Chapter Eight - First Heartaches

1509 Words
Sa nakalipas na mga araw ay naging masaya ako sa kaalamang mahal ako ni Ken. Lagi akong inspirado kaya ganado ako sa pagpasok sa eskwela araw-araw. Tinutukso na nga ako ng mga kaibigan, paano'y lagi akong nakangiti. Kahit madalang kaming magkita sa school ni Ken dahil busy ito sa matatapos nilang pagaaral ay lagi naman kaming sabay na umuuwi tuwing hapon. Naging usap-usapan tuloy kami sa buong school at mas ikinatuwa ko yun kahit na may ilang negatibong komento sa akin. Kaya lang isang araw, nilapitan ako ng barkada ni Tres kasama ang dalaga. Mag-isa lang ako ng oras na yon at hinihintay ang mga kaibigan na naiwan sa library. "Pwede ba kitang makausap Vivian?" Tanong ni Tres. Kasama nito sila Vanessa at Nian. Nagtataka man ay tumango nalang ako. Don kami nag-usap sa madalang ang nadaan ng mga estudyante, Sa tagiliran bahagi ng canteen. "Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin Lucille?" Tanong ko sa babae. "Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ka gusto ni Ken. Wag kang mag-feeling dyan dahil masasaktan ka lang pag nalaman mo ang totoo." Aniya. Natigilan naman ako sa narinig. "Ano bang ibig mong sabihin?" "Lumayo kana kay Ken habang maaga pa para naman hindi ka masyadong mapahiya kapag nalaman ng buong school ang totoo." "H-Ha?" Magsasalita pa sana si Lucille pero dumating na ang mga kaibigan ko at kasama nila si Ken. Tiningnan muna nya ako mula ulo hanggang paa bago naka-irap na umalis. "Vivian anong ginawa ng lukang yon sayo?" Tanong ni Michelle. "Oo nga parang inaway ka." Hula naman ni Katness. "Gusto mo resbakan natin? Tatlo silang sumugod sayo eh, ang dadaya." Wika naman ni Daril na itinaas pa ang laylayan ng kamay ng blusang uniporme. "O-okey lang ako, wala naman syang ginawa." Sabi ko na kay Ken nakatingin. Tila malalim ang iniisip ng binata. "Naku selos lang yun, Ken pakasalan mo na nga si Vivian para lalong umusok ang bumbunan ni Tres." Pabirong sabi naman ni RoseAnn. "Diba nga kasal na sila?" Si Katness. "Oo nga pala sa Marriage booth, ang tange ko talaga." "Ngayon mo lang nalaman?" Buska ni Daril. Nagtawanan pa ang mga ito maliban sa akin. Naiisip ko kase ang sinabi ni Lucille pero nawala yun nang magsalita si Ken. "Pagka-graduate nyo ng college pakakasalan ko na ng totoo ang kaibigan nyo." Nakangiting saad ni Ken na ikina-tigagal ko. Hiyawan ang tropa. Muntik pa akong mapahandusay ng mapalakas ang tulak ni Daril sa akin. Buti nalang at naalalayan ako ni Ken. "Anong meron?" Tanong ni Analuna na kadarating lang hawak ang maraming libro. "Huli kana sa balita may nag-propose na!" Nakabungisngis na sagot ni Michelle. Muli silang nagtawanan habang ako'y mapulang-mapula ang mukha. Nang mag-recess ay diko akalain na sasabayan ako ni Ken. Nakahalata naman ang mga kaibigan ko at sinadyang lumayo sa amin. Sa labas ng canteen kami naupo habang kumakain ng sandwich at soft drinks. "Vivian gusto ko sanang itanong kung anong sinabi sayo ni Lucille kanina?" Tanong ni Ken. "W-wala naman, hindi naman importante yon." Pagsisinungaling ko. Ayokong isipin pa ang sinabi ni Lucille. Ilang linggo nalang ay graduation na nila. Gusto kong sulitin ang nalalabing araw ni Ken sa school. Pag nag-kolehiyo na ito ay tiyak na madalang na kaming magkakasama. "S-Sigurado ka?" Nananantiyang tanong pa nito. Tumango ako. "Mahalaga ka sa akin Ken kaya ang sinasabi ng iba ay kaya kong balewalain. Sana lang ay wag mo akong sasaktan kase baka di ko kayanin." Nahihiya man ay nagawa kong isatinig sa kanya. Bumuntong hininga ang binata. "Mahal kita Vivian, at yung sinabi ko kanina? Totoo yun. Ikaw ang gusto kong maging asawa. Kaya ayokong may sisira sa nasimulan na natin." Napangiti ako sa narinig. Naramdaman kona naman ang di matatawarang kaligayahan dahil sa mga sinabi ni Ken. Kaya lang may kapalit pala ang mga iyon. Tatlong linggo bago ang graduation day nila. Kami naman ay halos wala ng ginagawa at nagko-kompleto nalang ng mga project para sa clearance namin pero araw-araw parin ang pasok. Sila Ken naman ay nagsimula nang mag-practice ng graduation ceremony nila. Pag wala nga kaming klase sa isang subject ay nanonood kaming magka-kaibigan. "Buti pa sila graduate na!" May inggit sa tinig na komento ni Katness. "E di sumabay ka kung naiinggit ka." Sabi ni Daril dito. "Kung pwede nga lang eh." "Pwede naman ah, sasabay ka lang naman." Hagikgik pa ng isa. Si Tres pala ang salutatorian. Si Ken ay nakakuha ng ikatlong parangal at dahil player ay marami syang medal na matatanggap. Nang araw na yon bago umakyat si Lucille para mag-ensayo sa speach nya ay tinitigan muna nya ako saka nakangising umakyat ng stage. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng titig nito pero biglang tumahip sa kaba ang aking dibdib. Bigla ay nabuhay ang sound system at may narinig kaming naguusap na tinig na tila walang malay na naririnig sila ng buong paaralan. "Nakaka-awa nga yung babae, pinaglalaruan lang ni Ken." "Oo nga eh, alam mo na? Gwapo kase, pero di tamang paasahin nya yung tao." "Saka nalang daw sya makikipag-break kay Vivian. pag tapos na ang pustahan nila ni Marlon." Para akong nahilo sa narinig. Ang mga kasama ko ay mga nagtigil bigla at pinakinggang mabuti ang usapan. Nanlaki ang ulo ko nang mabaling sa akin ang tingin ng lahat ng mga estudyanteng naroon. "Vivian." Ang nag-aalalang tawag nila Analuna. Ngunit nanlalabo na ang mga mata ko sa luha. Sa gitna ng mga nangyayari ay nakita ko si Tres na nakangising nakatingin sa akin, naalala ko ang mga sinabi nito kahapon. Yun pala ang ibig sabihin non. Hindi ko kinaya ang lahat, umiiyak akong nagtatakbo palabas ng paaralan. Ang gusto ko ay makauwi na agad ng bahay at umiyak sa aking kwarto. Sinaktan ako ni Ken. Ang lalaking una kong minahal. Bakit ako naniwala na gugustuhin nya ang isang tulad ko na halos wala sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Bakit ako nagpauto sa lalaki? Bakit nagpadala agad ako sa napaka-ikling panahon? "Vivian sandali, hintayin mo kami." Tawag nila RoseAnn sa akin ngunit tumakbo na ako ng mabilis pauwi sa aming bahay. Napahiya ako sa lahat, pinaglaruan lang ni Ken ang damdamin ko. Hindi yon pag-uusapan ng mga ka-team mate nya kung di totoo. Walang dahilan para magsinungaling sila. At kay Marlon pa mismo galing ang lahat. Umiyak ako sa aking silid. Impit lang ay pigil ang mapahagulgol kaya isinubsob ko sa unan ang mukha. Ilang beses akong kinatok ni Mama para mag-hapunan pero sinabi kong wala akong gana. "Vivian nasa labas si Ken, kakausapin ka daw." Sabi ni Mama ng muli akong katukin dakong alas-siete. "Pakisabi pong tulog na ako." Garalgal ang boses na tugon ko. Biglang binuksan ni Mama ang pinto kaya nakita nya ang mugto kong mga mata. "Anak kung ano man ang problema nyo ay pagusapan nyo ni Ken ng ayos." "W-wala po ito Ma." "Papunta ka palang, pabalik na ako. Kahit di mo sabihin alam kong si Ken ang dahilan ng pamumugto ng mga mata mo." Napahikbi ako sa narinig. Yumakap ako sa ina at doon umiyak. "Sobrang sakit Ma," Di ko napigilang sabihin. "Kasama yan sa paglaki Vivian." Sagot ni Mama na para bang alam na nya ang lahat kahit hindi ko sabihin. Ganon pala ang first love. Kung gaano kasaya nung una ay ganon din kasakit sa huli pag natapos na. Ilang araw pa ang lumipas, ilang beses akong tinangkang kausapin ni Ken pero di ko hinarap ang binata. Nagkulong ako sa bahay at dina pumasok ng school. Wala akong balita sa lahat. Napilitan lang akong pumasok nang clearance day na. Kailangan kong magpa-pirma sa mga guro. Dala ang maliit na bag na nagtungo ako ng paaralan. "Vivian!" Lumingon ako at nakita si Ken. Nagmamadali syang lumapit sa akin. "B-bakit?" Tanong ko sa kabila ng sama ng loob. "Vivian mag-usap tayo, bakit naman naniwala ka agad sa mga narinig mo?" May pagdaramdam din sa tinig nito. "Dahil walang dahilan para mag-sinungaling sila. sinaktan mo ako Ken at gusto kitang kasuklaman dahil don, Pero naisip kong may mali din ako. Naniwala kase ako na pwede mong magustuhan ang tulad ko." Sagot ko na pinipigilang mapahikbi ng mga sandaling yon. Sobrang sama ng loob ko sa lalaki. Ang sakit parin kase. "Vivian mahal kita, diba sinabi ko yan sayo? Bakit ayaw mong pagkatiwalaan ang sinabi ko?" Napatitig ako sa mga mata ni Ken at nakita kong napaka-lungkot non. Nakikita doon ang katapatan nya pero dahil nasaktan na ako ay wala na akong lakas ng loob na paniwalaan ang binata. Takot na akong muling magtiwala. Kaya naman tinalikuran ko na si Ken. "Vivian tandaan mong mahal kita. Maaring bata pa tayo pero alam ko sa sarili ko na ikaw na ang gusto kong makasama pagdating ng araw. Sana lang paniwalaan mo yun.! " ang malungkot nyang sabi pa na ikinatigil ko sa paghakbang. Totoo ba yun? Dapat ko ba syang pagkatiwalaan? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD