni Analuna sa apat na nagaagawan ng kanyang kwaderno na may dried petals pa sa loob ng plastic cover.
"Ano to D or B?" Tanong pa ni Daril.
"D as in Dog."
"Okey ang pangit kase ng sulat mo, di maintindihan."
Oh diba? Sila na nga ang nakopya ay makapanlait pa ng sulat?
Kinabukasan naman ay topic sa classroom ang gown na inarkila ng mga kaklase ko at yung iba ay bili pa. Ako man ay sariling bili ni Mama ang gown. Excitted ito dahil solo akong babae kaya sya daw ang mag-aayos sa akin.
Nanahimik lang ang klase ng pumasok si Mrs. Capre.
"Ang ingay nyo, puro nalang kayo JS prom. Get one fourth sheet of paper!" Masungit nitong anunsyo. Napa-hayss nalang kaming lahat pero di kami makapagreklamo.
Patay! wala pa naman akong papel. Dina ako bumili dahil akala ko wala ng quiz at malapit na ang JS. Panira talaga si Maam.
"Pengeng papel Vivian." Bulong sa akin ni Katness.
"Wala din ako."
"Oy pengeng papel."
"Iisa na ito." si RoseAnn
"Gawa nalang kayo, gamitin nyo rin laway nyo para me silbi." Nakangising wika ni Daril.
Narinig namin ang stick ni Maam.
"One!!" Senyales nito.
"Putek pengeng papel!" Paiyak nang sabi ni Katness lalo na at nagbigay na ng tanong ang maestra.
***