Tangerine's POV
Halos mapigil ang hininga ko nang makita kong number six sa hawak hawak kong stick. Sino si number two?
Nagkatinginan kami ni Cib. Hindi siya, pero pakiramdam ko ay alam niya ng ako si number six.
"Two..." nilapag ni Matthias yung stick na hawak niya. Siya yung hahalik sa akin? gosh!
"Six..." nag-aalangan kong nilapag yung stick na hawak ko din at nagkatinginan pa kami ni Mattie.
"Ano na Matthias?" Tanong ni Cathy.
Si Cib naman ay nakakunot noo na. Ang sama ng titig niya kay Mattie. Kinakabahan ako kasi bawal akong umayaw kung sakaling tatanggapin nga ni Mattie yung dare.
"Isang shot." Sambit ni Mattie. Phew~
"Baka masakal ako ni Cib." Dagdag pa nito tsaka tinungga ang isang shot glass na talagang pinuno ng alak.
Ang pangit tuloy ng mukha niya after. Feeling ko matapang yung alak at baka isang shot lang ako dyan ay knock out na ako.
Muli kaming nagpalit ng number tsaka pinaikot muli yung bote. This time kay Mattie naman.
"Inuutusan ko ding halikan ni number 3 si number 4." Ani nito na tila tinatamaan na ng alak.
"Three." Lapag ni Jack ng number niya.
"Four." Lapag din ni Cib ng number niya.
"F*ck!" Halos sabay nilang sabi.
Natawa naman kami. Eww!
"Kissss!" Asar ni Laures at Mattie.
Nakisabay narin lang ako sa pang-aasar.
"Isang shot!" They both said in chorus again.
Nilagyan ni Cathy yung dalawang shot glass ng alak tsaka binigay sa dalawa.
Again, ang pangit nanaman ng itsura nila after uminom. Nakakapangit pala talaga yung alak na yan, paano pa kaya kapag ako na yung iinom?
Pinaikot naming muli yung bote. Kay Cib naman ngayon.
"Number 5, gusto kong aminin mo dito kung sino ang mahal mo." Hay mabuti nalang at hindi ako number 5.
"Five." Lapag ni Cathy sa number niya.
A moment of silence.
"Ikaw." Maiksing sagot nito.
Anong ikaw? Si Cib? Paano si Lucas? Hays...malandi talaga siya! Nakakabwiset ang sarap niya sabunutan.
"Next round na." Basag ni Jack sa katahimikan.
Muling umikot yung bote tsaka huminto kay Jack.
"Okay, number 1 basagan mo ng itlog sa ulo si number 2." Ani nito tsaka naglabas ng itlog. Aba ready ah.
"Two." Lapag ni Cib sa number niya. Siya ulit lols.
"One." Lapag ko ng number ko. Hakhak sorry siya.
"Oh Tangerine basagin mo itlog ni Cib." Pabirong sabi Laures.
"Gago!" Sagot naman ni Cib at nagtawanan naman sila.
"Paano ba yan Cib... sorry ah! Babasagan muna kita ng itlog." Paumanhin ko dito ngunit lalo lang silang nagtawanan sa likod.
"Isang lang Tangerine. At least may matitira pang isa." Ani naman ni Jack.
"I mean, babasagin ko muna 'tong itlog na ito sa ulo mo at hindi yung itlog mo yung babasagin ko." I rephrased. Ang g**o parin lols.
*PAK*
Napapikit ako nung binasag ko yung itlog sa ulo ni Cib. At pagdilat ko, shocks! Nakapoker face siya at talagang kumalat yung lagkit ng egg sa buhok at mukha niya.
Fast forward, nakailang ikot din kami ng bote at pati ako ay nabasagan na din ng itlog sa ulo. Ang saya naman so far though lahat kami ay may mga tama na ng alak dahil sa hindi pagsunod sa dare.
Teka, nakailang shots ba ako? Tatlo? Lima? Bashta!
"Hoy! Ikaw! Magiging ashawa ko... mathulog na thayo..." akbay ni Cib sa akin.
"Anong magiging ashawa? Ni wala nga tayong relashyon eh..." sagot ko at umiikot na din ang paningin ko. Hindi ko na din maituwid ang salita ko. Bakit ganun?
"Manahimik ka! Shige, hahalikan kita dyan." Sabi niya sabay nguso.
"Manahimik na kayo dyan." Reklamo ni Jack.
"Tara, tulog na." Sabi ko kay Cib at inakbayan ko din.
Kinabukasan...
As I open my eyes, mukha ni Cib agad ang tumambad sa paningin ko. I blink few time at pilit na inaalala yung nangyari pero s**t! Wala akong maalala at ang sakit ng ulo ko.
Umupo na ako ng kama ngunit nagulat ako sa nakita ko. Binalot ko agad ng kumot ang sarili ko. Tumingin akong muli at totoo nga! Wala akong saplot.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala akong maalala. Gusto kong magwala at sumigaw pero baka pumunta naman dito yung mama ko at makita kami sa ganitong kalagayan. Baka sa kasal talaga ang bagsak namin kapag nangyari iyon kaya kailangan tahimik lang ako.
Niyugyog ko si Cib.
"Hmm...ano ba." Nakapikit paring sabi nito.
"Gumising ka Crisostomo." Sabi ko dito at dumilat naman siya.
"Bakit?" He asked as if normal lang ang lahat.
"Anong bakit? Can't you see? We're n***d!" Mariin kong sabi at nagulat naman siya nang marealize ang lahat.
"What happened?" Tanong nito.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Wala akong maalala at-- bakit--" my tears started to run down.
"No please! Don't cry. I can't remember na may ginawa tayo. Lasing tayo pareho kaya imposibleng may nangyari pa." Hindi ako satisfied sa sinabi niya.
"May masakit ba sa'yo?" Umiling ako ngunit umiiyak parin ako.
"Hindi ba masakit yung ano..."
"Hindi." Sagot ko at gets ko naman ang gusto niyang sabihin.
"Well that's it. Walang nangyari sa atin." He said tsaka pinunasan ang mga luha ko. "You're still virgin." He added then kissed me on my forehead.
Kumalma naman ako. Though hindi ko parin maiwasang isipin na may nangyari, ang iniisip ko nalang ay wala namang masakit sa katawan ko. Lalo na sa lower part. Imposibleng walang sasakit sa akin kung may nangyari man eh first time ko.
So, walang nangyari. Walang nangyari sa inyo ni Cib Tangerine. Wag kana maglalasing ulit.
"Magbihis kana bago pa may mangyari." Nakangiting sabi ni Cib.
"Tumalikod ka!" Sabi ko dito at sumunod naman ito.
Dali dali kong isinuot ang damit ko but f*ck. Hindi ko makita yung b*a ko.
Napatingin ako sa ibang sulok ng kwarto. Nandoon nga sa harapan ni Cib yung b*a ko. Kainis!
"Uhm Cib, pwede paabot ng b*a ko?" Nahihiya ko pang sabi dito. Dinig kong natawa siya.
"Opps! Wag kang lilingon ha? iabot mo lang." I added at sinunod naman niya.
Isang beses na niyang nakita ang katawan ko noong nasa bahay siya kaya dapat hindi na maulit pa.
After kung magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Gising na din sila at mukhang ready na para bumalik ng Maynila. Ready na sila samantalang kami ay hindi pa nakaligo at amoy itlog pa.
Sumunod na lumabas sa kwarto si Cib. Ang g**o ng buhok nito pero ang pogi parin.
Bababa na sana ako ng hagdan ngunit pinigilan ako ni Cib. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka siya naglakad papunta sa kwartong kahapon ko pa gustong buksan.
"Bago tayo bumalik ng maynila, may ipapakita ako sayo." Napangiti naman ako.
Pinihit niya na yung doorknob at unti unting bumukas yung kwarto...
Napanganga naman ako sa nakita ko.
"Wow." I blurted.
Ang lawak ng kwarto at ang linis sa loob. Punong puno ng libro ang bawat book shelf. Sobrang daming libro at tila dinaig pa yung library ng school ko dati. Ang bango grabe. Naalala kong adik pala ako sa amoy ng lumang libro.
"Pwede pumasok?" Sabi at tumango naman siya.
Sinamahan niya akong pumasok doon sa loob. Tinignan ko yung mga book na nandoon. Mga lumang libro at yung iba ay hindi pa alphabet yung sulat, yung iba ay tila hindi pa printed at sulat kamay talaga katulad ng sinusulat ni Dr.Jose Rizal.
May ladder pa dahil ang hahaba ng lagayan ng libro.
"Ang galing naman nito." Sambit ko.
"Galing pa ito sa mga ninununo namin. Yung iba ay sila mismo ang nagsulat at yung iba naman ay collection nila. Sobrang luma na ng library na ito kaya pini-preserve namin." Kwento ni Cib.
"Eh ikaw? Mahilig kaba magbasa o kaya magsulat?" Tanong ko.
"Hindi eh." Napailing siya. "Si papa at Victoria lang. Baka ampon lang kasi ako kaya ganito." Pabiro pa niyang dugtong.
"Baliw!" Hampas ko sa kanya. "Anyway, salamat at pinakita mo'to sakin kahit bawal. Tara na at baka maiwanan pa tayo hindi pa tayo nakaayos." Hinila ko na siya palabas ng kwarto.