Cib's POV
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa biglang paglutang ni Cathy sa araw na'to. Bakit niya kailangang pumunta dito? F*ck!
Mabuti nalang at hindi siya kilala ng family ko except kay Victoria. Walang kaso yun sa parents ko dahil hindi naman nila alam na si Cathy ang babaeng halos sumira ng buhay ko noon. Mabuti nalang pala at hindi ko siya napakilala noon.
Ang iniisip ko naman ngayon ay paano naman si Tangerine? Baka... ayaw niyang makasama si Cathy.
"Sorry." Mahina kong sabi dito.
"Okay lang. Hindi mo naman kasalanan." She replied.
Tulad ng inaasahan ko ay hindi naging maganda ang mga tingin sa akin ni Victoria ng makita niya sa Cathy kasama ang mga tropa ko. I just shrugged as a response doon sa mga tingin ni Victoria sa akin.
Buti nalang at andyan sina Laures at kahit papaano ay nakakagawa sila ng paraan para hindi makalapit sa akin si Cathy.
"Pasok muna ako. Magpapalit lang ako ng damit." Paalam naman ni Dalanghita sa akin.
"Okay darling." Tugon ko tsaka then gave her a wink.
Nasa pool naman ngayon sina papa at mama kasama si mama Helena,Blue, at ang kapatid ko. Mukhang may masaya silang pinag-uusapan at tumatawa pa sila.
Napatingin naman ako sa ibang dako. Mukhang gusto na din atang magbabad ng tatlong bugok na itlog at naghuhubaran na sila.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla akong may naalala. Teka, nasaan si Cathy?
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ngunit hindi ko siya makita. Nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng kamay na yumayakap sa akin mula sa likuran. At paglingon ko--
Tangerine's POV
Umakyat na muna ako saglit sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit namin. Naligo na ako, nagbihis at lumabas din.
Saktong pagsarado ko ng pinto ay biglang kumurap kurap yung ilaw. Bigla nalang ako nakaramdam ng lamig at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Weird!
Pababa na sana ako ng hagdan ng biglang nahagip ng mata ko ang kwartong kanina pa nagbibigay sa akin ng mga katanungan.
Muling kumurap kurap nanaman ang ilaw kaya bumaba nalang ako.
Napangiti ako nang makita kong nakatayo parin si Cib doon sa pwesto niya kanina. Parang gusto ko siya gulatin. Napakagat ako sa lower lip ko dahil natuwa ako sa iniisip ko.
I was about to take a few steps nang biglang may sumingit kaya natigilan ako.
Nabura ang ngiti sa labi ko sa mga sandaling ito habang pinagmamasdan sila. Gusto ko siyang sugurin at sampalin dahil sa ginagawa niya. Pero... may karapatan ba ako kay Cib? Napabuntong hininga nalang ako tsaka tumalikod sa kanila.
Parang mali. Oo may mali ka Tangerine. Wag mong hayaang mangyari 'to.
Muli akong humarap sa kanila at kitang kita ko naman kung paano pinagtulakan ni Cib si Cathy. Naglakad ako papalapit sa kanila tsaka ko hinawakan ang kamay ni Cib.
"What's wrong darling?" Mukha ito ata ang unang beses na tinawag ko din siyang darling. I'm not that sure.
"Uhm wala naman." Napailing si Cib.
Mga bandang 8 o'clock pm ay kumain nanaman kami ng dinner. Food is life tayo dito lols. Usap usap tungkol sa iba't ibang bagay, kung anu-ano pa. Buti nalang at nanahimik si Cathy. Kahit papano nakakabawas siya sa pollution.
"Here's our gift for you son." Ani ni tito sabay abot kay Cib ng maliit na box.
"At syempre may regalo din ako sa'yo anak." Ani naman ni mama at anabot din sa akin ang maliit na box na kapareho lang din kay Cib.
"Thank you po." Halos sabay na sabi namin ni Cib.
"Can we open it now?" Sambit ni Cib.
"Yeah sure." Sagot naman ni tito.
Napatingin siya sa akin at parang sinasabi niyang sabay na naming buksan yung regalo namin. Wala man siyang sinabi ay tumango ako.
Dahan dahan namin itong binuksan hanggang sa boom! Sumabog!
Syempre joke lang.
Susi ang laman ng box at ganoon din sa kanya. Bakit parang pareho talaga kami?
"A-ano 'to ma?" Tanong ko kay mama.
Napatingin naman ako sa dako nina Jack, Mattie, at Laures mukhang natatawa sila. At si Cathy mukhang nakalulon ng mangga dahil sa asim ng mukha nito.
"It's a house para sa inyong dalawa."
"WHAAT? O.O" hiyaw naming dalawa ni Cib. A-anong ibig sabihin ng sinabi ni Tito?
"You mean, we will be moving-- in the same house?" Sambit naman ni Cib.
"Te-teka... anong sinasabi mo Cib?" Anong moving in the same house naman ang pinagsasabi ni Cib? Ang bobo ko ba para hindi maintindihan ang nangyayari?
"Goodluck." Nakangising tapik sa akin ni Jack.
Unti unting namang nagsink in sa utak ko ang lahat. Uh-oh~ mukhang hindi ito maganda.
Napatingin ako kay mama at nginitian lang ako nito. Maganda na sana yung regalo nila kaso... argh!
~*~
Halos maghahating gabi na at tulog na sila ngunit andito parin kami sa baba nina Cib, Jack, Laures, Mattie at demonyitang si Cathy.
May sinisimulan kaming laro ngayon. Bawat isa sa amin ay may hawak na stick at may corresponding number iyon na tanging kami lang dapat ang nakakaalam. Nakaupo kaming lahat sa sahig while forming a circle at may boteng umiikot sa gitna namin. Kung kanino huminto yung bote ay siya ang may karapatang mag-utos sa pamamagitan ng pagbanggit ng numero. Halimbawa, inuutusan kong tumalon sa pool si number 1. Gets ba? Kaya dapat walang makaalam ng numero mo kung ayaw mong maging kawawa. Every ikot yung pagpapalit ng number at ang hindi sumunod sa dare ay may kapalit na alak. Hard liquor.
Kakalimutan ko na muna ang mga stress sa gabing ito at i-enjoy muna itong laro na ito at mukha exciting kahit pa may asungot kaming kasama.
Pak! Huminto sa pag-ikot yung bote sa harap ko mismo. Napangisi naman ako ng bongga. Anim lang kaming nandito kaya malamang hanggang anim lang yung numbers. Hmm...ano kayang magandang dare?
"Inuutusan kong sumayaw ng Boom Boom momoland si... number... 5!" Sambit ko at napa-face palm naman bigla si Laures.
"Sasayaw o isang shot glass?" Tanong naman ni Cib.
"Sasayaw." Nag-aalangang sagot naman ni Laures at wala na siyang nagawa kundi tumayo sa harapan namin at sumayaw.
"Whoaaa!" Hiyaw namin at sumayaw talaga siya at siya pa ang nag- acapella ng tugtog para sa sarili niya lols.
Nagtawan naman kaming lahat dahil doon.
Afterwards, we shuffled again our numbers sa isang lalagyan at bumunot. So iba nanaman ang number namin.
Pinaikot naming muli ang bote.
Hold your breath Tangerine...
At sa kasamaang palad nga ay huminto kay Cathy yung bote. Lady's first?
"Inuutusan kong... halikan ni number 2 si number 6." Sambit nito at tila saglit na tumigil ang mundo ko nang makita ko yung number na hawak ko.