Parang huminto ang t***k ng puso ni Maxx habang iniisip si Enzo. Nasaan na kaya ito? Nandoon kaya ito sa babae nito? Gusto niyang umiyak pero natuyo na kanina pa ang kanyang tearduct. Bakit ba may mga lalaking hindi makuntento sa isang babae? Bakit kahit committed na ay naghahanap pa ng iba? Saan ba siya nagkulang kay Enzo? Nang maging mag-asawa naman sila ay dito na umikot ang mundo niya. Hindi pa ba sapat iyon dito? Ano pa ba ang dapat niyang ibigay? Nandito na ang puso niya at kaluluwa. Tiwala Maxx. Isang Malaking TIWALA.sabad ng isip niya. Parang hirap siyang ibigay ang tiwala niya kay Enzo dahil sa insecurities niya. Mula ng umalis kanina si Enzo ay nanatili siyang nakaupo sa sofa. Pakiwari niya ay inugatan na siya doon. Wala kasi siyang lakas para pumanhik sa kwarto nila

