Cib's POV
*dingdong...*
Tunog ng doorbell.
"I'm coming." Dinig ko mula sa loob. Boses iyon ni Dalanghita. Hays buti naman at andito lang siya sa bahay. Tumatawag siya sa akin kanina kung kailan nasa byahe ako. Pasaway tsk!
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang magan-- pangit na pagmumukha nito.
"Hi." Nakangiting bati niya sa akin.
Mukhang masaya siya? I guess everything's okay. Akala ko na-stress siya dahil sa nangyari.
"Pasok ka." Ani nito kaya pumasok na din ako.
Pagpasok ko ng bahay nila. There's one thing that really catches my attention. Who's that f*cking guy?
Napatingin ako kay Tangerine. Giving her the who-is-he look.
"Boss ko siya kaya wag kang magkakamali." Bulong nito sa akin tsaka ako hinila at pinaupo sa sofa. Kaharap ko na ngayon ang sinasabi niyang boss niya.
I can feel the connection. The way he looks I mean glares at me, parang may kuryenteng namamagitan sa amin.
"Ehem!" Tangerine's mother broke the silence. "Meryenda na muna kayo." Ani ni mama helena na nag abala pa talagang maghanda ng makakain at umalis din naman ito agad.
"May bisita ka pala. Nakakadisturbo ba ako DARLING?" Nakangiti kong sabi kay Dalanghita at kitang kita ko naman ang pag-iba ng expression nito.
" Hi-hindi naman. Paalis na din naman kasi si Sir Zach. Diba sir?" Tugon nito. Mabuti naman kung ganun.
"Yeah, I'm actually leaving but of course kasama ka." Parang may bahagyang umakyat sa nerves sa utak ko ng marinig ko ang sinabi ng boss ni Dalanghita.
Nang-aasar ba siya? Parehong masama ang tingin namin sa isa't isa. May gusto ata siya sa Dalanghita ko ah. Aba...
Tangerine's POV
Napanganga ako ng unti sa sinabi ni Sir Zach. Anong kasama ako?
"Bakit naman sasama sa'yo ang GIRLFRIEND ko?" Mariing sabi ni Cib.
"Oh~ boyfriend ka pala niya." Ani naman ni Sir Zach.
"Yeah." Tipid na sagot ni Cib.
"I'm his boss and she's my Secretary kaya sasama siya sa akin. Right Tangerine?" Tinignan ako ni Sir Zach.
Anong nangyayari? Bakit parang nagsasagutan sila? Parang ang iinit ng ulo nila.
Nagkatinginan din kami Cib. May choice ba ako? Pero paano si Cib?
"Remember? Hindi mo day off ngayon. May naiwan kapang trabaho kaya sasama ka sa akin." Dugtong pa ni Sir Zach. Kung kanina ang amo ng mukha niya ngayon ay iba nanaman ang aura niya at tila sinaniban nanaman ng kasungitan.
"Okay~" naisagot ko nalang. Hindi ko naman talaga day off ngayon kaya kailangan kong balikan ang trabaho ko since pumayag na din ako na wag umalis sa company.
"Sige antayin nalang kita sa labas." Zach said tsaka tumayo na at naglakad palabas.
Napatingin ako kay Cib. Ang lungkot niya tignan at para siyang bata na walang pambili ng candy.
"Aalis kana?" Matamlay na tanong nito sa akin.
Tumango ako. "Kailangan eh." Tugon ko. Kung makapagreact naman 'to parang sa mars ako pupunta.
"Pinuntahan kita dito kasi hindi mo sinasagot yung tawag ko tapos iiwan mo ako." He pouted out.
Parang bata naman 'to.
"Bakit? Sinabi ko bang puntahan mo ako?" Giit ko.
"Kung sabagay, sige umalis kana. May lakad din pala ako." He sighed tsaka tumayo na din at bagsak ang balikat na naglakad palabas.
Bakit ba siya ganyan? Wala naman kaming relasyon ah. Bakit pakiramdam ko nagtatampo siya sa akin?
Muli kong isinukbit yung bag ko sa balikat ko at naglakad na rin palabas.
"Ma, alis na ako." Paalam ko at sinarado yung pinto.
Humarurot na din palayo ang motor ni Cib. Hays kahit kailan talaga laging over speeding yung lalaking iyon kung magdrive. Sana naman mag-ingat siya noh?
Sumakay na din ako sa kotse ni sir Zach at tinahak namin ang daan papunta sa office pero makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nag-iba ng daan.
"Hindi ito ang daan. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito.
"Hindi pa ako kumain ng lunch kaya samahan mo muna ako." Ani nito.
"Okay." Tipid kong sagot. Tamang tama gutom na din ako at nakalimutan ko ding kumain since tanghali na nga ako nagising.
~*~
Nandito kami ngayon sa isang classic restaurant at mukhang mamahalin ang mga pagkain. Baka mabutas naman nito ang bulsa ko.
"What's your order ma'am, sir?" Tanong ng waiter sa amin.
"Give me one whole roasted chicken, baby pork ribs, 2 bowls of salad, blah blah..." ang dami niya pang sinabi at hindi ko na maintindihan yung iba.
"How about you? Anong order mo?" Tanong sa akin Zach the maniac.
Napalunok ako ng makita ang prices ng bawat menu.
"Ah... tubig. Tubig lang sa akin. Hindi naman ako nagugutom eh. Sabi mo kasi samahan lang kita diba?" Pilit kong pinapangiti ang sarili ko kahit mukha akong tanga.
Bigla naman siyang natawa.
"Okay, that's it. Okay na yan." He said.
"Okay sir." Sabi ulit nung waiter.
Hays. Hindi man lang siya nag-abalang ilibre ako? Niyaya niya ako dito tapos walang libre? So ano? Maglalaway lang ako dito?
Makalipas ang ilang minuto ay okay na agad yung inorder ni Zach. Namilog naman ang mata ko sa sobrang dami ng inorder niya. Siya lang mag-isa ang kakain tapow ganito kadami? Grabe ang masculine niya tapos ang siba kumain.
"Let's eat." Ani nito. Huh? So... pwede akong kumain? Omg. Lols patay gutom lang.
"Libre ba ito?" Bulong ko sa kanya.
"Bayad na yan kaya kumain kana." He replied at nagsisimula na din siyang kumain.
Napangiti naman ako ng bongga tsaka nagsimula na ding kumain.
Cib's POV
Grabe yung pangit na Dalanghita na iyon, tsk! Mas pinili pa niyang sumama sa lalaking iyon. Hays kainis! Badtrip!
Well, ano nga bang magagawa ko? Eh boss niya iyon eh. Samantalang ako... ewan!
"Ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni Laures.
"Wala, naiinis lang ako." Irita kong sagot.
"Naiinis saan?" Tanong naman ni Jack.
"Basta! Si Tangerine kasi eh." Bakit ba kasi masyado akong affected doon? Bakit akala niya ba siya lang pwedeng makipagdate? Hmp! Nagkakamali siya.
"Nag-away kayo?" This time si Matthias naman ang nagtanong.
"Hindi naman. Bakit naman kami mag-aaway eh wala namang kami." Napatakip ako ng bibig ko ng marinig ko ang sarili ko. s**t! Nadulas ako.
"ANO?" Halos sabay na sabi nilang tatlo.
"What do you mean?" Ani ni Jack.
"Hindi talaga kayo?" Ani ni Laures.
"Or break na kayo?" Ang slow ni Matthias.
"Okay, okay fine." I said while putting my hands in the air. " Ganito kasi...blah blah blah."
Best friend ko na sila since high school kaya walang dahilan para itago ko yung totoo. Alam ko namang ligtas lahat ng sikreto ko pagdating sa kanila.
"Oh..." sabay nilang sabi ulit pagkatapos kong maamin lahat.
"So pwede ko pa pala siyang ligawan." Ani ni Jack kaya tinitigan ko ito ng masama.
"Tama ka dyan bro." Pati si Laures sumang-ayon din?
Pinakahuli kong tinitigan ng masama ay si Matthias kahit wala pa itong sinasabi.
"Bahala kayo." Nasabi niya nalang.
Mga gago lang sila pero alam kong deep inside hindi sila traydor. Alam ko namang nang-aasar lang sila.
"Cib." Someone's calling me.
Pamilyar ang boses niya at paglingon ko... hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Anong ginagawa niya dito?
"Can we talk?" Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit pa? May dapat paba kaming pag-usapan?
Isa-isa silang tatlo na umalis at lahat sila ay tinapik ako sa balikat. I know what it means.
Naglakad naman siya palapit sa akin at tumabi sa kinauupuan ko.
Ngayon ko lang ulit siya nakita ng malapitan. She's still using the same perfume. Ano bang trip niya at gusto niya akong makausap?