Come on Maxx hindi ka dapat magpadalus-dalos. Pagisipan mo munang mabuti ang gagawin mo. Hintayin mo munang dumating si Enzo para mapagusapan ninyo ng masinsinan ang issue. Huwag kang basta na lang padadala sa silakbo ng iyong damdamin. Sabi ng kabilang bahagi ng isip niya na kamping-kampi kay Enzo. Hindi niya naman gusto ang gagawing pag-alis ng bahay. Iniisip niya din kung saan siya pupunta? Hindi pwedeng umuwi siya sa bahay ng mga magulang dahil bibigyan niya lang ng alalahanin ang mga ito. Ayaw niya din idamay ang mga magulang sa pagtatampo niya sa napakagaling niyang asawa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa handle ng maleta ng maramdaman ang pagsipa ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Maging ang baby nila ni Enzo ay tutol sa pag-alis nila at pag-iwan sa daddy nito. Hin

