Tangerine's POV
Nasa kasarapan ako ng panaginip ko ng biglang may yumugyog sa akin dahilan para magising ako mula sa isang mala-fairy tale na pag-iibigan namin ni Cib. Agad kong naidilat bigla ang aking mga mata nang sumagi sa isipan ko si Cib.
"Mukhang napasarap ang tulog mo." Ani nito na nakatingin pa sa balikat nito na pinuno ko na ng laway. Walang halong biro pero may laway talaga shocks! Kahiyaaaaa!
"Ahehehe...sorry." I awkwardly smile at him habang pasimple kong pinupunasan ang laway ko sa balikat nito.
"May laway kapa sa pisngi mo." Natatawang sabi nito tsaka lumabas na ng Van.
Dali dali ko namang pinunasan ang pisngi ko.
Hay naku Tangerine ang dugyot mo. Nakakaturn-off ka!
Nasabi ko nalang sa sarili ko tsaka lumabas na din ng Van at whoaaa. Ang laki ng rest house nila. Yayamanin naman po pala talaga!
Hays, mayaman naman pala 'tong mokong na'to tapos nagpapabayad pa siya sa akin tsk!
May mga care take care sa rest house nila at sila na din mismo ang nag-akyat ng mga gamit namin sa loob.
"Sa inyo 'to?" Tanong ko kay Cib.
"Yeah. Actually galing pa ito sa Lolo ko. Siya ang original na may-ari nito kaya parang medyo vintage yung style ng bahay. Pero pina-customize na ito ni Daddy into modern style." Napatango naman ako. Kaya pala parang pinaghalong moderno at panahon pa ng mga hapon yung style ng bahay. Maaliwalas ang buong paligid nito at halatang maayos ang pagkakaalaga na ultimo sahig nito ay pwedeng maging salamin dahil sa kintab nito.
Sinamahan ako ni Cib na maglibot, hanggang sa marating namin ang bandang likuran nito na kung saan may malawak na bakuran sila doon.
Iba't ibang uri ng bulaklak ang nakikita ko at ang mas nakakamangha ay ang malaki nilang swimming pool na parang hot spring dahil sa pagbulwak ng maligamgam na tubig nito at saktong sakto sa malamig na climate ng Tagaytay.
"Ang sarap naman maligo dito." Sambit ko.
"6 ft yan, kaya mo ba?" Ay ang lalim naman pala.
"Kaya naman, basta may salbabida ako." Pabiro ko namang sabi at 5'2 nga lang ang height ko tapos hindi pa ako marunong lumangoy.
"Wag kang mag-alala nandito naman ako." Sabi naman niya dahilan para atakehin nanaman ako ng kiliti sa katawan ko.
"Che!" Nasabi ko nalang sa kanya tsaka pumasok na doon sa loob bago pa man ako mahulog sa pool dahil sa kilig ko sa kanya choss.
Maaga kaming umalis ng maynila at mabilis din ang byahe namin kaya naman saktong lunch ang arrival namin dito.
Busy sila sa paghahanda habang ako ay busy sa paglilibot. Gusto ko kasing makita ang bawat sulok ng bahay na ito choss. Kala mo din enoh? Lols.
So eto na nga, na-antig naman ang aking mga mata sa kakaibang design na nakaukit sa may hagdanan na hinahakbangan ko na ngayon.
Wow.
Nasabi ko nalang sa isip ko at isa din talaga akong vintage lover kaya nga pati sarili mukhang vintage lols.
Sadyang malikot ang kamay ko at bawat pinto ng bahay ay binuksan ko na ata. Pero hindi naman ako magnanakaw ah.
Sa lahat ng pinto, there's something caught my attention. May isang pinto na tila mas luma pa sa lahat ng luma ang itsura nito. Basta kakaiba sa lahat at tila biglang nagtayuan ang balahibo ko ng makita ko ito.
Ano kayang meron dito? Tinamaan ako ng curiosity bigla kung bakit naiiba ang kwartong ito sa lahat.
Napahawak ako sa kulay gintong doorknob nito ngunit natigilan ako ng maramdaman ko ang alikabok sa kamay ko.
Maalikabok na siya so ibig sabihin baka matagal ng walang pumapasok sa kwartong ito.
I was about to open it but suddenly...
"HEY!" halos humiwalay na sa katawan ko yung spirit ko dahil sa matinding gulat na dala ni Cib sa akin.
"Bakit kaba nanggugulat?" Naka-kunot noo na sabi ko.
"Bawal pumasok dyan." Seryosong sabi nito.
"Ah ganun ba. Sorry." Paghingi ko naman ng tawad tsaka bumaba na sa hagdan pabalik ng dining room nila.
Bakit kaya bawal pumasok doon? Anong mayroon sa kwartong iyon? Hmm...
"May mga ghost doon. Gusto mo bang makita?" Pabirong sabi nito at tila nanakot pa kaya hinampas ko siya sa braso.
"Birthday party natin ito at hindi Halloween party okay?" Giit ko.
Ngumisi lang ito.
Ilang minuto palang ang nakalipas ay handa na ang mga pagkain for lunch kaya naman pumwesto na kami ng upo sa mahabang table nila na feeling ko ay hindi magkakarinigan ang kakain dito kapag kapwa sa dulo nakaupo.
Magkatabi kami ngayon ni Cib.
"Let's all toast para sa masayang kaarawan ng mga anak natin." Ani naman ng mama ni Cib sabay taas ng baso nito na may lamang Champagne.
"Para sa future success nila." Ani naman ni mama.
"Para sa nalalapit nilang kasal." Sambit naman ng Papa ni Cib na siyang ikinasamid naming pareho.
I told you... nakakasamid ang salitang 'KASAL'
"Why?" Tanong ni blue.
"Are you okay kuya?" Tanong naman ni Victoria.
Pareho kaming napailing ni Cib.
"I mean yeah. I'm okay." Ani ni Cib tsaka sinipa ang paa ko mula sa loob ng mesa.
"We're fine." I awkwardly smile at them tsaka pasekretong inirapan si Cib.
We all toasted our glasses then nagsimula ng kumain.
"So, about the wedding. Kailan ba ang plano niyong magpakasal?" Muntik nanaman akong masamid sa tanong ni mama. Buti nalang at napigilan ko.
"Uhm, actually wala pa kaming plano mama." Diretsang sagot naman ni Cib. Very good.
"But what about your baby?" Giit ng papa ni Cib. This time feeling ko hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa mga katanungan nila.
"Ah... tungkol po doon tito...ano kasi..." bakit hindi ko mabanggit? Bakit parang biglang umurong yung dila ko ng makita kong sabik na sabik na sila sa magiging apo nila.
"Okay lang Hija. Hindi naman namin kayo minamadali sa kasal. Naiintindihan ko kung hindi kapa handa." Sambit ng mama ni Cib na siyang dahilan para mabunutan ako ng tinik sa leeg. Phew~
Napatingin ako kay Cib. Chill lang naman siya habang kumakain. Kung sabagay, ako naman talaga ang mas naiipit dito eh. Ako yung mastermind nito eh. Nakakaguilty tuloy.
Kumain kana nga lang Tangerine.
"Uhm mama punapunta ko pala dito sina Laures." Ani ni Cib sa mama niya.
"Oh~ that's good." Sagot naman ng mama niya."Ikaw Hija? Wala ka bang bisitang papupuntahin dito? What about your friends?" She added.
"Uhm...wala po." Sambit ko. Wala kasi akong kaibigan eh.
~*~
After naming kumain ay nagpahinga na muna sila sa sofa habang ako ay nasa pool nakaupo at nasa tubig yung mga paa ko.
Ang sarap ng tubig. Tamang tama yung init sa balat at mukhang nakakarelax. Ano kayang binabalak nila mamayang gabi? Hmm... pumasok nanaman sa isipan ko yung kakaibang kwarto kanina. Ano kayang mayroon doon at bawal pumasok?