Gabi na nang makauwi si Ken. Nang marinig ko ang pagtigil ng tricycle sa tapat ng bahay nila ay dali-dali kong kinuha ang Rug doll at lumabas ng bahay namin. Nagkagulatan pa kami ni Ken nang magkasalubong sa may gate namin.
Tila kami napako ng matagal sa kinatatayuan at nakatitig lang sa isa't-isa.
"K-kakausapin sana kita eh kaya ako papunta sa inyo, buti lumabas ka--"
Natigilan ang pagsasalita ni Ken ng makita ang hawak kong manika.
Sa bubong nila kami tumambay. Magkatabi kaming naupo doon at tumanaw sa maraming bituin sa langit.
"Paano yan napunta sayo?" Tanong ni Ken.
"Bigay ng Mama mo." Nakangiti kong sagot.
Napatango naman ang binata.
"Ken totoo ba yung sinabi ni Aling Gloria?"
"Ano yun?"
"Sabi kase nya noong bata pa tayo may pagtingin kana sa akin." Nahihiya kong saad.
Nilingon ako ni Ken at tinitigan sa mga mata. Naramdaman kona naman yung mabilis na t***k ng puso ko sa simpleng titig na yon ni Ken.
"Una palang ay sinabi ko na yan sayo Vivian. Ang gusto ko sana ay makatapos ka muna ng high school bago ligawan gaya ng request ng mga kuya mo. Pero hindi na ako nakapag-hintay lalo na nung malaman kong ganon din ang nararamdaman mo sa akin."
"A-Alam nila Kuya?" Nabiglang reaksyon ko. Tipid itong tumango.
"Mahal kita Vivian. Ikaw ang kauna-unahan at huling babaeng sasabihan ko nyan." Matiim ang titig ba sabi ng binata matapos hawakan ang kamay ko kung saan nakalagay ang ring na bigay nya sakin noon.
"I love too Ken, I'm so sorry kung di ako nagtiwala sayo. Insecure kase ako dahil pakiramdam ko ang pangit-pangit ko para magustuhan mo--"
"Tssk, ano bang sinasabi mo? Maganda ka-- maganda ka sa paningin ko."
Kinilig ako sa sinabi nito.
"Ewan ko ba, mula ng magustuhan kita, pakiramdam ko'y para akong nagmahal ng taong di ko kailanman makukuha. Hanggang nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko at tinanggap na hanggang tanaw nalang ako sayo."
"Kung alam ko lang na ganyan ang nararamdaman mo sa akin noon pa, baka first year ka palang ay tayo na!"
Napatawa ako sa sinabi ni Ken. Pero natutuwa ako sa kanya.
"Grabe naman yun first year. Baka ma-tsismis ako sa talipapa kung nagkataon." Saad ko.
Ngumiti din si Ken pero tila kay lungkot ng mga mata nito. Bagay na ipinagtaka ko.
"Yun ang naiisip ko Vivian, ang dami kong sinayang na panahon na sana ay magkasama tayo, pero lumaki tayong di nagpapansinan at kasalanan ko yun."
"Okey lang naman Ken ano ka ba? Mahaba pa ang panahon natin." Wika ko sa binata.
"Paano kung konti nalang pala?"
Natigilan ako sa sinabi nito. Anong ibig sabihin non? Timikhim nalang ako at saka binago ang usapan.
"M-musta na pala kayo ni Marlon?" Naalala kong itanong. Nakahawak parin sya sa kamay ko at wala akong balak alisin yon.
"Okey na kami, napasunod lang sya ni Lucille dahil may pagtingin sya dito pero humingi na sya ng tawad at ipinapasabi din nya sayo na sorry "
"Wala na sakin yon. Naliwanagan na ako sa katotohanan Ken." Ang sagot ko.
"Masaya ako Vivian dahil naniniwala kana sakin."
Nagulat pa ako ng humilig sya sa aking balikat. Pero maya-maya lang ay napangiti ako.
"Buti nalang nakausap kita ngayon. Aalis kase ako bukas papuntang maynila. Balak kong doon mag-aral ng inhenyero."
Yung salitang Paano ako, paano tayo ay diko maisatinig dahil sa hiya. Pero si Ken ang kusang naglinaw sa akin ng lahat.
"Mag-aaral ako ng mabuti Vivian at magkakaroon ng magandang trabaho, pagkatapos non ay papakasalan na kita."
"K-Ken--" Anas ko ng haplusin nya ang mukha ko matapos mag-angat ng ulo mula sa'king balikat.
"Ayaw mo ba ng plano ko?"
"M-masyado pang maaga para mag-plano ng ganyan, marami pang pwedeng mangyari Ken, lalo na sa kolehiyo." Sabi ko dahil yon naman ang totoo. Bagamat sa puso ko sigurado na akong si Ken lang ang mamahalin ko.
"Mahal na mahal kita at kung may hihigit pa doon ay paano na? Para sa akin ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang huling hininga ko."
"G-ganon din naman ako Ken, yun ang nararamdaman ko ngayon."
"Sa graduation namin gusto ko naroon ka, pero bago yun magkita muna tayo sa burol don sa likod ng school. May sorpresa ako sayo."
"T-talaga, ano naman?"
"Secret muna." Ngumiti ito kaya napangiti narin ako.
Pagkuway humiga naman ito sa kandungan ko kaya nabigla na naman ako. Pero tulad kanina ay hinayaan ko lang sya. Sobrang saya ko lalo na ng kunin nyang muli ang kamay ko at dalhin sa labi nya.
"Ipangako mo sakin Vivian na kahit di mo na ako kasama, kahit mawala ako-- mangako ka na magiging masaya ka parin araw-araw. Ipangako mo na kahit di na tayo magkasama ay lagi ako dyan sa puso mo."
Medyo naguluhan ako sa naging takbo ng usapan namin. Pero inisip ko nalang na ang tinutukoy ni Ken ay ang pagalis nito sa school at pagaaral sa maynila.
"Oo Ken Pangako yan." Sagot ko.
Ngumiti sya pero tingin ko ay kay lungkot na naman ng ngiting yon. Bakit naman malulungkot si Ken? Kanina lang ay ang saya-saya nito.
"Kapag nami-miss mo ako pumunta ka lang dito sa bubong namin at hintayin ako. Makikita mo lang ako dito."
"P-promise?"
"Yup, promise."
Naghiwalay kami ni Ken nang gabing yon baon ang pangako sa isat-isa.
Isang linggo akong naghintay sa binata. Gusto ko na nga sanang makitawag sa telepono nila Michelle na limang piso ang bayad kaya lang nahihiya naman ako. Kaya nagtiis nalang ako hanggang sumapit ang graduation day nila.
Nag-pantalon ako saka blouse na kulay white bago pumunta ng school kung saan gaganapin ang ceremony. Sinabi sa akin ni Tita Gloria na nasa byahe na daw si Ken kanina pang madaling araw kaya mga alas syete ang inaasahang oras ng dating nito. Wala namang traffic sa lugar namin kaya walang dahilan para ma-late sya. Marami kaseng exam sa school na pinuntahan nya kaya inabot ng graduation ang paguwi nito. Isa pa ay malayo sa amin ang maynila kaya nagtagal doon si Ken.
Kami lang nila Analuna, Michelle at Daril ang pumunta ng graduation dahil may mga awards kami at yung tatlo ay wala kaya tinamad na daw silang pumunta. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan na pupunta ng burol tulad ng usapan namin ni Ken na doon magkikita.
Masaya kong tinahak ang burol, ang burol na sinasabi nilang maraming nakatirang multo pero memorable place sa akin. Hindi ako naupo sa damuhan dahil ayokong magkadumi ang suot. Nananabik ako sa pagdating ni Ken. Nakangiti ako habang nakatanaw sa ibaba ng burol at inaalala ang mga nangyari sa amin ni Ken. Dito sa burol naganap ang aming first kiss. Nagsimula lang nung valentines at napakabilis na naging kami pero wala kaming balak tapusin yon. Sabihin man nilang Batang-pagibig o batang relasyon ay nakahanda kami ni Ken na patunayan sa lahat na kami hanggang huli.
Sa pagkakatayo ko sa burol na yon ay biglang umihip ang malakas na hangin at isinayaw nito ang lampas balikat kong buhok. Saka ako napangiti ng maramdamang may yumakap sa akin. Dahil miss na miss ko sya ay agad akong lumingon.
"Kanina pa kita hinihintay Ken--"
Nawala ang ngiti sa aking labi ng mapagtanto na wala akong kasama sa burol na yon. Di yata at namali lang ako pero totoong-totoo na naramdaman ko ang init ng yakap sa akin ni Ken. Pati pabango nito ay naiwan sa paligid ng burol na iyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Yung luha ko ay mabilis na namalisbis sa aking pisngi.
Pero agad ko yung pinalis at kinagalitan ang sarili. Hindi maganda ang magisip ng masama.
Inayos kong muli ang sarili para presentable parin pagdating ni Ken. Kaya lang alas nueve na ay wala parin ang binata. Pero okey lang. Nanatili parin akong nakatayo doon at naghintay sa kanya. Pilit nilabanan ang masamang pangitain sa aking utak.
"V-Vivian!"
Nang lumingon ako ay nakita ko sila Daril, Analuna, at Michelle kasama si Marlon.
"Bakit pa kayo sumunod? Hinihintay ko lang si Ken at sabay kaming pupunta sa ceremony hall. Alas dies pa naman ang start diba?" Sabi ko sa mga ito.
Nagkatinginan sila at tila nag-senyasan kung sino ang magsasalita. Nawala ang ngiti sa aking labi.
"V-Vivian-si Ken kase--" Simula ni Michelle.
"Ano yun? Asan si Ken? Nandon na ba? Baka nakalimutan nya usapan namin. Punta nalang ako don." Nakangiti kong saad saka nagpatiuna sa kanila. Kahit ang totoo ay nanginginig ang tuhod ko. Yun bang tila alam ko na pero itinatanggi ng utak ko at umaasang mali ang nasasaisip.
"Vivian wala na si Ken!" Boses ni Daril.
Napatigil ako sa paghakbang at doon nawala ng tuluyan ang ngiti ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila.
"A-Anong sabi mo?" Nanginginig ang tinig na tanong ko.
Napatungo ang tatlong babae.
"Na-aksidente ang buss na sinasakyan ni Ken kanina pang madaling araw pauwi dito at isa sya sa--isa sya sa namatay!" Hirap na pagbabalita ni Marlon.
Tuluyang nanlambot ang aking pakiramdam at napasapo ako sa dibdib.
"Hindi totoo yan." Iling ko pa kahit sarili ko nalang ang niloloko ko.
"Vivian!" Umiiyak na tinig ni Analuna.
"Hindi totoo ang sinabi nyo, may usapan kami ni Ken dito!-- dito kami magkikita at hindi nya ako bibiguin."
"Vivian wala na si Ken. Dead on arrival sya sa ospital at naroon narin si aling Gloria."
Napahandusay ako sa damuhan at doon ko pinakawalan ang malakas na panangis. Umiiyak din akong niyakap ng mga kaibigan.
Habang yakap nila ay naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Ken.
"Ipangako mo sakin Vivian na kahit di mo na ako kasama, kahit mawala ako- mangako ka na magiging masaya ka parin araw-araw. Ipangako mo na kahit di na tayo magkasama ay lagi ako dyan sa puso mo."
Sa nanlalabo kong mata dahil sa luha ay iginala ko ang paningin sa paligid ng burol. Tila nakikita ko pa doon si Ken na malungkot na nakatingin sa akin. Humihingi ng tawad sa di nya pagdating sa aming tagpuan.
"Ken!!!!"