KABANATA 12

1050 Words
Tangerine's POV Hay salamat naman at mejo nabawasan na ang bigat ng ulo ko. Papasok na ako ngayon sa trabaho at baka tanggalin na ako ng boss ko sa dami ng absences ko. Well, nakapagfile naman na akong sick leave at 1 week narin ang nagamit ko dun. Andito na ako ngayon sa bus stop at pakiramdam ko tutubuan nanaman ako ng ugat sa katawan dahil sa kanina pa ako dito nag-aantay pero wala padin akong masakyan dahil mga punuan na yung dumadaan at walang bumababa. Chill Tangerine. Maaga pa naman okay~ hingang malalim at hindi magandang mastress. Bahagya akong napayoko para ayusin ang sintas ng sapatos ko ng biglang malaglag ang salamin ko na siyang dahilan para maging malabo ang kapaligiran. Kinapa ko ito pero parang iba ata nakakapa ko ngayon. Hindi man malinaw ang itsura niya pero kitang kita ko na may lalaki ngayon sa harapan ko at  nahawakan ko pa ang kamay niya. Ang bango niya kaya feeling ko hindi naman siguro siya magnanakaw lols. "Mag-iingat ka sa susunod Cib's girlfriend." Ani nito sabay sinuot sa akin yung salamin kaya this time mas malinaw ko ng nakikita ang familiar niyang mukha. "Matthias?" Si drummer boy nga. At aba hanggang ngayon may bitbit padin itong chocolate. Wala pa kaya siyang diabetes? "Taga dito kaba?" Tanong nito. Mejo snob type siya na sobrang cute. Pero iba ang aura niya kapag nasa stage. Naalala ko nanaman tuloy si Cib. "Ah oo. Malapit lang ako dito. Ikaw ba?" Tanong ko din. "Uhm no. I just visited someone." He answered then take a bite dun sa chocolate na bitbit niya. "You want some?" He offered. "No thanks." I refused at baka madagdagan pa ang sakit ko. Baka maya kasi sumakit yung ngipin ko. Mabuti at kompleto parin yung ngipin niya noh? In fairness. Nadistract ako mula sa pagbibilang ng bagang niya dahil sa malakas na busina ng paparating na bus. "Ito na yung bus na sasakyan ko. Bye~" I waved at him at nginitian niya naman ako. Inaamin kong sobrang tipid niya ngumiti hindi katulad ni Cib na parang sinaniban ni Tinay yung bida sa Little nanay na nagsasabing 'Happy Lang'.  Teka...namimiss ko ba siya? Kanina pa ako Cib ng Cib. Hindi naman siguro. Mabuti naman at may isang bakante pang upuan sa likod kaya nakaupo pa ako. Buti nalang din aircon at kahit papano hindi ako mahihimatay sa init. Mejo traffic pero feeling ko aabot naman ako on time sa trabaho ko since lagi naman akong may time allowance. Hinanap ko yung phone ko sa bag ko but s**t! Hindi ko makita. Aluh nawawala yung phone ko. Hindi kaya~ nagflashback sa isipan ko yung moment na inayos ko yung sintas ko at dun ko na-realize kung nasaan yung phone ko. Crap! Nalaglag yung phone ko sa waiting shed. Hay naku pagminamalas nga naman oh. Malamang wala na yun dun. Maliban nalang kung nadampot ni Matthias. Nagulat ako ng biglang may ulong sumandal sa balikat ko. Shocks! Ano ba naman 'to hanggang dito ba naman? Ang bigat ng ulo niya. "Kuya..." I tried to wake him up pero tulog mantika siya. Aircon nga pero pinagpapawisan ako sa mga kaganapan. At mas lalo akong pinagpawisan ng maramdaman ko ang kamay niya sa legs ko. "Ahhhhhh!" Literal na sumigaw ako dun sa loob ng bus dahilan para mabulabog ang mga pasahero ng bus. Sa lakas ng sigaw ko ay parang naalimpungatan pa si kuyang m******s. Pagmulat na pagmulat ng mata niya saktong dumapo ang palad ko sa pisngi niya. "Bastos ka! Bakit mo ako hinihipuan?" I confronted him. Kahit pogi siya hindi ko palalampasin ang ginawa niya. "What? What the heck are you talking about?" Aba'y nagmamaang-maangan  pa 'tong lokong 'to ah. "Wag mo akong daanin sa paenglish english mo na yan ha. Sagutin mo ang tanong ko!"  I shouted out again. "Ano ba problema mo miss ha? I didn't do anything wrong. Where in fact nagising lang ako sa sigaw mo at sinampal mo pa ako." He explained. "Napakasinungaling mo! So ano? Basta nalang napunta yung kamay mo sa legs ko?" Bahagyang nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "Okay fine I'm sorry maybe aksidente lang yung nangyari dahil nakatulog ako. Basta malinis ang konsensya ko at hindi kita pagnanasaan!" Giit nito at tinitigan pa ako ng masama na tila ba sinasabi niyang hindi ako kagandahan para pagnasaan. Tinitigan ko din lang ito ng mas matalas pa sa kutsilyo. In the end, pinababa nalang siya ng driver ng bus. SIYA LANG. Buti nga sa kanya hmp! Cib's POV Kauuwi ko lang galing tambayan. Saan pa nga ba? Syempre balik tambayan ako dun sa restobar ni Laures. At least masaya ako sa pagtugtog dun. Balak nga naming buhayin ulit ang banda. Sana nga magawa pa namin. Rekta kwarto agad ang pasok ko. Magpapalipas oras nalang muna ako. I turned on my phone then something pop up into my mind. Nagpunta ako ng gallery and there I saw our old pictures. Hanggang ngayon hindi ko parin kayang burahin 'tong mga 'to. Teka...napangiti ako ng makita ko ang pictures namin ni Tangerine under the rain. May naalala tuloy ako. Actually natatawa at naiinis ako sa tuwing naaalala ko yun. Hindi ko alam bakit ko yun ginawa. Maybe dahil part lang yun ng package na binigay ko sa kanya. Well, maybe that's it. Yeah, that's it. Nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Naririnig ko din ang boses ni mama. Oo nga pala kailangan ko ng sabihin kay mama yung tungkol sa trabaho ko at baka magalit yun pag nalaman pa niya sa iba. Bumangon na ako at naglakad palabas ngunit hindi pa man ako nakakaabot ng sala ay tila kusang gumalaw paurong ang mga paa ko. "P*ta!" I blurted out pero mahina lang. Parang nataranta ako bigla sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito? Inaamin kong bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ko siya. Kailangan kong magtago. Hindi niya dapat ako makita dito? Wait, ano ba! Hindi ako makapag-isip ng tama ah. Agad akong bumalik ng kwarto at naglock. Phew~ napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko na parang nagkakarera sa kaba. Pero bakit kaya siya nandito sa bahay namin? Hindi kaya ako ang hinahanap niya? Ewan ko. Napulundag ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD