Chapter 16: Vampiros Reales de Antaño

2451 Words
*Joanna’s POV* Nang magising ako ay agad kong hinanap si Jason. “Nasaan na kaya yun?” Pabulong na tanong ko sa sarili ko. “Good morning little sis,” masiglang bati sa akin ni ate Jasmine ng makapasok ako sa kusina. “Good morning din ate,” pag bati ko din sa kanya. “Alam mo po ba kung nasaan si Jason?” Tanong ko sa kanya. “Huh? Ah baka nag uusap pa rin sila ni mom hanggang ngayon,” sagot niya sa tanong ko. “Nag uusap? Tungkol saan po?” Tanong ko at kumuha ng isang pirasong tinapay mula sa lamesa. “Siguro tungkol dun sa sunog kagabi,” sagot niya habang nilalagyan ng Nutella yung tinapay niya tsaka ito kinagatan. “Ah okay po. Alam mo po ba kung saan sila nag uusap?” Tanong ko ulit sa kanya habang ngumunguya pa siya. Hinintay kong matapos siya sa nginunguya niya para masagot niya ang tanong ko. “Check mo na lang sa throne room o di kaya eh dun sa opisina ni mom sa third floor,” sagot niya sakin at kumagat muli sa kinakain niyang tinapay. “Sige po. Thanks,” pagpapasalamat ko at naglakad na papunta ng throne room. Habang naglalakad ay inuubos ko na rin ang tinapay na kinuha ko. Pagkarating sa throne room ay kumatok muna ako tsaka ko ito binuksan pero wala namang kahit na sino ang nandoon kaya umakyat na ako papuntang third floor. Pagkarating sa harap ng office ni Mommy Josephine ay kakatok na sana ako ng mapansin kong medyo nakaawang pa ang pinto kaya bubuksan ko na sana ito ng marinig ko ang pinag uusapan nila ni Jason sa loob. “Bakit? Hindi ba nila dapat malaman ‘to?” Rinig kong tanong ni Jason sa ina niya. “Basta. Mas makakabuti para sa kanila na hindi na malaman ang tungkol sa qui particularum,” rinig ko namang sagot ni mom sa kanya. Qui particularum? Ano yun? Papasok na sana ako ng may marinig akong yapak ng mga paa mula sa loob ng opisina kaya tumabi muna ako at hinintay na lang makalabas ang nilalang na papalabas na. Pagkalabas nito ay napansin ko agad na siya pala ang lalaking kanina ko pa hinahanap kaya tinawag ko siya agad. “Jason?” Pag banggit ko sa pangalan niya at napansin ko naman ang pagkabigla niya bago siya lumingon sakin. “Gising ka na pala mahal ko. Magandang umaga,” pagbati niya sa akin tsaka ako hinalikan sa labi na sinuklian ko naman agad. “Good morning din, uhm,” nag dadalawang isip na sabi ko. “Bakit?” Tanong niya. “Ano yung qui particularum?“ tanong ko rin sa kanya at napansin ko naman ang panlalaki ng mga mata niya. “Kanina ka pa ba diyan?” Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtanong din siya sa akin. “Hindi naman kakarating ko lang naman. So ano nga yung qui particularum?” Tanong kong muli sa kanya. “Wala yun, huwag mo na alalahanin,” sabi niya kaya mas lalo akong nag takha. “Sigurado ka?” Tanong kong muli sa kanya. “Oo, mga nilalang lang yun na sakop ng katabing kaharian natin,” sagot naman niya sa tanong ko kaya tumango tango na lang ako sa kanya. “Okay,” sabi ko. “Let’s eat?” Tanong niya at inakbayan ako. “Sige, gutom na ko,” sagot ko sa kanya kaya nag lakad na kaming dalawa papuntang kusina. Pagkarating namin doon ay nandun na din sila ni Andrea at ang mga mate nila. “Good morning,” bati ko sa kanilang lahat. “Good morning din sa inyo,” bati din nila pabalik ng maka upo na kami ni Jason. Maya maya lang din ay dumating na sila tita Violet at mommy Josephine kaya kumain na kami. Habang kumakain ay may sinabi si Jason kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. “Andrew, Rence, Aldrin, Nicolo at Kevin, may pag uusapan tayo mamaya,” sabi ng asawa ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. “Hubby? Tungkol saan ang pag uusapan niyo?” Tanong ko sa kay Jason pero ngumiti lang siya sakin. “It’s nothing important,” sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. It’s nothing important pero pag uusapan nilang mga prinsipe at hari? Ano yun joke joke? “Continue with your food,” seryosong sabi niya kaya kahit na nag tatakha ay kumain na lang din ako ulit. “Ay oo nga pala, Joanna,” pagtawag sakin ni Andrea. “Hmm?” Sagot ko sa kanya habang ngumunguya. “Gusto mo sumama samin mamaya?” Tanong ni Andrea kaya nilunok ko muna yung nginunguya ko bago sumagot. “Saan naman?” Tanong ko. “Dun sa project room natin, mag papractice kami ulit pano gamitin yung powers namin,” sagot ni Catliya sakin kaya dali dali akong tumango. “Sige sige, sasama ako,” sagot ko sa kanila at tumango naman silang anim. “Good luck sa practice niyo mamaya,” nakangiting sabi ni ate Jasmine sa amin kaya ngumiti din kami sa kanya pabalik. Nang matapos na kaming kumain ay agad na nag tungo si Jason sa throne room at sumunod naman sa kanya sila Andrew, Rence, Aldrin, Nicolo at Kevin. “Ano kaya pag uusapan ng mga yun?” Biglang tanong ni Eryell sa tabi ko kaya napalingon naman ako sa kanya. “Siguro yung tungkol sa sunog,” sagot naman sa kanya ni Neca na nakatayo sa likod namin kaya napalingon naman kami sa kanya at tumango tango. “Baka nga,” pagsang ayon ko din sa kanila. “Tara na?” Tanong ni Andrea sa amin. “Teka lang kakakain lang natin, mag pahinga muna tayo,” sabi ko sa kanila. “Haha mabilis lang din mawawala yang busog Jo, promise,” natatawang sabi sakin ni Rhoda kaya nag takha naman ako. “Haha oo nga Jo, kaya mas okay na mag start na tayong busog,” sabi naman ni Catliya. “Okay, tara na,” sabi ko sa kanila kaya naman nag lakad na kami papunta sa project room namin. Pagkarating sa elevator ay agad na kaming pumasok sa loob at hinintay na mag bukas muli ang elevator at tsaka kami naglakad papasok sa training grounds. Ano na kayang ginagawa nila Jason ngayon? *Third Person’s POV* Habang nagsasanay sila Joanna sa kanilang project room ay nasa throne room naman sila ni Jason at ang mga prinsipe, kasama na rin sila Josephine, Violet at Jasmine. “Is everyone here?” Seryosong tanong ng hari na si Jason. “I guess,” sagot naman ng kapatid nito na si Jasmine. “Anong meron tol? Ba’t ka nag patawag ng pagpupulong?” Tanong Kevin sa kaibigan nito. “May napag usapan kami ni mom tungkol sa aksidente kagabi,” panimula ni Jason. “Napag usapan? Ano naman yun?” Tanong ni Violet, ang nakakabatang kapatid ng ina ng hari. “Andrew and I found these papers while searching for some clues in the library,” sabi ni Jason at inabot sa tiyahin niya ang mga papel na pinakita niya din kanina sa kanyang ina. “Qui particularum? Sila ba ang may kagagawan ng sunog kagabi?” Seryosong tanong ni Violet sa kanyang kapatid at pamangkin. “Hindi pa kami sigurado pero kailangan nating makasigurado,” sagot naman sa kanya ng dating reyna at kapatid nito na si Josephine. “Mas makakabuti po yata kung puntahan po namin ang Taboo Forest,” suhestiyon ni Aldrin na tinanguan naman nila Josephine at Jason. “That’s exactly why I gathered you here,” seryosong saad ni Jason. “So kelan tayo aalis?” Tanong Nicolo. “At tsaka bakit wala dito ang mga mate natin?” Dagdag na tanong ni Nicolo. “Mas mabuti na yung hindi nila alam ang tungkol dito, lalong lalo na ang tungkol sa mga nilalang na yun,” seryosong sagot ni Josephine sa tanong ni Nicolo. “Bakit po tita?” Tanong ni Rence kay Josephine. “Huwag ka na mag tanong pa Rence,” malamig at seryosong saway ni Violet kay Rence kaya agad naman itong natahimik at nag tago sa likod ni Andrew. “Kuya kelan niyo ba balak umalis?” Tanong ni Jasmine sa kapatid niyang si Jason. “As soon as possible Jas,” sagot naman sa kanya ng hari. “Then you better pack your things and go now,” seryosong sabi ni Josephine sa anak nito. “Yes mom, I’ll just talk to Joanna first before leaving,” sagot naman nito sa ina. “Alright, but don’t tell her anything about this,” seryosong babala muli nito sa anak na tumango lang sa kanya bilang sagot. “Sige, mag iimpake na rin ako,” sabi ni Rence at naglakad na papuntang pinto, sinundan naman siya agad ng iba pang prinsipe hanggang sa tuluyan na nga silang nakalabas. “Jas, pack your things too,” pahabol ni Josephine sa papaalis nang si Jasmine. “Huh? Sasama ba ko sa kanila ni kuya, mom?” Nagtatakhang tanong ni Jasmine sa ina. “No daughter, I’ll send you to Japan,” seryosong sagot nito sa anak na babae. “Po? Bakit?” Tanong naman ni Jasmine. “Basta mag empake ka na lang,” seryosong utos ni Josephine sa anak kaya napatingin na lang si Jasmine sa kuya niyang takhang takha rin. “Mom? Is everything alright?” Nagtatakhang tanong ni Jason sa ina nito. “Oo nga mom, ang weird niyo kasi eh,” segunda naman ni Jasmine. “Just do what I said! Leave!” sigaw ni Josephine na umalingawngaw sa buong silid na kanilang kinatatayuan. “O-Okay,” pag payag na lamang ni Jasmine at dali dali nang lumabas ng silid. Nagtatakha pa ring naka tingin si Jason sa ina nito pero sinaway na siya ng kanyang tiyahin, “Umalis na kayo Jason,” seryosong saad ni Violet sa pamangkin niyang nagtatakha sa kinikilos ng ina nito. Tumango na lamang si Jason sa kanyang ina at tiyahin tsaka naglakad na palabas ng silid. Are you trying to hide something from me mom? *Josephine’s POV* “Ate, ayos ka lamang ba?” Nag aalalang tanong ng kapatid kong si Violet. “O-Oo ayos lang ako,” sagot ko sa tanong niya. “Bakit hindi mo na lang kaya sabihin kay Jason ang tungkol sa balitang nalaman mo?” Tanong ni Violet sakin pero umiling lang ako. “Hindi pa ito ang tamang panahon Violet, masyado pang mahina ang anak ko para isipin ang tungkol sa bagay na yun,” seryosong saad ko sa kanya. “Pero nandito naman ang mga prinsesa, lalong lalo na si Joanna, kakayanin ng hukbo natin iyon,” sagot din ni Violet. “Hindi mo ba napapansin Violet? Sa bawat araw na lumilipas mas lalong nanghihina si Joanna, ni hindi pa nga niya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya eh, kaya paano niya tayo maipagtatanggol mula sa mga mananakop satin?” Problemadong tanong ko sa kanya. “Masyado nang madaming iniisip ang anak ko, tsaka kaya ko pa namang makipag negosasyon sa kanila, kaya hindi na muna ito kailangang malaman ni Jason o ng kanyang asawa,” seryosong bilin ko kay Violet at tumango naman ito bilang sagot. “Naiintindihan ko, ate,” sabi niya at naglakad na palabas ng silid na ito. Napabuntong hininga na lamang ako. Kakayanin ko pa kayang kumbinsihin ang royal court na hindi namin gagamitin ang mga elemento laban sa kanila? por favor, vampiros reales de antaño, créanme (please, royal vampires of old, believe in me) *Joanna’s POV* Nang makapasok kami sa traing grounds ay agad na nilagay nila Catliya at Neca yung mga lata sa itaas ng mahabang bench na walang sandalan kaya nag takha naman ako kung para saan yung mga lata. “Kailangan matamaan mo yang mga lata gamit ang kapangyarihan mo,” sabi sa akin ni Andrea kaya tumango naman ako sa kanya bilang senyales na naiintindihan ko. “Sa ngayon manuod ka muna ha, sasabihin namin sayo kung pano namin ginagawa,” sabi naman sakin ni Eryell kaya tumango na lang din ako sa kanya. “Sinong mauuna!?” Pasigaw na tanong ni Rhoda para marinig naming lima. “Ako na!” Sigaw naman ni Neca bilang sagot. “Sige!” Sigaw naman nila Andrea, Catliya, Rhoda at Eryell sa kanya. Pinanuod ko ng mabuti kung ano ang gagawin ni Neca para matamaan yung isang lata sa harap niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata na para bang nagco-concentrate siya ng maigi. “Kailangan mo mag focus ng sobra at damhin yung kapangyarihang dumadaloy sa katawan mo,” bulong sa akin ni Andrea na nakaupo sa kanan ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang naka ngiti kaya ngumiti din ako sa kanya pabalik at pinanuod muli si Neca. Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin si Neca pero maya maya lang ay nakita ko ang mga kidlat na namumuo sa kanyang kamay, tinignan ko rin ang buo niyang katawan ay pansin ko na mula sa buhok niya hanggang sa talampakan niya. “Wow,” nakangiting sambit ko ng makita ko ang kapangyarihang nakokontrol niya. Sana ako rin, sana kaya ko ring kontrolin ang kapangyarihan ko. “Yun eh kung magagawa mo nga,” narinig kong muli ang boses ng elemento ng niyebe mula sa aking likuran kaya agad akong lumingon pero wala namang nakatayo doon. “Jo? Okay ka lang?” Tanong ni Catliya sakin na nakatayo sa likuran ni Andrea. “Ha? Ah oo, okay lang ako,” sagot ko sa kanya at ngumiti na rin para di na siya mag alala pa at ibinalik ko ang atensyon ko kay Neca. “Yan na ba ang pag sasanay na gagawin mo?” Tanong ng elemento ng yelo. “Tsk!” Bulong ko. “Ha? May sinasabi ka Jo?” Tanong naman ni Rhoda na nakaupo sa kaliwa ko. “Huh? Wala naman,” sagot ko na lang sa kanya at pinanuod na muli si Neca. Kita ko kung paano niya kontrolin ang mga kidlat mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya papunta sa kaliwang kamay niya hanggang sa maging parang bala ito na lumabas sa kamay niya papunta sa latang may kalayuan sa kanya. “Wow,” nasambit ko na lang at nag palakpakan naman kaming lima at ang g*gang si Neca eh nag bow pa sa amin. “Salamat, salamat sa inyong papuri,” naka taas noong sabi niya kaya natawa na lang kaming lima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD