NASA biyahe ako ngayon pauwi sa bahay ng aking mga magulang. Nakatanggap ako ng tawag kanina mula sa tagapag-alaga ng aking ina. Ayon dito bigla na lamang daw itong nawalan ng malay habang pababa ng hagdan. Labis ang takot at pag-aalalang naramdaman ko kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay. Maging ang mga tawag at text ni Von ay hindi ko rin magawang sagutin at basahin. Alam kong nag-aalala na ito sa akin, lalo na't wala akong pasabi man lang sa biglaan kong pag absent sa trabaho. Maging kay Analyn ay hindi rin ako nakatawag o nakapag-text man lang. Pagdating ko sa bahay ay agad na rin akong dumiretso sa silid ng aking ina. Ngunit agad rin akong napahinto sa paghakbang sa huling baitang ng hagdan sa itaas ng marinig ko ang malakas na boses ng aking ama mula sa loob ng l

