Chapter Nine - School Trouble

1533 Words
Sinalubong ako ng mga kaibigan sa na nasa kiosk. Nahihiya ako sa kanila dahil sa nangyari pero sinalubong ako ng mga ito at kinaladkad sa tambayan namin. "Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong ni Michelle na nandidilat ang mga mata. "Bakit di mo manlang kami hinintay nung tinatawag ka namin?" Tanong naman ni Daril. "Oo nga pati Mama mo sabi ayaw mo daw makipagusap." Wika naman ni Analuna. "K-kase--" "Dapat kinausap mo kami, para ma-resbakan natin yang Ken na yan." Si RoseAnn. Hindi ako makasingit sa sunod-sunod nilang tanong. Taga-bubuka ang bibig ko ay may magsasalita sa kanila. "Wag nyo nang isipin yon-" "Ay hindi pwede, ano ganon nalang yon?" Iritadong reaksyon pa ni Michelle. Maya-maya ay humahangos na dumating si Katness. Hindi ko napansin na wala pala ito. Humihingal itong lumapit sa amin. "V-Vivian-- sumama ka sa akin, sa basketball-- court," pabugso-bugso ang paghingang sabi nito. "Ha bakit?" Nagtataka kong tanong. Maging ang iba ay naguluhan. "M-May Away--" "Anong away?" Tanong ni Daril. "Doon may rambol-" "Ano ba kase yun? Parang tange nito." Sinatik ni Daril ang babae. "Si Ken at Marlon nagsusuntukan sa Court dali!!" Sagot ni Katness ng makabawi. Nanlaki ang mga mata namin sa pagkabigla at sabay-sabay kaming tumakbo patungo sa court. Naabutan naming awat na ng PE teacher na si Sir Dionisio sila Ken at Marlon. Mabuti nalang at iilan lang ang naroong estudyante pero tiyak na kakalat ang insidenteng yon. Nakita ko rin si Tres na naroon kasama sila Nian at Vanessa. Bakit nag-away ang magkaibigan? Tuloy ay sa guidance office sila isinama ng guro, nagtama pa ang mga mata namin ni Ken bago sila lumampas dahil nasa may pinto kami. Si Tres naman ay inirapan ako bago sumunod sa mga taong lumalabas ng court. Nag-alisan na ang lahat at natira kami. "Vivian oh tanungin mo ito." Sabi ni Daril na hawak sa braso si Nian. "H-ha?" "Umamin ka na Nian, anong nangyari don sa dalawa? Pinag-agawan ba nila ang kaibigan nyong feeling Queen?" Nandidilat ang mga matang tanong ni Daril sa babae. "Bakit ako ang tatanungin nyo?" Inis na pakli ni Nian. "Sumagot ka ng ayos, tamaan kita dyan." Banta naman ni Katness. "Oo na sasabihin kona, ang tatapang nyo eh mga Junior high school palang kayo." "Anong konek? Isa pa tatlong bwan nalang senior na kami kaya magsalita kana." Si Daril. "Oo nga. Bakit nag-away yun dalawa?" Tanong pa ni RoseAnn. "K-kase inutusan ni Lucille si Marlon na ipagkalat na pinagpustahan lang nila si Vivian. Pero hindi naman yun totoo. Sinunod lang ni Marlon kase may gusto sya kay Tres-" "Nian!!" Napatingin kami kay Tres na bumalik pala ng court kasama si Vanessa. Matalim nitong tiningnan ang kaibigan. "T-Tres--" nahintakutang reaksyon ni Nian sa babae. Ako naman ay lihim na nakadama ng galit kay Lucille. Paano nya yun nagawa? Ibig bang sabihin ay tapat sa akin si Ken? Na hindi totoo ang mga narinig namin noon? "L-Lucille bakit mo naman yun nagawa sa amin ni Ken?" Lakas loob na tanong ko. "Oo nga ang ganda mo sana eh, mapag-gawa ka lang ng kwento!" Sabat ni Michelle. Taas ang noo na hinarap kami ng babae. tinaasan lang nito ng isang kilay si Michelle bago ako binalingan. "Dahil hindi ka nababagay kay Ken," anito matapos akong tingnan mula ulo pababa. "A-anong sabi mo?" Tiim ang bagang na tanong ko. Sila Michelle ay mga nakahanda nang sumugod pero sinenyasan ko silang tumigil. "Pigilan nyo ako, sarap manampal!" Inis na wika ni Michelle. Ngumisi lang si Tres. "Tingnan nyo nga ang mga hitsura nyo? Lalo kana Vivian. Ang tulad mo walang lugar sa buhay ni Ken kaya tama lang na mag-break kayo dahil akin lang sya--" Hindi na ako nakapag-timpi at nasampal ko sya. Maang ang mga ito sa ginawa ko lalo na si Lucille na nahawakan ang pisnging nasaktan. Tangka nya akong sampalin din pero sinampal na ito ni Analuna na ikinabigla lalo namin. "Gaganti kapa? Sobra kanang bruha ka! Makalait ka kala mo model ka ng perla?" Talak ni Analuna na ikina-nganga namin. Yung tahimik sa grupo at honor student na inakala naming libro lang ang kaharap lagi ay magagawang manampal ng isa sa mga Queen ng Sto Domingo National High School. At doon nagsimula ang aming rambol. Anim laban sa tatlo. Ang ending sa guidance din kami bumagsak. Mga pasaan kami ng dalhin don. Naabutan pa namin sila Ken at Marlon na di pa tapos kausapin. Galit na galit ang principal ng school. "Ano ba naman to? Kung kelan graduation na sa isang linggo ay saka pa nakipag-rambulan ang mga honors nyo?" Galit na wika ng principal. Katakot-takot na sermon ang inabot naming lahat. Ang malala pa pagpasok namin sa classroom ay pina-squat kaming lahat ni Maam Capre. Nakakahiya buti nalang lahat kami. "Ano yan one for all for one? Mga pasaway kayo. Wag ko kayang pirmahan ang clearance nyong anim? At isinama nyo pa talaga si Analuna? Wala ng matino sa inyo!" Sermon ni Maam Capre habang may papalo-palo pa ng stick sa mesa nya. Nakapila ang ilang magpapapirma dito. "Ang tinik ni Maam, eh wala na nga halos tayong klase, may pa-squat pang nalalaman." Bulong ni RoseAnn sa amin. "Oo nga tingnan nyo nga yun iba nating kaklase nagtsitsismisan nalang?" Nakangusong saad naman ni Katness. "Sa ibang section nga di na napunta ang advicer." Ani Daril. "Tinitira tayo guys! Pamangkin kase ng asawa nya si Lucille." Pahayag naman ni Michelle. "Totoo?" Si Analuna. "Yup!" "Ay kaya!" Ani Michelle. "Anong binubulong-bulong nyo dyan?" Itinikom namin ang bibig nang sawayin ni Mrs. Capre. Sa kabila ng ngalay sa pag-squat na yon ay napakalayo ng isip ko. Naroon yon kay Ken na nais kong makausap. Gusto kong humingi ng tawad sa binata dahil agad akong naniwala sa kasinungalingan ni Lucille. Hindi ko pinagkatiwalaan ang katapatan nya kaya nais kong humingi ng paumanhin dito. Kaya naman pagka-kompleto ko ng clearance ay agad akong lumabas ng classroom para hanapin si Ken. Isang kaklase nya ang nagsabi na umuwi na daw ito kaya sinundan ko ang lalaki tutal ay tapos na naman ako sa pag-aasikaso ng clearance. Sumakay pa ako ng pedicab para madali. Kila Ken agad ako dumeretso pero si Aling Gloria lang ang naabutan ko don. "Naku Vivian Hija Pasok ka dali," nakangiting aya nito sa akin. "S-Si Ken po?" Nahihiya man ay diniretso ko na ang tanong sa Mama ni Ken. "Bumibili ng ticket ng buss pa-maynila. Baka mamaya pa ang dating non. Di mo naabutan." Sagot nito. "Ho? Anong gagawin nya sa maynila?" "May imbitasyon kase sa kanya sa isang paaralan doon para sa scholarship. Bale sa graduation ceremony na ang balik nya pag luwas nya bukas." Napatango nalang ako kahit nakadama ng lungkot. Oo nga pala, magkokolehiyo na si Ken at maiiwan ako sa Sto. Domingo. Madalang na kaming magkikita at walang kasiguraduhan ang lahat sa aming dalawa. "Nga pala Vivian nakausap ko ang Mama mo, galit ka daw sa anak ko dahil iniisip mong niloko ka nya." Maya-maya ay tanong ni Aling Gloria. Namula ako at nailang bigla sa ginang. Pero nagpaliwanag din ako dito. "Mali po ako Aling Gloria. Kaya po ako nandito ay para humingi ng tawad kay Ken." Nakayuko ang ulo kong amin. "Vivian mali ka talaga kung inakala mong niloloko ka lang ni ken. Unang-una hindi ko sya pinalaking ganon, pangalawa matagal ka ng gusto ng anak ko." "Ho?" Natigilan ako sa pahayag ng babae. Bagamat nabanggit na yun sa akin ni Ken ay curious ako kung paanong matagal na pala nya akong gusto samantalang hindi manlang nya ako kinakausap noon mula nung lumipat sila dito sa Sto. Domingo. "Halika may ipapakita ako sayo." Nakangiting aya sa akin ni aling Gloria. Napasunod nalang ako dito dahil hila na ng Ginang ang kamay ko. Nagulat pa ako ng malamang sa kwarto ni Ken kami nagtungo. "T-Tita-" nagaalangan kong tawag pero isinara na nito ang pinto. "Tingnan mo ito." Taka akong tumingin sa isang rug doll na pamilyar sa akin. Bakit may manika sa kwarto ni Ken? "A-ano po yan?" Taka kong tanong paukol sa manika. "Di mo ba tanda? Walong taon ka nung lumipat kami dito. Wala pa nong kaibigan si Ken kaya ang sabi ko maglalabas muna. Isang araw umuwi si Ken at ikwinento nya amg tungkol sayo. Nakita ka daw nyang umiiyak kaya tinawagan nya ang Papa nya at pinabili yang manika para ibigay sayo. Pero nung ibigay nya eh umiyak ka lalo kase sabi mo pangit ang rug doll na yan at manika ng mangkukulam. Ayun idinisplay nalang nya sa kwarto nya. Niloloko pa nga sya ng mga kaklase nya pag napasok ng kwarto at nakikita yan. Habang lumalaki kayo alam ko na may pagtingin sya sayo Vivian. Hindi kana lang nya nilapitan dahil takot sya na ayawan mo tulad ng manika na yan." Mahabang salaysay ng ginang. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Di ko man tanda ang pangyayaring yon ay nagdulot yun ng tuwa sa puso ko. Mahal ako ni Ken, at yun ang importante sa akin. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD