KABANATA 25

1067 Words
Tangerine's POV Hindi nga ako nagkamali. May plano nga sila sa gabing ito at nagustuhan ko din naman dahil kanina pa ako ligong ligo sa pool. Yeah, may night swimming mga teh. Ito na nga, nakashort at sando lang ako kasi maliligo nga ako at ayoko namang mag two piece noh. Sina mama busy sa pag-iihaw at si Blue andoon na nauna si pool kasama si Victoria. Aba... close na sila ah. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan ng swimming pool at syempre doon lang. 6 ft kasi eh! Hindi keri ng beauty ko. Dapat nagrerelax ako dito kasi nakakarelax yung tubig kaso natatakot naman akong malunod. "Okay Tangerine, dito kalang sa mababaw at kaya ng height mo." I muttered to myself. Asan naba kasi si Cib? Nagpalinga linga ako sa paligid. And shocks! Napalunok ako sa nakita ko. He's topless and omg *gulp* may abs. Pakiramdam ko tuloy lalong umiinit ang tubig habang papalapit siya. Naku, baka naman kumulo na ito kapag andito na siya dahil sa sobrang hot niya choss. "H-hi..." sabi ko dito. Ano ba yan Tangerine parang bigla ka atang naging pabebe. "Anong itsura yan?" Sambit niya na tila nawe-weirduhan sa akin. "Aheheh...wala wala." I waved. Tangerine umayos ka kung ayaw mong sampalin kita. Bumaba na din siya sa tubig at ngayon mas malapit na malapit na siya sa akin. Umiwas ako ng tingin dito at baka biglang kumulo ang tubig. "Kapit ka sa akin." Ani nito na inoffer pa yung back nito para kapitan ko. So balak niya akong dalhin sa malalim? "Hindi. Wag na, dito lang ako." Giit ko. "Halika na." Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at pinuwesto ako sa likod niya kaya kumapit nalang din ako choss. Habang napupunta kami sa malalim ay lalong humihigpit ang kapit ko sa kanya. Takot ako mamatay teh hahaha. Kahit malabo na yung salamin ko dahil nabasa ay sige go parin ako. This time hanggang leeg na ni Cib yung tubig. Siguro nasa dulo yung 6 ft. "Bitaw na." Ani nito. "Huh? Tanga ka ba? Gusto mo akong malunod?" Hiyaw ko dito at tumawa pa talaga siya ha. "Masyado ka namang high blood dyan. Just chill, it's our birthday." Sabi niya. "Pinagloloko mo kasi ako." Sambit ko naman. "Okay, okay.I'm just kidding." He explained then slowly take my hands tsaka ako pinuwesto sa harap nito. Kumbaga, nakakapit ang mga kamay ko ngayon sa leeg niya habang magkaharap kami. *dugdug...* Geez. Here we are again. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Yung ngiti niya, yung dimple niya, yung mata niya, yung kilay niya, yung ilong niya, yung labi niya... hays! Bakit inaakit niya ako. Gusto kong umiwas ng tingin ngunit tila mina-magnet yung mata ko at hindi ko maiwasang tumingin din sa mga mata niya. "Happy birthday." He said then gave me a smooch. Walang hiya! Ninakawan nanaman ako ng halik. Ilang segundo din akong hindi nakapagsalita doon. "Yieee..." asar ni Blue at Victoria sa amin. "Hays baliw ka! May mga bata oh." Mahinang sabi ko sa kanya tsaka ko ito binatukan. "Sorry naman. Hindi ko napansin eh." Giit niya at napakamot pa sa parteng binatukan ko. Ang cute niya kainis! "Cris! Andyan na ang mga bisita mo." Tawag ng mama ni Cib dito. "Tara! Puntahan na muna natin sina Laures." Aya niya sa akin at tumango naman ako. Umahon kami sa tubig at bakit ganun? Nung siya ang umahon ang hot niya parin? Bakit nung ako na ay parang ang dugyot ko? Hays. Binalot ko ang sarili ng towel para hindi ako lamigin at siya? Chill lang na nilagay ang towel sa balikat niya. Edi siya na hot! Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang labas at doon ko nakita ang kulay itim na Van. Maya maya pa man ay nakita kong lumabas mula sa Van sina Laures, Jack, at Matthias. "Hey dude." Bungad nila tsaka nakipag fist bump kay Cib. "Hi Tangerine." Bati naman nila sa akin at isa isa pa silang kumaway sa akin na tila ba unang beses palang  nila  ako nakita. "Hello sa inyo." Kaway ko din. "Happy birthday nga pala sa inyong dalawa." Ani ni Laures at aba mayparegalo pa si mayor sa aming dalawa. Na-excite naman ako hakhak. "Malagiyang kaarawan sa inyo." Tapik naman sa amin ni Jack na nagpipilit pang magtagalog ng malamim kahit medyo baliko ang dila nito. "Happy birthday." Mahinghing bati din ni Mattie este Mathias sa aming dalawa. Lahat sila ay may dalang regalo. Parang ito ata ang unang beses na nakatanggap ako ng regalo mula sa ibang tao. Ang saya pala at hindi ko namang mapigilang mapangiti habang iniisip kung anong laman ng mga ito choss.  "Pumasok na tayo." Ani ni Cib tsaka hinawakan pa ang kamay ko papasok na sa loob. "Teka bro. Actually may isa kapang bisita." Sabi naman ni Laures kaya naman kapwa kami natigilan ni Cib at napalingon dito. "Sino?" Nagtatakang tanong ni Cib. "Si--asdfg" hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi ni Laures dahil pabulong niya itong sinabi kay Cib. Sino kaya? "F*ck!" Sambit ni Cib at tila nag-iba bigla ang aura nito. "Sorry bro. Nagpumilit kasi siya na sumama. Nandoon kasi siya sa bar noong tumawag ka." Sabi naman ni Jack. Gusto ko ng mag-walk out dahil hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila pero nakakahiya naman at na-curious din ako kung sino.  "Sige na. Hayaan niyo na." Napahawak nalang si Cib sa batok nito. Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto nung Van tsaka iniluwa nito ang hindi kanais nais na nilalang sa balat ng lupa. Tila ba may anghel na dumaan sa amin at sandali kaming nabalot ng katahimikan habang nakatuon ang mga mata namin sa kanya. "Happy birthday Cib." Sambit niya tsaka hinalikan si Cib sa pisngi nito which almost makes me curse pero hindi. Natulala lang ako sa ginawa nito kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang ihampas sa lupa. Walang bakas ng emotion ang mukha ngayon ni Cib. Ang tigas talaga ng mukha ng babaeng ito at nakaya pa niyang pumunta dito. "Let's go." Muling sabi ni Cib at muli ding hinawakan nito ang kamay ko papasok sa loob. Sumunod na din sila pero hindi na ako lumingon pa at nasusuka ako sa mukha niya. Sana naman wag masira ang araw na ito dahil sa kanya. Cathy... ang kati kati mo talagang hinayupak ka. Dinumihan niya ang pisngi ng Cib ko, gosh! I mean... pisngi ni Cib argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD