KABANATA 1
Smile
Inilang hakbang ko ang bawat tiles ng hagdanan papuntang itaas para lamang abutan ang taong hinahabol ko.
Muli akong umusal ng pasasalamat sa Diyos nang may marinig akong umiiyak sa loob ng kwarto.
Nagbigay ako nang signal bago pumasok sa loob at doon nadatnan ko si Letisha na umiiyak sa ibabaw ng kaniyang kama habang yakap yakap ang isang unan na nasa kaniyang kandungan.
Sa aking nakita sa kaniya ngayon ay para akong unit unting sinusunog, mahigpit akong napahawak sa seradura ng pinto bago napagpasiyahang lapitan ang kapatid kong puno ng luha sa mga mata.
"Anong nangyari? Hmmm, don't cry..." Nang hindi niya ako sagutin ay mahigpit ko siyang ipinaloob sa aking bisig at hinaplos ang kaniyang likuran.
Mas lalo lamang siyang napaiyak nang gawin ko ang bagay na iyon. Maging ako man ay may namumuo ng mga luha sa aking mga mata ngunit hindi ko iyon pinagtuunan nang pansin.
"Shhhh, Letisha... what happened? Are you okay?" Hindi ko mabilang kung ilang beses kong pinaulanan ng halik ang kaniyang sentido para lamang mabawasan ang mga hikbing lumalabas sa kaniyang bibig.
Lumayo ako sa kaniya para matingnan siya sa mga mata ngunit puro lamang rumaragasang tubig na dumadaloy sa kaniyang mga mata ang aking napagmamasdan.
I take some strand of her hair on her side and wiped some sweat on her forehead. Siguro'y kanina pa ito umiiyak. Mabuti nalamang at maaga akong nakauwi at mabilis na sinabihan ng Nana ang pag uwing luhaan ng aking kapatid.
"Always remember that I love you, I love you... don't cry na, Tisha. I'm here," Marahan kong hinahaplos ang kaniyang basang pisngi pagkatapos ay muling niyakap. "You know that I am always willing to listen, honey. I'm here, I'm here honey."
Napapikit ako nang marinig ko nanaman ang paglakas ng kaniyang pag iyak. Mas lalo ko yatang pinapaiyak ang isang 'to sa mga sinasabi ko.
Ilang minuto yata kaming ganoon ang posisyon bago siya kusang kumalas sa pagkakayakap at halupay pay na humiga sa kama.
Para bang hindi siya umiyak nang sangkatirbang luha sa harapan ko at ganun na lamang ang pagkatulala sa itaas ng kaniyang kisame. Kung hindi ko lang naabutan ang eksina kanina'y paniguradong iisipin kong nababaliw na ang isang 'to.
I sighed before lying next to her. Ipinagpatuloy ko ang pagyakap nang wala akong marinig na reklamo galing sa kaniya.
"Hey..." Pag agaw ko ng pansin sa kaniya. I kissed her shoulder gently and came closer to her. Nilingon niya ako nang may namumuong mga luha nanaman sa mga mata ngunit kaagad din siyang nagbawi ng tingin at bumalik sa pagtitig sa kisame.
"Wala pa sila Mommy, Tisha... baka sa susunod na buwan pa umuwi ang mga 'yon. Kung may problema ka I'm just here, you know I am always here... for you."
Siguro ay masyado pang maaga ang hinihingi kong pag o-open niya sa akin kaya hahayaan ko na muna siya sa ngayon. Alam ko namang sasabihin at sasabihin niya sa akin kung ano mang bagay ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Afterall, dalawa lang naman kaming magkapatid.
Ewan ko lang sa mga kaibigan niya kung nagsasabi siya.
Nagkusa akong tumayo para sana bigyan siya nang katahimikan ngunit napatigil din ako sa pagbukas ng pinto nang magsalita siya.
"I-I w-want t-to...run a-away, Sha! I...want to run away!" Her voice echoed in the four wall of this room. Her eyes are asking for help, para bang may kung anong bagay siyang pilit na tinatakasan.
My forehead caressed and immediately run towards her. "W-what? B-but why, Letisha?" Hinawakan ko ang kaniyang mga balikat at marahan siyang inalog. "Sabihin mo sa akin, bakit ka aalis? Anong nangyari?"
Naramdaman ko ang aking panginginig maging si Letisha ay ganoon din. I hugged her tightly while tears are slowly tearing down into my cheeks.
Ang kwartong 'yon ang naging saksi sa aming pag iyak buong gabe. Halos mag uumaga na nang magising akong umiiyak pa rin ang aking kapatid habang nakapikit ang mga mata.
Hangggang sa panaginip ay umiiyak at natatakot siya.
Walang ingay kong inayos ang kumot sa kaniyang katawan bago bumaba. Naalala kong hindi pa pala kami kumakain, maging ang suot kong uniform ay hindi ko pa napapalitan ng pambahay dahil sa nangyari.
Tulala akong umupo sa high tool chair at patuloy pa rin na nag iisip kung ano ang maari kong gawin sa ngayon.
Alam kung darating ang araw na'to ngunit mas nakakatakot pala kapag nangyayari na. Hindi ko pa nakikita kung ano ang hitsura ng lalaki kaya wala akong makuhang pagbabasehan kung saan ang puno't dulo nang lahat at ganito kabigat ang nangyari.
Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga nang tumaas na ang sinag ng araw at hindi pa din ako tapos sa pagtatali ng uniform ko.
Ngayon ko ipinagpapasalamat na hindi naisipang magbilin ng activities ang aming nga teacher kahapon, kung hindi ay hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.
Pagkatapos kung ayusin ang laman ng bag ko ay pinuntahan ko sa kwarto si Letisha, nakatulala pa din siya sa harap ng bintana mula nang iwan ko siya kaninang umaga pagkatapos kong dalhin ang ginawa kong almusal sa kaniya.
"Tisha, come here... aalis na muna ako, kapag maaga kaming pinauwi mamaya ay ako ang maghahatid sa'yo sa resthouse natin sa Surigao. Antayin mo ako, okay?"
I bid her my good bye kiss before heading my exit. Alam kong makakaya ng kapatid ko ang bagay na ito. She's strong.
Dahil kulang sa tulog ay hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo habang isinasarado ang pintuan ng van. Nakita ko ang pag aalala ni kuya Larry ngunit isininyas ko lamang ang aking kamay na okay lang ako kaya ilang sandali pa'y plate number nalang ang naaaninag ko.
Kahit masakit ang liwanag sa mga mata ay hindi nakalamapas sa aking paningin ang isang kulay itim na sasakyang nakapark malapit sa gate ng School.
Para akong muntikan ng mahulog sa pinakamataas na building dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. A man standing next to the car I've mentioned earlier was looking at me intensely. Kung hindi ko lamang iyon pinuna ay hindi siya mag bababa ng tingin.
Ngumiti nalamang ako sa kaniya kahit na nalilito bago pumasok sa loob. I felt his stares at my back kaya lumingon ako, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang hindi manlang niya iniba ang kaniyang titig. Ni wala akong maramdamang hiya galing sa kaniya mula sa paninitig sa akin. Siguro'y may mali sa ayos ko kaya ganoon nalamang siya kung makatingin sa akin. Ngunit kahit ganun ay pinilit ko paring ngumiti at bigyan siya ng signal na papasok na ako bago tuluyang pumasok. Mabuti nalamang at kilala na ako ng guard, kahit limang minuto na akong late ay may ngiti niya pa rin akong pinapasok.