"THANKS," nakangiting sabi ni Lianne kay Xander nang abutan siya nito ng milk tea. Nasa labas sila ng Jumalon Butterfly Sanctuary. Pagkatapos ng convention bandang alas-kuwatro ng hapon ay dinala siya nito roon. Nangako ang binata na ipapasyal siya pagkatapos ng convention dahil iyon lang naman daw ang oras nila para gawin iyon. Kailangan din kasi nilang bumalik kaagad sa Maynila pagkatapos ng convention. "Nag-enjoy ka ba?" nakangiting tanong nito na tumabi sa kanya at sumandal din sa kotse. Tumango siya. "Akala ko, hindi na ako makakabalik dito," aniya at huminga ng malalim. Isa ang lugar na iyon sa paborito niyang puntahan noon. Hindi nagsalita si Xander. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Bagaman hindi niya nakikita, dama niyang pinagmamasdan siya nito. "Hindi mo pa

