Tangerine's POV
Buong araw lang naman kaming nasa isla. Wala naman siyang meeting na ah! Tapos two days? Pasalamat siya nag-enjoy din ako kahit papaano sa gilid ng dagat at libre din lahat ng gastusin ko dito.
Naka-book na kami ng flight pabalik bukas ng maynila at 12 o'clock ng tanghali. Gusto ko ng umuwi talaga gosh! Ano ba namang resort ito? Walang signal, walang wifi, hays! Paano nalang kung may emergency?
Gumagabi na at lumalamig na din ang simoy ng hangin kaya nagsuot na ako ng jacket ko. Hindi ako makatulog and so I decided to go out at maglakad lakad sa gilid ng dagat.
Maganda sigurong magbakasyon dito kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
Ano na nga kayang nangyari sa audition na sinalihan nila Cib? Nakapasok kaya sila? Wala man lang akong update tungkol doon since wala ngang signal dito.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Shocks! Nagulat naman ako sa kanya. Para siyang kabuti na bigla nalang sumusulpot.
"Oo eh." Tugon ko.
"Ako din. Ikaw kasi eh." Huh? Anong sinasabi nito? Anong ako kasi? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah!
"Anong ako?" Naka kunot noo kong tanong.
"Ginugulo mo ang isipan ko." Seryoso niyang sagot habang nakatingin ng diretso sa mata ako. Nakaramdam naman ako ng pagka-ilang kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Mukha may sakit ata kayo Sir." Pabiro kong sabi habang nasa dalampasigan ang tingin.
Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko.
"Bakit... parang okay lang sa'yo na tumira kayo sa iisang bahay? I mean, you guys are not even a couple or in a relationship." Seryosong sabi niya ulit at mukhang interesado siya sa personal kong buhay.
Napaupo ako sa buhangin at ganoon din siya.
"Hindi ko alam." I answered. Dahil mahal ko siya? That's it.
"What if there's someone out there-- who is secretly loving you but he can't even make a move dahil nga sa mata ng mga tao ay may karelasyon ka." Ang weird ni Sir ngayon. Mas sanay akong magsungit siya kesa ganito.
"Well, kung meron nga edi... ewan ko! Pero malabo yang sinasabi mo sir." I chuckles. Wala naman talagang nagkakagusto sa akin. Kung meron man, pansamantala lang din kaya sa huli ako parin yung nasasaktan at naiiwan.
"What if-- ako 'yon?" Natigilan ako sa sinabi niya. This time nagtama ang aming mga mata.
"A-anong ibig niyong sabihin sir?" Nauutal kong sabi.
"I love you." He said directly habang nakatitig parin siya sa mga mata ako.
Nag-antay akong tumawa siya at sabihing joke lang pero wala. He seems so serious at wala akong makitang bakas na nagbibiro siya.
"Mukhang maling tao ata ang nasabihan niyo sir." Pag-iwas ko ng tingin sa kanya.
"Seryoso ako Tangerine. Mahal kita. I don't know kung kailan pa ito nagsimula pero mahal kita. Gusto kitang ligawan." Napanganga ako sa sinabi niya. Ang gwapo gwapo ni sir tapos sa akin? Sa akin pa talaga siya nahulog? How? Parang hindi ako makapaniwala rito huh. s**t! I'm totally speechless.
"I don't even care kung boss mo pa ako. I don't even care kung kasama mo pa siya sa bahay. Nasabi ko na ang nararamdaman ko kaya wala na akong rason para mahiya pa sa'yo. Mula ngayon, ipapakita at ipaparamdam ko kung gaano ako kaseryoso sa'yo. Liligawan kita dahil mahal kita. Liligawan kita kahit gusto o ayaw mo man. Hindi naman ako nagmamadali Tangerine. I can wait for you." Sa haba ng sinabi niya ay lalo akong natameme. Nagbalik nalang ang diwa ko nang maramdaman ko ang mainit nitong mga labi sa pisngi ko.
"Good Night." Sambit niya tsaka tumayo at naglakad pabalik ng kwarto niya, habang ako ay naiwang tulala sa pwestong kinauupuan ko.
Ito kaya ang dahilan kaya sinama niya ako dito? Dahil gusto niyang mag-confess sa akin?
Napahaplos ako sa pisngi ko. Kung hindi lang ako natameme baka nasampal ko ulit siya dahil sa pahalik niya.
Cib's POV
Bagsak ang mga balikat ko nang makarating ako sa bahay. Argh! Grabe pagod na pagod ako.
Napahiga ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Ang haba ng araw kong ito. Napahingang malalim ako tsaka tinignan yung phone ko. Walang message mula sa kanya. Kamusta na kaya siya? Namimiss ko na siya. Ilang araw palang kaming magkasama ngunit tila nasanay na akong every time na uuwi ako ay nandito siya bahay.
Napa-scroll nalang ako sa phone ko at naisipan kong basahin muli 'yong last message niya sa akin kanina.
"Hoy! Boyfriend ko! Galingan niyo sa audition ha? Remember? May prize ka kapag nanalo kayo. Ano 'yon? Syempre sekretong malupet 'yon. Basta! Magpakabait ka dyan. May mga iniwan akong food dyan sa refrigerator for you and good for two days yan ha? Nakakahiya naman sa'yo at baka pagbalik ko ay kalansay ka na. Kumain ka and just enjoy like I'm with you charot! Don't cheat kung ayaw mong isuli kita sa inyo ng gutay gutay. Baka magdala ka dyan ng chicks, humanda ka talaga sa akin. Don't worry about me. Okay lang ako dito at uuwi din naman na ako bukas. IqAw lunGsxz sApAt nA. Eww! Sige na, bye. Labyu! Pero joke lang."
Napangiti akong muli dahil sa message niya. Na-iimagine ko tuloy siya habang binabasa ko ito. Ang dami niyang bilin sa akin at mukhang mabubura nga ako sa mundo kapag nagloko ako. Wala namang kami pero pakiramdam ko totoong may 'KAMI'. Ayos na sana 'yong labyu... kaso may joke pang nakadugtong. Tsk! Kunwari pa siya eh.
*dingdong...*
Napabalikwas ako dahil sa tunog ng doorbell at siya agad ang sumagi sa isipan ko. Pero malabo at hindi naman 'yon gumagamit ng doorbell since may spare key naman siya.
"Sino yan?" I asked.
"Hi Cib! It's me." Uh-oh~ pinagbuksan ko siya ng pinto at agad naman itong pumasok sa loob ng bahay kahit wala naman akong sinabi.
"Cathy~ what are you doing here?" Giit ko habang naka-cross arms.
"Wala kang kasama dito right? Kaya sasamahan kita." Tugon niya at hinaplos pa niya ako sa dibdib.
"Hindi ka pwede dito kaya umuwi kana." Bahagya naman akong dumistansya sa kanya.
"Bakit Cib? Hindi mo naba ako mahal?" Sambit niya.
"Ano bang tanong yan? We're done. We're over." I answered.
"But I missed you. I wanna make love with you tonight Cib." She seductively said habang unti unting naglalakbay ang kanyang mga kamay sa katawan ko.
"Stop it!" Pinigil ko siya sa ginagawa niya.
"Why? Ayaw mo ba sa akin? Mas masarap ba siya kesa sa akin? Mas magaling ba siya on bed kesa sa akin?" Napapikit ako sa sinasabi niya. I'm controlling myself para hindi ko siya masaktan dahil nag-iinit ang ulo ko sa sinasabi niya.
"Yeah mas masarap siya, mas masarap siyang mag-alaga at magmahal. Magaling siya, hindi man sa kama pero magaling siyang magpasaya ng taong minsan mo ng dinurog. She's too different from you." Mariin kong sabi at tila napikon siya dahil biglang nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Babalik ka din sa akin Cib. I'm telling you!" Inis niyang sabi tsaka kusang lumabas ng bahay.
Cathy's POV
Arghh! Nakakainis! Bwisit ka Cib! Babalik ka din sa akin Cib, tandaan mo yan. I know na kayang kaya parin kitang paikutin tulad ng ginawa ko sa'yo noon. Kaunting drama lang ang kailangan at mabubuwag din kayo ni Tangerine.
Totoong wala na kami ni Lucas. I cried for so many times over him but I'm done with it. Nagkikita parin kami minsan to have s*x. I guess hinahanap na ng katawan namin 'yon pareho but hanggang doon nalang 'yon. I've just realized na nagsasawa na din ako sa kanya at gusto ko ng mas adventure.
And yeah, may nakita na akong adventure. And that is-- winning him back. Opps! Hindi si Lucas. Si Cib ang babawiin ko. Namiss ko na din kasing makita ang kawawang mukha ni Tangerine.