"Ahhh! P*ta ka, Angelica! Para na akong mamamatay dahil sa kilig na bwisit ka!" sigaw ni Analyn ng matapos kong ikuwento rito ang lahat mula sa unang araw na nagparamdam sa akin si Dr. Clark. Ang palihim nitong pagbibigay ng mga pagkain, mga flowers at chocolate. Lalo na ang pag-aaya nito sa akin na maihatid ako sa aking apartment na paulit-ulit ko lamang tinatanggihan. Hindi ito makapaniwala na hindi nito napansin ang mga ganoong ginagawa ni Dr. Clark sa akin dahil na rin sa pinilit kong ilihim at maitago rito. At hanggang noong gabing nagtapat na sa akin si Dr. Clark at sinangot ko ay tila pinasok ito ng napakaraming bulate sa katawan at hindi na mapigilan pa ang kilig na nararamdaman para sa aming dalawa ni Dr. Clark. "Ano ka ba? Tumigil ka na nga diyan. Mukha ka ng tanga, e. Move on

