KABANATA 21

1362 Words
Cib's POV "Kamusta ka?" Tanong nito na parang wala lang. Walang issue. "Okay lang. Ikaw?" Ganti ko naman. "Okay lang din." She smiled at me. Actually nagdadalawang isip ako na kausapin siya. She almost ruin my life and now lalapit siya sa akin na parang wala lang. Iniwan niya ako na parang basahan, she never ask for forgiveness despite of everything what she did to me. Nagkakasalubong naman kami minsan, like noong nakipagkita ako kay Tangerine but we're just acting like we don't know each other. After Six months? I think. Ngayon lang kami nagkausap ulit for I-don't-know reason. "Masaya ka ba?" F*ck! Ano bang klasing tanong yan Cib. Inantay kong sumagot siya pero wala, wala siyang sagot kundi ngiti. Siguro nga masaya na siya kasi hindi naman siya ngingiti ng ganyan kung hindi siya masaya. "May girlfriend kana pala." Sambit niya. "Yeah." Tipid kong sagot. "Are you happy with her?" Tanong niya ulit. Tumango naman ako. "I'm so lucky to have her. Mabuti nalang pala at naghiwalay tayo." Mahina kong sabi kahit sa totoo lang nasasaktan parin ako. "I'm so sorry." Tsk! Ngayon pa siya magsosorry kung kailan lumipas na muna ang ilang buwan. "Okay lang. Tapos na iyon." I half smiled kahit pilit ngunit nagulat ako ng bigla niyang hinaplos ang mukha ako. She's staring me now na parang namiss niya ako. Yung mga titig niya sa akin ngayon ay parehong pareho kung papaano niya ako titigan noon. F*ck. Anong ginagawa niya? "I missed you." She said at dahan dahang inangkin ang mga labi ko. My mind says stop this nonsense bullshit but my body isn't listening. I keep on responding to her kisses. Hindi tama ito... mali 'to Cib... "Stop!" Finally nagawa ko din. Bahagya ko siyang naitulak pero hindi naman ito nasaktan. "Excuse me, I have to go." I said then walk away. Napahawak ako sa labi ko habang palabas ng bar. I'm so f*cking missed her kisses pero hindi na pwede. Ayoko ng maulit pa ang lahat. Ayoko ng umasa pa ako sa kanya. Tama na Cib, forget about her. Just forget about what happened. Anong oras naba? Napatingin ako sa relo ko. Gumagabi na pala, sunduin ko kaya si Dalanghita? Tangerine's POV I feel relief ng makita ko ang oras. Phew! Out ko na sa wakas. Tumayo na ako then binitbit yung bag ko tsaka nag-log out. Magpapaalam pa sana ako kay sir Zach kaso mukhang busy siya kaya aalis nalang ako. Saan pa nga ba ako dadaan? Syempre magrerelax muna ako sa coffee shop at sana wala ng asungot doon. Pagkarating ko doon ay pumwesto agad ako sa favorite spot ko kung saan kitang kitang ko ang bawat taong dumaraan. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko tsaka binuksan ang--- shocks! Sabog sabog notifs ko ah. I checked everything. Tungkol nga doon sa video. Mas lalo pang dumadami ang nagshare including yung mga sikat na pages. Someone mentioned me doon sa video kaya naman pati account ko sobrang tambak ng notifs and messages. Hindi ko ata kaya basahin ang lahat ng ito sa isang araw lang. Napahinga ako ng malalim. Okay Tangerine, chill lang. Lilipas din 'to. Hays pakiramdam ko tuloy nawalan ako ng privacy at ang dami nilang tanong sa akin tungkol sa amin ni Cib. Okay I'll read some of the messages. "Ang taray mo ate. Ang swerte mo po at ang gwapo ni Kuya." Wow ah. Bakit? Maganda din naman ako ah. "Nakakainggit naman kayo." Manigas ka sa inggit choss. "Whoaaa nakakakilig." Sa mga oras na ito nakangiti pa ako habang binabasa ang iba pang messages ngunit tila biglang nabura ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ito... "Ang pangit pangit mo. Hindi kayo bagay ni Kuyang pogi." Aba...bakit? Ganda ka? Ganda ka? "Hindi mo maaagaw sa akin ang asawa ko. Ang pangit mong babae ka! Maghanda kana at bilang nalang ang araw mo!" Napakunot ang noo ko dito. Ano ba naman ito, may nagbabanta pa. Inaano  ko ba sila? Kinabahan naman tuloy ako. "Ma'am." "Ay pusang itim!!" Gulat kong sabi at nagulat talaga ako sa biglang sulpot ng isang ito. "A-ano iyon?" Tanong ko. "May nagpapabigay po." Ani nito tsaka nilapag sa table ko ang isang bouquet ng bulaklak at may kasama pang coffee. Yung coffee na... favorite ko NOON. "Kanino galing?" Tanong ko doon sa lalaki ngunit nagkibit balikat lang ito at umalis. Kinakabahan ako ah. Baka mamaya pinadala ito ng isa sa mga nagbabanta sa akin tapos niligyan nila ng lason yung kape. Nagpalinga linga ako sa paligid... bakit tila pakiramdam  ko ay tinitignan nila ako't pinag-uusapan? "Diba parang kamukha niya yunh babae sa video?" Dinig kong sabi nila. "Hindi ah. Ang pangit niyan noh! Mas maganda  naman iyon." Aba wagas kung makalait ah. Buti nalang pala at may make up ako doon noh? At least hindi nila ako makilala sa personal. Okay, balik tayo sa kape't bulaklak. Ano 'to? Lamay? Joke. Na-curious naman tuloy ako kung kanino galing 'to. Inamoy ko yung bulaklak, ang bango. Kinuha ko yung kape at nakita kong may sticky note nakadikit dito at nakasulat ang mga salitang... "I'M SORRY" nang mabasa ko iyon ay isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. Yung taong nakakaalam ng favorite coffee ko na ngayon ay hindi ko na binibili dahil sa kanya. Maraming mapait na memorya sa akin itong kapeng ito kaya nag move on na ako sa kanya. Kung tama nga ang hinala ko, well mabuti kung ganun at naisipan niyang mag-apologize sa akin. "Hi." Isang familiar na mukha ang lumantad sa harapan ko. "Galing sayo?" Diretsa kong tanong dito. Tumango naman siya. "Why?" Madalas ata kaming pinagtatagpo. Anong plano mo tadhana? "Gusto ko lang magsorry sa'yo sa lahat ng ginawa ko." Totoo  naman kaya? "Okay na ako. Moved on na ako at isa pa, may boyfriend na din ako." Giit ko. Syempre ayokong kaawaan niya ako noh. "I'm just wondering... bakit hindi mo na binibili ang favorite coffee mo?" Dapat pa bang itanong yan? "Mapait kasi ang kapeng ito kaya inalis ko na din sa buhay ko." Hindi yan hugot, medyo lang. "Ah ganun ba..." tumango lang ako. Mukhang umaasinso na din pala 'tong manlolokong ito at may pambili na siya ng Kape at bulaklak. Dati kasi ako lahat gumagastos sa amin tuwing lalabas kami. Okay lang naman sana sa akin iyon pero yung lokohin pa ako? Hays. "Tangerine..." sambit nito sa pangalan sabay hinawakan ang kamay ko. Natigilan ako sa ginawa niya. I didn't feel anything, ibig sabihin hindi ko na talaga siya mahal. Bago pa man may makakita ay tumayo na ako't nagpaalam. "Tangerine wait!" Tawag nito ng makalabas na ako sa coffee shop. Nilingon ko siya at nakita kong bitbit niya ang phone ko kaya wala akong choice kundi antayin siyang makalapit sa akin. "Phone mo." Abot nito sa akin. Agad ko din naman itong kinuha. "Salamat." Pilit ko siya nginitian at aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan muli ang kamay ko. "Ano ba problema mo?" This time nag-react na ako sa ginagawa niya. "Tangerine patawad kung sinaktan kita." Sambit niya at tila may luha pang nagbabadya sa mga mata nito. Ayokong magpadala sa kanya at isa siyang malaking sinungaling. "Bitawan mo ako." Giit ko ngunit mas lalo lang niya hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. "Tangerine mahal parin kita!" He said loudly and clearly. Tila huminto naman ang oras sa sinabi niya. Gumising ka Tangerine! Wag ka magpapadala sa kanya ulit. Tama na! *PAK* Nadistract  nalang ako ng may biglang sumuntok sa mukha ni Lucas. "Gago ka ah! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" Kilala  ko ang boses na iyon. Bakit biglang nag-black out ang paningin ko at wala na akong makita? Kinusot ko ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang mukha ni Cib. "Okay ka lang?" Tanong nito. Tumango lang ako. Ang tanga mo Tangerine at muntik ka nanaman maniwala kay Lucas. "Ihahatid na kita sa inyo." Ani ni Cib na halatang nag-aalala. Nakakunot ang noo nito at salubong ang kilay. Mukhang masama ang timpla niya ngayon. A/N: May teamLucas ba diyan? Hahahaha. Pano ba yan ang daming karibal. Mananaig kaya ang teamCrisTan? Comment your hashtag below. #teamCrisTan/ teamCib #teamZachTan/ teamZach #teamLuTan/ teamLucas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD