Chapter Seven - First Love, First Kiss

1627 Words
Sumapit ang JS Prom. Isang kulay Pink na gown ang suot ko na binagayan ng pink ding doll shoes. Dahil marunong namang mag-make up ang Mama ko ay sya na ang nag-ayos sa akin. Itinaas nya ang buhok ko at nilagyan ng spraynet saka iniwanan nya ng ilang hiblang palawit. Manipis na make up lang ang inilagay sa labi ko. Halos diko makilala ang sarili sa salamin. Gandang-ganda si Mama sa akin. Syempre nanay ko eh. "Vivian nasa baba na si Ken." Sigaw ng kuya ko mula sa labas ng kwarto. Tumahip sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko kase akalain na susunduin pa ni Ken sa bahay. Matapos kase nilang ipanalo ang laro ay may nag-offer daw kay Ken ng scholarship sa isang unibersidad sa maynila kaya naging busy ito at ngayon ko lang ulit sya makikita. Kaya naman ganon nalang ang kaba ng dibdib ko pagkarinig sa pangalan ng binata. "Oh bumaba kana Vivian at baka mainip si Ken." Sabi ni Mama. "O-okey naba ang hitsura ko Ma?" Kinakabahang tanong ko habang nakaharap sa salamin. "Oo anak maganda kana." Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng silid. Nakita ko agad si Ken na nasa sala namin. At nang humarap sa akin ang binata ay pinigilan kong mapatulala sa sobrang paghanga ng makita ang kakisigan nito sa suot na tuxedo style na damit. Kulang ang salitang gwapo para sa kanya ng mga oras na yon. Ngumiti pa sya ng makita ako kaya lumitaw ang isa nyang dimples. "Maganda ka." Aniya na ikinapula ng pisngi ko. "S-salamat, ikaw din." Nahihiya kong sagot. "Ha? Maganda din ako?" "Hindi--ibig kong sabihin ang pogi mo." Naku anu ba yan? Para namang masyadong maharot yun. Tumawa tuloy si Ken saka sya nagpaalam sa Mama ko at kina Kuya. "Hoy Ken ihatid mo ulit yan dito ha?" Birong banta pa ng isa kong kapatid sa kanya. Sumakay kami sa pedicap na sinadyang arkilahin ni Ken. Alam nyo yung walang paglagyan na kaligayahan? Ganon na ganon yung pakiramdam ko habang katabi for the first time si Ken sa pedicab. Malapit lang naman ang school pero gusto ni Ken na sumakay kami dahil di daw bagay kung maglalakad ako ng naka-gown. Lalo tuloy akong na-in love dito. Pagkadating namin ay marami na ang naroong mga estudyante. Agad kong natanawan ang mga kaibigan. Sinigawan nila ako kaya bahagya kong hinila si Ken palapit sa kanila. "Ken ang pogi mo, pa-kiss!!!" Kinikilig na biro ni Michelle. Naka cocktail dress ang babae na kulay yellow at may chance na mag-best in gown mamaya sa ganda ng tela. "Vivian pahiram kami mamaya kay Ken, isang sayaw lang baka mapansin ng camera!" Biro din ni Daril. Naka simpleng gown ito na kulay cream. Si Katness ay red ang suot na may slit sa tabi ng hita. Gayon din ang kay RoseAnn at si Analuna naman ay puti. Kwentuhan muna kami habang hindi pa nagsisimula ang Ball. Nagpaalam muna sa amin si Ken para puntahan ang mga kabarkada nito. Nang makalayo ang binata ay tinadtad ako ng tukso ng mga kasama. "Dahil sa kalandian mo Vivz, sa atin nakatutok ang atensyon ng lahat." Ani Analuna. "Oo nga, pa-help naman." Sabi pa ni Daril. "Ha?" "Tulungan nyo akong buhatin ang hair ni Vivian. Ang haba eh hanggang doon sa labas ng gate. Baka matapakan." Tawanan ang lahat. Napakasaya ko at parang ayoko ng matapos ang Prom na yon. Lalo na nang magsimula ito at maghawak kamay kami ni Ken sa entrance para sa pagpapakilala. Ni sa panaginip ay diko akalaing magiging first dance ko si Ken. Yung kamay ko sa balikat nya at yung kanya sa bewang ko, yung titig nya sa aking mga mata habang nagsasayaw kami sa gitna kasama ng lahat ng mga pares doon. Here we stand today Like we always dreamed Starting out our live together Light is in your eyes Love is in our hearts I can't believe you really mine forever Been rehearsin' for this moment all my life So don't act surprise If the feelings start to carry me away On this day I promise forever On this day I surrender my heart Here I stand, take my hand And I will honor every word that I say On this day Habang magkahinang kami ng mga mata ni Ken ay naroon ang di maipaliwanag na kilig at tuwa sa dibdib ko. At nasabi ko sa sarili na mahal ko talaga si Ken. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta kami ni Ken. Not so long ago This earth was just a field Of cold and lonely space Without you Now everything's alight Now everything's revealed And the story of my life Is all about you So if you feel the cold winds Blowing through your nights I will shelter you I'm forever here to chase your fears away On this day I promise forever On this day I surrender my heart Here I stand, take my hand And I will honor every word I say On this day Hindi ko naman paborito yung kanta ni David Fomeranz pero naging memorable sa akin yun nang gabing yon dahil kay Ken. Dahil sa kanya naging special ang JS prom ko. Pagkatapos ng cotillion ay nagkayayaan kami kasama ng mga kaibigan ko at partner nila saka ilang kaibigan ni Ken na magtungo sa burol na nasa likod ng paaralan. Lumiban kami sa bakod na alambre para makarating doon at nagtawanan pa ng mapasabit ang gown ni Daril nung lumiban sya. Doon kami nag-umpukan sa burol na sinasabi ng lahat na may multo daw at dating sementeryo. Pero kakatwang wala manlang kaming naramdamang takot ng mga sandaling yon. Sa gitna ng dilim ay ramdam ko ang kamay ni Ken na nakahawak sa kamay ko, paminsan-minsang pumipisil doon. Wala naman kaming ginawa sa burol kundi tumambay at nagkwentuhan hanggang madaling araw. Hangga't may naririnig kaming tugtugin mula sa mobile ng school ay di kami aalis doon. Sa puso ko'y hinihiling kong sana'y wag ng matapos ang gabing yon. "Punta tayo don Vivian." Bulong sa akin ni Ken. Tiningnan ko ang kanyang itinuro, medyo malayo yun sa kinaroroonan ng grupo pero wala akong nadamang pagtutol at sumama sa kanya. "Vivian sumigaw ka lang pag kailangan mo ng tulong hahaha!" Sigaw ni Daril na may kasama pang halakhak. Nahihiya man ay sumama parin ako kay Ken. Ganon yata talaga pag in love, buo ang tiwala mo sa taong mahal mo. Naupo si Ken sa may damuhan ay nilatagan nya ng panyo ang tabi nya saka ako inayang maupo doon. Sinunod ko naman ito at magkatabi kaming tumanaw sa ibaba. Kung saan may ilang ilaw na mula sa mga bahay sa kabilang bayan. "Alam mo bang may daan dito patungo sa atin? Medyo madilim nga lang pero mas malapit pauwi." Aniya. "G-ganon ba?" Nasabi ko nalang. Paano'y ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga sandaling yon. Lalo na nang hinubad nya ang coat at isinampay sa balikat ko. Alam kaya ni Ken kung gaano ako kasaya ng mga sandaling yon dahil sa kilos nya? "Vivian, alam ko bata pa tayo pero gusto kong sabihin sayo na gusto kita. At handa akong maghintay kung kelan pwede na." Seryoso ang tinig na wika ni Ken. At kahit madilim sa kinaroroonan ay napatitig parin ako sa binata. "K-ken, gusto rin kita." Tapat kong tugon. Ngumiti sya sa dilim, kinuha nya ang isa kong kamay at dinala sa kanyang labi. Lalong nagkandabuhol ang t***k ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang kilos na yon ni Ken. Lalo na nang haplusin nya ang pisngi ko. Siguro ay pareho lang kami ng nararamdaman dahil halos marinig ko ang kabog ng dibdib nya. "I love you Vivian." He whispered and before i realized. Nailapat na nya ang labi sa akin. Para akong naestatwa sa kinauupuan. Inilayo na nya ang labi sa akin bago ko pa napagtagni sa isip ang nangyari. Hinalikan ako ni Ken. First kiss ko si Ken. At hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yon sa buhay ko. Walang salitang namagitan sa amin pagkatapos non, pero magkahawak kamay kaming bumalik sa mga kasama. Hindi na yon naalis hanggang ihatid nya ako sa bahay namin. Hindi man maisatinig ay naiintindihan namin ang nais sabihin ng aming mga puso. Simula ng mga sandaling yon ay boyfriend ko na si Ken. Sobrang saya ko ng gabing yon. Pabali-balikwas ako sa higaan at di mawala sa utak ko ang halik ni Ken. Kaya kinabukasan ay puyat ako. Bumaba ako ng kusina ay tanghali na. At inuutusan ako ni Mama na dalhan ng ulam sila Ken. Agad akong nag-ayos ng sarili para pumunta doon. Kaya lang pagdating ko sa harapan ng bahay nila ay nakasalubong ko si Tres na palabas ng bakuran, kasama din si Ken na tila inihatid pa ang dalaga. Napatingin ako sa kanila. Si Tres ay sumimangot lang saka umalis habang si Ken naman ay nakangiti sa akin. "Tanghali kanang gumising ah, inisip mo ako kagabi no kaya napuyat ka?" Pabirong bati na ikinapula ng buong mukha ko. "Kanina pa ako gising, di lang nalabas. Eto nga pala ang ulam na bigay ni Mama." Wika ko. "Halika pasok na muna, nasa loob si Mama." Ayoko sanang pumasok pero napilitan ako. Gusto ko sanang tanungin si Ken kung anong ginawa ni Lucille sa kanila ngunit ayokong magmukhang nagseselos. "Isinoli lang ni Lucille yung notebook ko, kailangan na kase yun sa clearance namin." Aniya ng nasa loob na kami. Lihim akong natuwa sa narinig. Kahit papaano ay natutuwa ako at nilinaw ni Ken sa akin ang lahat kahit di pa ako nagtatanong. At least wala akong ibang iisipin tungkol sa nakita. Kaya lang hindi pala laging happy ang relasyon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD