KABANATA 19

1272 Words
Cathy's POV Nagngitngit ang paningin ko sa nakita kong video. Parang nanggagalaiti ako sa inis na may halong galit at inggit. Sa taas ng emosyon ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at binato ko yung phone sa pader. "Whaaaaa!" I shouted out inside my room. Ako dapat ang nandoon. Ako dapat yung hinaharana at hindi yung babaeng iyon. Sa lahat nalang ng bagay ay kaagaw ko siya. Since high school siya lagi ang nangunguna sa rank at dahil doon ay lagi lang akong nasa pangalawa. I deserve better than her. Kahit ang pangit pangit niya nakipagkaibigan ako sa kanya dahil naniniwala ako sa sinasabi nilang 'keep your friends close but keep your enemy closer' Pinagtiisan ko siya kahit ikinihihiya ko siya sa lahat. Unfortunately, we both entered in the same university in college and the same course as well. Sobrang inis na inis ako sa kanya dahil kahit para siyang hangin at walang silbi sa mga kaklase namin ay siya lagi ang bida pagdating sa mga professor. Oo matalino siya pero di hamak na mas lamang ako sa kanya. Second year college, I met this varsity player guy who also have passion in music at doon kami nagkasundo until he courted me and I said yes. And yes, si Cib iyon. I thought masaya na kami pero muling bumaliktad ang mundo ko ng makita ko nanaman siya. I found out na may boyfriend na din siya at si Lucas iyon. Ayokong nakikita siya na masaya at nakangiti. I don't know pero ayoko talaga. So ang ginawa ko ay nilandi ko ang boyfriend niya kahit may boyfriend din ako noon. Kumagat din naman ito sa bitag ko. I was so happy seeing her crying and broken. Hindi din nagtagal ay nagising nalang ako na mahal ko din si Lucas. Oo nahulog ako sa kanya kaya mas lalong lumakas ang loob kong kuhanin siya mula kay Tangerine. Hindi ko hiniwalayan si Cib. I don't love him anymore pero hinayaan ko siyang siya mismo ang bumitaw para wala siyang masumbat sa akin. We graduated, Tangerine finally found out na may relasyon kami ni Lucas kaya naghiwalay na din sila. I was so happy dahil sa wakas pakiramdam ko ako parin ang nagwagi and she's a big big loser. Well, dahil mas hamak na tanga si Cib kesa kay Tangerine these last few months lang niya nalaman na may affair kami ni Lucas. He broke up with me and finally we're over dahil nagsasawa na talaga ako sa kanya. So for now, Lucas and I are enjoying every moments that we have. Wala pa kaming plano na magpakasal but I guess soon. Back to reality, mukhang masaya nanaman si Tangerine. Nagsama pa ang dalawang tanga argh! Parang gusto kong makipag laro sa kanya ulit. Medyo matapang na siya ngayon at lumalaban na siya unlike before pero isa parin siyang loser. Maaaring lumamang siya sa akin noong nagka encounter kami sa coffee shop pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit iyon at dudurugin ko siya. Mag-antay lang siya... "Babe what's your problem?" Nadistract ako ng marinig ko ang boses ni Lucas. Nasira na pala ang unan na hawak ko dahil sa panggigigil. "Nothing babe." I replied tsaka sumandal sa dibdib nito. Humanda ka sa akin Tangerine. Cib's POV Hayst ano bang pinagagawa ng dalanghitang iyon at hindi sinasagot ang tawag ko? Puntahan ko nalang kaya? Muli akong pumasok ng kwarto ko tsaka kinuha yung susi ng motor ko at dalawang helmet. "Kuya saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Victoria ng makasalubong ko siya sa sala. "Halata naman sigurong aalis ako." Sagot ko naman. "Pupunta ka ba sa kanila ni ate Tangerine?" Kung maka-ate naman 'to parang close na sila ah. "Oo bakit?" Sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit ko. "Sama ako kuya." This time napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nito. "Bakit ka sasama? Sino bang pupuntahan mo doon?" Nakakunot noong tanong ko ngunit natigilan ako ng maalala kong may kapatid na lalaki si Tangerine. Si Blue. Pinanliitan ko ng mata si Victoria. "Dahil ba kay Blue kaya gusto mong sumama sa akin?" napaatras naman siya sa tanong ko. "Hindi kuya. Hindi, hindi siya." Tanggi niya. "Talaga lang ah. Nililigawan kaba niya?" Usisa ko. "Hindi ah. Sana ngaWjfjrjbfbdf..." she murmured to herself at hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi niya. "Tsk! Hindi ka pwedeng sumama. Sige alis na ako bye." I said then tap her head dahilan para magulo ang buhok niya kaya nakasimangot ito ng umalis ako. Tangerine's POV Hindi ko nanaman nasagot ang tawag ni Cib. Tinawagan ko siya pabalik ngunit siya naman itong ayaw sumagot. Ano kaya sasabihin niya? Mukhang importante ah. Naku, kailangan ko ng lumakad at baka matapos 'tong araw na ito ng wala akong ginagawa. Hindi naman siguro big deal yung viral video na iyon. Hindi pa man ako nakakalabas ay may narinig akong busina mula sa labas ng bahay. Nagmadali naman ako papunta sa labasan at baka si Cib iyon. Napakunot noo ako sa nadatnan ko. Isang mamahaling kotse ang nakita ko. Sino kaya yan? "Sino yan anak?" Ani ni mama na siyang ikinagulat ko naman dahil biglang pagsulpot nito. "Di ko po alam mama." Tugon ko. "Wow, ang ganda ng kotse. Ang astig ate." Bulalas ni Blue. Unti unti namang bumaba ang bintana ng kotse hanggang sa lumantad ang pagmumukha ni-- "Sir-- Zach?" My eyes are widened. Ano naman kayang ginagawa niya dito? ~*~ Pasalamat siya at mabait parin ako. Kaya kahit papano ay pinapasok ko parin siya sa bahay namin. Kanina pa kami dito sa sala ngunit wala parin siyang sinasabi sa akin. Ano ba talaga kailangan nito? Kitang kita ko din si mama at Blue na panay ang silip sa amin at tila gusto pang makinig sa pag-uusapan namin. Malamang iba nanaman pinag-iisip ng dalawang iyon. Hayst. "A-ano bang kailangan niyo?" Ako na nagtanong at baka mapanis lang ang laway ko dito sa kaaantay na magsalita siya. "Bakit hindi ka pumasok?" Tanong niya din. "Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na magreresign na ako?" Sagot ko naman. "But I didn't received any resignation letter coming from you." Ang sungit ng aura niya. Eh samantalang siya yung may ginawang mali. "Do I have to? I can leave kung kailan ko gusto." Patigasan tayo ng mukha ah. "Well, pwede kitang kasuhan sa ginawa mo." s**t! Wag kang magpapadala sa kanya Tangerine. "I can do the same thing. Pwede din kitang kasuhan sa ginawa mo." Medyo tumaas ng kaunti ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Are you kidding? Kakasuhan mo ako dahil doon? Where in a lot girls are chasing after me and wishing to taste my lips." Napaatras ako sa sinabi niya. Grabe ang yabang yabang niya. Napailing ako sa kanya. "Well ibahin mo ako. Kahit kailan hindi ako magkakandarapa sa'yo SIR" talagang diniinan ko ang pagkasabi ng Sir. "Okay, okay." He said while putting his hands on the air. "Okay I'm so sorry. It won't happen again. I'm sorry and bumalik kana sa company. Maraming bagay sa company na ikaw lang ang may kayang gawin. I'm sorry again and please come back asap. I need you." Natameme ako sa sinabi niya. Yung Zach na sobrang yabang ay bigla naging maamo ngayon sa harapan ko. "Marunong ka naman palang mag-sorry eh. Pinatagal mo pa." Inirapan ko siya. "I guess we're okay?" Nag-aalangan pang sabi niya. "Yeah." Tipid kong sagot at nginitian siya. Okay naman pala siya. Okay, may trabaho na ulit ako. No need to find a new Job huh. *dingdong* Tunog iyon ng doorbell at ang unang tao na pumasok sa isipan ko ay si Cib. Siya na kaya yan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD