Tangerine's POV Sa sobrang excited kong umuwi, ang aga aga kong magising. Yung tipong mamayang tanghali palang 'yong flight namin tapos around 4 am ay gising na gising na ako. Nag-flashback sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi kaya panaginip lang 'yon? Hays, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni sir. Bakit niya ako nagustuhan? Wala namang special sa akin ah. Hindi kaya-- maganda talaga ako? Choss! Kamusta na kaya si Cib? Umuwi kaya siya sa bahay? O baka naman... may inuwi siya sa bahay? Hays! I shook my head. Wala naman siguro. Cib's POV "Wag, wag si Tangerine! Wag..." I groaned at agad akong napabalikwas sa kama ng magising ako mula sa hindi magandang panaginip. Huminga ako ng malalim habang nakaupo ako sa kama. Napasabunot ako sa buhok ko. Pawis na pawis ang mukha ko kahit aircon

