Tangerine's POV
Hinatid nga ako ni Cib sa bahay namin. Parang bigla atang sumama ang pakiramdam ko. Nilalamig ako, mukhang lalagnatin nanaman ako.
"Okay ka lang?" Tanong nito ulit at tila hindi mapakali.
Tumango lang ulit ako.
"Salamat." Sabi ko tsaka tumalikod na.
"Ah...sandali." nilingon ko siya.
"Yung helmet." Ani nito. Ay oo nga pala.
Muli akong lumapit sa kanya at tinulungan nanaman niya akong tanggalin iyon.
Para akong lumulutang sa hangin ngayon. Teka, parang umiikot ang paningin ko. Napahawak ako sa braso niya dahil pakiramdam ko anytime pwede akong bumagsak.
"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong niya ulit.
"Umiikot ang paningin ko, nahihilo ako." Sagot ko.
Wala akong inutos sa kanya ngunit bigla niya nalang ako binuhat na parang bagong kasal tsaka ipinasok doon sa loob ng bahay.
Syempre nung nakita kami ni mama nangisay nanaman siya sa kilig.
"Ibaba mo na ako." Bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Instead na ibaba ako ay diniretso pa akong inakyat sa kwarto ko shocks! Syempre iba nanaman ang iniisip ni mama malamang. Hay naku naman!
"Magpahinga ka ng maaga." Sambit niya pagkalapag sa akin sa kama.
"Oo na po. Salamat po." Pabiro kong sabi.
Hinipo niya ang noo ko.
"May lagnat ka. Magbihis kana at bibili lang ako ng gamot mo." Sabi niya at dali daling lumabas ng kwarto.
Hindi ko naman napigilan pa ang sarili ko na ngumiti.
May sakit ako, pero bakit pakiramdam ko ay masaya pa ako? Hay naku Tangerine, magbihis ka na nga! Kung anu-ano pa iniisip mo eh.
I hurriedly changed my clothes tsaka bumalik sa pagkahiga.
Cib's POV
"Oh? Saan ka pupunta? Aalis kana?" Sunod sunod na tanong sa akin ni tita nang makita niya akong bumababa ng hagdan.
"Hindi po, may bibilhin lang ako." Sagot ko at mabilis na lumabas ng bahay nila tsaka pinaharurot agad ang motor ko papunta sa pinakamalapit na drugstore dito sa lugar nila.
I bought everything what she needs basta gumaling lang siya. Pinaharurot kong muli ang motor ko pabalik sa kanila.
"Ano yan?" Tanong muli ni mama Helena sa akin nang makita ang dala dala ko.
"Gamot po para kay Tangerine. May sakit po kasi siya." Marahan kong sabi.
"ANO? MAY SAKIT ANG ANAK KO?" Gulat na sabi nito. So hindi pa pala niya alam.
"Opo." I replied.
"Naku, hindi yan pwede sa kanya. Bawal yan sa buntis." Balisang sabi nito.
"Huh? Buntis?" Si Tangerine buntis? Sino ama? Paano?
"Hay Hijo, sige na umakyat kana doon at ipagluluto ko siya ng lugaw." I shrugged then umakyat na sa kwarto ni Tangerine.
Nakatulog na siya pero kailangan niyang uminom ng gamot kaya ginising ko siya.
"Uminom ka muna ng gamot bago matulog." Sabi ko sa kanya at tila inaapoy na siya ng lagnat.
"Okay." Tipid na sagot nito.
She was about to take the medicine nang maalala ko yung sinabi ng mama niya kaya kaagad ko itong hinablot mula sa kamay niya.
"Bakit? Anong problema?" Nagtatakang tanong niya.
"Uhm..ano... buntis kaba?" Kailangan kong itanong sa kanya iyon baka kasi totoo naman talaga.
"Baliw kaba? Virgin pa ako noh. Kaya paano naman mangyayari iyon?" Nagulat ako sa sinabi niya. What? She's still virgin?
"Ganun ba, eh bakit sabi ng mama mo buntis ka daw?" Ang g**o ah.
"Napa-praning lang yan si mama dahil nagsumbong si Blue tungkol sa nakita niya. At oo, tayo ang isinumbong niya nung time na nakita niya tayong magkatabi dito sa kama. At itong si mama naman, jump agad sa conclusion na buntis ako."kwento niya.
"Ah okay naintindihan ko na. So ako pala ang ama." Hindi ko naman alam na tatay na pala ako ah. Binigay ko na ulit sa kanya yung gamot at ininom niya din agad tsaka bumalik sa pagkahiga.
Tulog na siya agad. Mukhang pagod na pagod siya.
Bumaba na muna ako saglit at sinabi kay tita na tulog na siya tsaka kumuha ng basang bimpo.
Nilagay ko yung basang bimpo sa noo nito para bumaba ang init nito sa katawan. Mahimbing na ang tulog niya. Parang nag-aalangan akong umuwi at iwan siya ng ganito.
Napatingin ako sa relo ko, 8 o'clock na ng gabi. Humiga ako sa tabi nito at tinititigan lang ang mukha nito.
Bakit ba kasi ngayon ka lang dumating sa buhay ko? Ayan tuloy, nasugatan pa tayong pareho dahil nagmahal tayo sa maling tao.
Sana nagkakilala na tayo noon pa.
Napabalikwas ako sa kama nang marealize ko ang ginagawa ko. Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Bakit nag-aalala ako sa kanya? Bakit Cib? May gusto kana ba kay Dalanghita? Hindi kaya... ganun nga?
"Hmm..." she groaned tsaka niyapos ako at ipinatong pa ang paa nito sa katawan ko. Ang likot matulog nito.
Sana naman lumayo layo siya sa akin at baka may magising na hindi dapat.
Unti-unti kong inalis ang kamay niya at paa sa akin ngunit ilang segundo palang ang nakalipas ay pinatong niya ulit ang paa niya sa akin at yung kamay niya kung saan saan na napupunta.
May sakit ba talaga siya? Pakiramdam ko minamanyak ako nito eh. Ramdam kong gising na siya, gising na yung junior ko.
Medyo dumistansya nalang ako sa kanya at dahil tinamad na akong umuwi, hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.
Tangerine's POV
Nang imulat ko ang aking mga mata ay unang nakita ko ang mukha ni Cib. Pakiramdam ko nasa panaginip parin ako. Nakapatong pa ang mga paa ko sa kanya at nakayakap pa ako ah. Abuso teh?
Minsan lang ako managinip ng ganito kaya sulitin ko na. Hinaplos haplos ko ang makinis niyang mukha at piningot ko pa ang matangos na ilong nito. Nagulat ako nang bigla itong gumalaw. Aba... parang totoo lang ah.
Nakita kong unti-unti na din itong dumidilat. Teka, totoo na ito ah.
"Good morning." Mahinang bati nito tsaka ako niyakap ng mahigpit. Nagulat naman ako sa ginawa niya at lalong nagulat ako nang magising ako sa reyalidad na hindi ako nananaginip.
"Buti naman at magaling kana." Sabi niya ulit habang nakayakap parin sa akin. Ang sweet niya. Para kaming newlywed couple.
Maya maya pa ay niyakap ko na din siya pabalik. Ang sarap pala sa pakiramdam yung pagising mo may mayayakap ka. Hindi unan kundi totoong tao at mahal-- ay hindi. Basta ganun! Masaya at ang sarap sa pakiramdam.
*BAG*
Pareho kaming nagulat at napabangon sa kama nang marinig namin ang malakas na ingay na iyon. Magkahawak kamay kaming lumabas at bumaba sa hagdan.
At doon mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Andoon si mama, si Blue na may bitbit na cake. At-- ang pamilya ni Cib na may dala dala ding cake at may nakalagay na 'Happy 23rd birthday Crisostomo Ibarra Buendia'
"BIRTHDAY MO?" Halos magkasabay naming tanong sa isa't isa. Birthday niya rin and birthday ko? So ano? Kambal kami? Pero teka lang ah. Yung pangalan niya ang haba haba at ang sinauna. Kaya pala Cib, now I know.
"Happy birthday to you, happy birthday to you..." kumakanta sila ngayo ng birthday song para sa aming dalawa.
We make a wish tsaka hinipan ang yung kandilang nakatirik sa ibabaw ng icing ng cake namin.
Ang ganda ng umaga ko at may mga bagay talagang hindi mo inaasahan na darating. Nawala nga sa isip ko na birthday ko na pala ngayon eh. So kambal tuko pala kami lols
Happy na, birthday pa.